Sinipa-sipa ko ang bato habang naglalakad ako. Nawawala na yata ako? Ang dami kasing pasikot-sikot sa village na ito. Sa pagkakatanda ko naman, diretso lang sa pagda-drive si Ullyses kanina tapos kumanan siya. Sa pagliliwaliw ko para hindi ako maiyak ay nawala naman ako. Saan na ba ang gate dito?
Nilingon ko ang paligid. May isang lalake na nakaupo dun sa bench. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya pero mukhang pamilyar. Lumapit ako para makapagtanong sa kanya.
"Excuse me. Ahm, pwede ba magtanong? Saan yung daan palabas ng vi- D-D-Dennis?!" Napaatras ako nang makita ang seryoso niyang mukha.
"Diretso," Malamig niyang sagot saka tumitig na sa kawalan.
"S-Salamat," Nagtataka man ay naglakad na ako.
Bakit siya nandito? May girlfriend ba siyang nakatira rito? Saka bakit parang napaka-seryoso niya ngayon? Ni hindi niya ako sinigawan. May problema kaya siya?
Huminto ako sa paglalakad. Muli ko siyang nilingon at napagtanto kong may problema nga siya. O baka naman ay may iniisip. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero pinapangunahan ako ng takot. Nagbaba ako ng tingin. Lalapitan ko ba siya? Baka naman gusto niyang mapag-isa? Saka kung may gusto man siyang makausap, paniguradong hindi ako iyon.
Tinignan ko ulit siya. Tulala pa rin siya. Ngayon ko pa lang siya nakita na ganyan. Hindi naman siguro siya magkakaganyan nang dahil sa babae. Humakbang ako ng isa pero hindi ko na sinundan pa. Umiling ako at tumalikod na. No! Tama na yung huling pag-uusap namin na halos magkasakitan na. Galit siya sakin, hindi ko dapat makalimutan iyon. Kung lalapit man ako, baka madagdagan ko lang ang mga problema niya. Baka sigawan niya lang ulit ako at sisihin.
"Hindi mo dapat siya iniisip pa, Tami." Kausap ko sa sarili ko. "Kahit tignan man lang, hindi na dapat. Wala ng kahit na anong namamagitan sa inyo, Tami, ano ba? Dapat mawala na rin siya sa puso mo-" Naputol ako sa pagsasalita nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
Kinabahan ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ko makita kung sino ang yumakap sakin. Natatakot na ako. Nandun pa kaya si Dennis? Baka naman may nakasunod na naman na gustong gawan ako ng masama. Hindi ako magdadalawang isip na humingi ng tulong kay Dennis. Lalo akong kinabahan nung ibaon nung yumakap sakin ang kanyang mukha sa gilid ng leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.
"S-Si-Sino ka?" Nanginginig kong tanong.
"I'm sorry..."
Nanlaki ang mga mata ko. Tumakas na yata ang puso ko sa sobrang bilis nito. Tama ba ang narinig ko? Hindi ko na alam kung ano pa ba dapat ang maramdaman ko. Matutuwa? Malulungkot? Manghihinayang? Maiiyak? Ano? Lahat na nawala sakin. Hindi na ako makapag-isip ng matino kasi sa simpleng dalawang salitang iyon ay natunaw na ako kasama ang mga galit at hinanakit na natitira sa puso ko. Pati yung sincere niyang boses, gusto ko na lang magmakaawa para mahalin niya ako.
Unti-unti siyang kumalas sa yakap. Hindi ako gumalaw. Hindi ko siya hinarap. Hagulhol ko na lang ang narinig ko. Hindi dapat ako umiiyak e. Wala dapat sakin ang sinabi niya. Anong pakulo iyon? Handa ko na siyang kalimutan diba? Pero bakit nakakaramdam na naman ako na handa ulit akong maghabol sa kanya? Shit! Masama ito!
Sinubukan kong humakbang. Kailangan ko na makauwi. Hinihintay na ako ng mga kaibigan ko. Dapat ay nagsasaya na kami, hindi yung ganito na umiiyak ako. Kailangan ko na makaalis sa lugar na ito. Humakbang ulit ako pero hinila niya ang braso ko.
"I-" Pinutol ko na agad siya dahil ayoko ng marinig pa ang kahit na anong sasabihin niya.
"I...I...I...need to go,"
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
Teen FictionHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...