37: Thank You

49 3 0
                                    

Sa sobrang pagkamiss ko kay daddy, tumabi ako sa kanila ni mommy sa kwarto. Para akong bumalik sa pagkabata na gustong katabi sa pagtulog ang mga magulang. Pero walang makakapigil sa nararamdaman ko ngayon. Masyado akong masaya na kahit na anong problema o kahit na sino ay hindi makukuha ang kasiyahan ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may daddy. Ganito pala ang pakiramdam ng buo ang pamilya.


"Nung mga panahong-" Pinutol ko na agad ang sasabihin ni daddy.


"Dad, kalimutan na lang po natin ang nakaraan." Sabi ko saka hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.


"Hindi ako nagkamali, Tami. Mabuti kang bata. Nabalot ka lang ng galit noon."


"Kahit na palamura 'yang anak mo, alam kong hindi siya nag-iisip ng masama sa ibang tao."


Napalingon ako bigla kay mommy. "P-Po?"


Ngumisi si mommy. "Para saan pa't mommy ko ako?" Tumawa siya.


"Aigoo." Tinakpan ko ang mukha ko sa hiya. "Sorry po!"


"Shh. Hindi ko naman mapipigilan 'yan, anak. Basta wag sumosobra ha."


Nakakahiya! Akala ko hindi alam ni mommy ang pagmumura ko. Shit! Siguro nagsumbong mga kaibigan ko. Humanda sila sakin kapag nalaman kong ganun nga.


Nilingon ko sina mommy at daddy na tulog na. Alam kong masaya na ulit si mommy ngayon. Ganun pala yun. Hindi mo na maiisip ang ilang taong paghihirap. Hindi ko na inisip na ang kapalit ng ilang gabi naming pag-iyak ni mommy ay mawawala sa isang iglap. Nagsawa na rin siguro ang puso ko na magalit. Wala ng puwang pa para magalit ako. Ang importante na lang sakin ngayon, maayos na kami, nagkapatawaran na kami, wala na ang galit ko. Buo na ako. Buong buo.


Masayang masaya akong pumasok ng eskwelahan. Gamit ko na ang bago kong kotse. Sinurprise ako kanina ni daddy pagkagising ko. May susi sa tabi ko at nakita ko na lang ang kulay pulang mirage sa harap ng bahay. Marunong naman ako mag-drive at may lisensya ako kaya nagamit ko na agad. Muntik pang magtalo sina mommy at daddy dahil ayaw akong pagamitin ni mommy ng sariling kotse. Ayaw lang niyang aminin na mamimiss niya akong ihatid-sundo sa eskwelahan.


"Wow! Promoted na ba si tita?" Binuksan ni Kristoff ang pintuan para sakin.


"Nope." Nakangiti kong sagot.


"And where did you get your new car?" Nanlaki bigla ang mga mata ng beastfriend ko. "Don't tell me... Tami, alam kong problemado ka pero wag ka naman kumapit sa patalim-"


Sinapok ko siya. "Gago! Anong pinagsasabi mo?"


"Sabihin mo kasi kung saan galing 'yang sasakyan mo!"


"Secret!" Binelatan ko siya.


Kinulit niya ako hanggang sa classroom pero hindi ko pa rin sinasabi. Nginitian ko si Dennis nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko pa masabi kung ayos ba talaga kami ni Dennis pero ayoko na munang isipin iyon. For once, I wanna be selfish. Gusto ko munang sarilinin ang kasiyahan ko.


--


"Daddy, sigurado ka dito? Maganda po ba?"


"Tami, hindi ako architect pero mason ako nung araw. Kaya masasabi kong maganda ang gawa mo. Nakabili ka na ba ng gamit mo?"


"Hindi pa nga po."


"Kailan ba submission niyan?"


"Next week na po." Sagot ko.


Crazy, Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon