Nakakalungkot. Wala na ang isa sa mga tinuturing kong kuya. Bumalik na daw ng Manila si Sael kasama ang nanay niya. Hindi ko alam ang rason. Hindi ko makita si Ashley para kausapin. Nag-away ba sila? Nagkahiwalay? Huwag naman sana. Tanggap ko nang tinapos ko na ang hindi ko pa nag-uumpisang love story kay Dennis, pero hindi ko matatanggap kung pati kay Sael ay mage-end.
Nagpatuloy ang mga araw ko. Hindi mawala ang sakit pero tinatago ko. Si Kristoff, pilit niyang hindi pinapansin iyon, inaasar niya ako, pinapatawa, pero hindi pala yata talagang kayang tiisin ng kaibigan na makita ang kanyang kaibigan na nagtatago ng sakit.
"Peanut, libre mo 'kong JCO." Ngumuso ako.
"Hoy, Ashera! Hindi ako bangko!" Sigaw niya.
Nakakahiya naman itong kasama ko. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan. Nakatambay kasi kami sa main gate. Ewan ko sa kanya, dito niya nagustuhang tumambay. Vacant kasi namin ng dalawang oras sa last subject namin, wala naman kaming alam na gawin dito.
"Ako na sa drinks," Hinuli ko ang tingin niya.
"No." Tinitigan niya ako. "Sama natin ang magkapatid, sila manlilibre." Ngumisi siya ng nakaka-loko.
Sinabayan ko ang ngisi niya. "I like that!"
Tinawagan ko si Joseph, siya naman si Ally ang kinausap sa phone. Napapayag namin sila kaya nag-apir kami. Thankful pa rin ako na hindi ako iniiwan ng mga kaibigan ko. Hindi nila ako pinapabayaan. Nasabi ko na sa kanila na tumalikod na ako sa arrange marriage. Lahat sila nagsaya lalo na si Mark. Nakipag-skype pa siya at sinabing magpapadala siya ng damit sa akin. Natanggap ko naman agad. Regalo ko daw iyon dahil nagising na ako sa wakas!
Hinintay namin ang magkapatid sa gate. Ilang minuto na rin kaming naghihintay kaya si Kristoff, pinagti-tripan ang mga dumadaan.
"Pang-lima," Sabi ko.
"Game!"
Nag-umpisa na kaming magbilang ng mga dumadaan papasok. Napagtripan kasi naming hihingin namin ang number kung sino man ang nasaktong dumaan sa binigay naming number. Pigil na pigil ang tawa ko dahil nung unang turn niya, lalake ang pang-sampung dumaan. Ang resulta, namura siya. Tawa ako ng tawa. Nung ako naman, babae kaya sinabi ko pinapahingi ni Kristoff. Hindi ako nahirapan.
"Three..." Bilang ko. "Four... FIVE!" Tumawa ako ng malakas.
"Puta! Tami, ayoko na!" Tumalikod si Kristoff.
Hinila ko ang kwelyo niya. "Huwag kang ganyan! Dali na!" Tawa ko.
"Ayoko na! Ang daya naman kasi!"
"Isa!" Pagbabanta ko.
"Bahala ka magbilang diyan." Sabi ni Kristoff.
"Putangina mo, Kristoff. Ano? Handa ka ng masira ang pangalan mo?"
Kunwari kong pinindot-pindot ang phone ko. Naka-secure kasi rito ang isang folder ng mga pictures ni Kristoff simula nung bata pa kami. Binantaan ko siyang ikakalat ko ang picture niya dati na tumatae sa likod ng bahay nila. Natawa ako. Pinicturan ko kasi siya nun nang kita ang pwet niya.
"Putangina mo rin, Tami. Eto na!" Sigaw niya saka ginulo ang buhok.
Lumakas ang tawa ko. Pinanood ko siyang naglalakad palapit dun sa pang-limang estudyante na dumaan. Kaya siya umayaw kasi bakla yung pang-lima. Natawa ulit ako. At 'yung baklang iyon ay naghahabol kay Kristoff dati. Hahaha. Lumapit ako ng kaunti para marinig ko ang usapan nila.
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
JugendliteraturHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...