After reading the letter, I immediately went to my mom's room. Hindi pa siya natutulog kaya dumiretso ako sa kwarto niya without knocking on the door. Mabilis kong inabot sa kanya ang sulat na binigay niya kanina. Pareho kami ng reaksyon."Casablanca?" Kumunot ang kanyang noo.
I shrugged. "I don't know. Hindi ako pupunta."
"Ikaw ang bahala, Tami. But if you have changed your mind, just tell me."
"Ma, hindi ako magsasayang ng oras makihalubilo sa mga taong hindi ko kilala."
I saw my mom's expression pero hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung masaya ba siya o ano. "But it's your father's birthday."
Napaisip ako sa sinabi ni mommy. Ibig sabihin, sa kanya nga galing ang sulat. Ilang years na siyang wala tapos ngayon pa niya naisipang imbitahin ako? Para saan pa? Hindi ko naman siya kilala.
"Wala na akong daddy." Umirap ako.
"Tami, anak, ama mo pa rin siya." Nagmamakaawa ang boses ni mommy.
Sa tuwing ang lalakeng iyon na ang pag-uusapan, parang apoy sa pagsiklab ang galit ko. Sobra sobra ang galit ko sa kanya. I'm not yet ready to forgive him. Baka mamatay na lang siya ay hindi ko pa siya mapapatawad.
"Have you forgotten? Iniwan niya tayo, ma. Don't tell me napatawad mo na siya? Pagkatapos nating maghirap?"
Hindi kami naghirap, financially. Naghirap kami emotionally. At a very young age, imbes na nakikipaglaro ako sa mga kapwa ko bata ay mas pinili kong tabihan ang mommy ko. Maaga akong pinapatulog ni lola, but I always wake up in the middle of the night. Pupunta ako sa kwarto ni mommy and I'd see her silently crying in pain. Sobrang sakit para sakin ang marinig ang mahihinang hikbi niya. Naisip ko, hindi naman siya iiyak ng ganun kung hindi siya sinaktan at iniwan ng tinatawag kong daddy.
"He's just my dad for the title. Hindi niya pinanindigan iyon." Giit ko pa.
Nakita ko ang pagtakas ng luha sa mga mata ni mommy. Pinunasan ko agad iyon. We're done with the crying. We have moved on. Ayoko ng maalala pa ang mga masasakit na nangyari sa amin dati.
"He already forsook me when he left us. Ayoko ng bigyan pa siya ng dahilan para ulitin yun." Niyakap ko si mommy.
It hurts me to see and hear my mom crying. Mas nasasaktan ako. Nung iniwan kami ni lola, bumalik sakin ang sakit ng iwan ng mahal sa buhay. That's when I decided to be more strong for my mom. Ako na lang ang masasandalan niya. Siya na lang din ang masasandalan ko.
Pagkatapos ng kadramahan namin ni mommy, binuo ko ang desisyon ko, hindi ko pauunlakan ang imbitasyon niya. Tahimik na ang buhay namin, masaya na kami ni mommy na wala siya, at tanggap ko ng iniwan na niya kami.
I cleared my mind before going to bed. Ayoko ng magulong isip bago matulog. I want a very sweet dream, not a nightmare.
Kinabukasan, naghanda na ako para pumasok sa school. Being an architect in the future has really been my dream since then. I'm in my 3rd year now at konting kembot na lang ay matutupad ko na ang pangarap kong iyon.
When I graduated in high school, nagpaalam ako kay mommy na magtatrabaho muna ako para makapag-ipon ako sa pagka-college. Pero tumanggi siya. Ayaw niya akong maghirap. Gusto niya akong bigyan ng normal na buhay at ayaw niyang marami akong isipin habang nag-aaral. Kaya pinangako ko na lang sa sarili ko na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Gusto kong maging proud si mommy sakin.
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
JugendliteraturHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...