28: Saktan Ka

84 2 0
                                    

Be comfortable with me?'


Anong ibig niyang sabihin? Nahahalata niya bang alangan ako kapag kausap siya? Am I that obvious? Bakit ang gulo nila ni Dennis?


"Tami! Nandiyan ka lang pala!" Nabigla ako nang marinig ko na si Kristoff sa tabi ko. "Bakit hindi mo sinasagot 'yung tawag namin? Nasa counter na 'yung magkapatid. May bibilhin ka ba?"


Tinignan ko siya. "Wala,"


"Oh tara na."


Hinila na niya ako papunta sa magkapatid. Tapos ng ma-punch ang mga binili nila nang makarating kami. Nilabas ni Joseph 'yung card niya para magbayad.


"Nawala ka yata, Tami?" Tumawa si Joseph.


"Gago." Sabi ko na lang.


Kinindatan niya 'yung cashier pagkabalik sa kanya nung card. Perv! Porke maganda yung cashier, e. Tss.


Pagkauwi ko ng bahay, nag-iwan ng note si mommy. Ang sabi niya, pupunta raw siya ng work. Nagtaka ako kasi naka-leave siya ngayon. Imposible naman kailanganin siya doon. Nilabas ko ang phone ko at ni-back muna ang mga messages. Dinial ko ang number ni mommy. Ilang rings lang ay sinagot na niya.


"Mom, where are you? I thought you're on leave?" Tanong ko agad.


"Yes, anak. I'm just working on some errands. I'm sorry. Do you need anything? Gutom ka ba? Pinainit ko na yung ulam na galing kina Kristoff, kumain ka na lang diyan."


"No... I'm not hungry. Anong oras ka uuwi?"


"Not yet sure, anak. I'll text you kapag pauwi na ako."


"Okay, bye. I love you, mom."


"I love you, too, Tami. Ingat ka diyan. Kung natatakot ka, magpasama ka na lang kay Kristoff ha."


Natawa ako. "Mom, hindi ako natatakot. Saka ang liwanag."


"Gwen-"


Kumunot agad ang noo ko nang makarinig ako ng boses ng lalaki sa background. May kasamang lalaki si mommy?


"Mo-"


"Bye, nak." Pinutol na ni mommy ang tawag. May tinatago siya, I'm sure.


Nagkulong lang ako sa kwarto ko at nakikinig ng music. Nag-usap kami sandali ni Mark sa skype para mangumusta at sabihing nagbreak na sila ng girlfriend niya. Nakita raw niya yung girlfriend niya sa isang hotel at nakikipag-sex sa kanyang ex. Natawa ako kay Mark dahil pinagmumura niya yung girl habang nagkukwento siya sakin.


"Fvck, Tami. He crashed my ego! Biruin mo 'yun. Hindi siya ganun ka-satisfied kapag nasa kama kami." Frustrated na sabi ni Mark.


"Yun lang?" Pagtataka ko. "Akala ko pa naman, galit ka dahil pinagpalit ka niya!"


"Wala akong pakialam kahit ipagpalit niya ako, Tami. Binalikan niya yung ex niya dahil mas magaling yun sa akin."


Tumawa ako ng malakas. Grabe! Hindi siya nahihiyang ikwento sakin yun. Sabagay, bata pa lang naman kami, sa akin na siya nagsasabi ng ganyang problema na hindi naman talaga niya pinoproblema. Alam kasi niya na kapag kinwento niya yun sa iba naming barkada ay tutuksuin lang siya. Hindi na talaga sila nagbago. Sina Mark, Sean, Brix, Joseph, at Zephyr ang kilala kong ganyan sa amin. Sila yung bulgaran kung magkwento sa mga girlfriends nilang nakakama nila. Sina Kristoff, Dayne, Ally, at Tophel naman ay may pagka-perv at jerk rin pero hindi sila ganyan, kumbaga mas matino sila sa apat na nauna. Lalo na si Tophel na pinaka-strict sa aming magkakaibigan, pero hindi naman nagpapahuli sa kalokohan. Pamilya kasi niya ay malapit sa simbahan. I'm not saying na malayo kami at hindi kami palasimba. Iba yung family ni Tophel. Strikto si Tophel, paano pa kaya ang mga magulang niya? May dalawang kapatid pa si Tophel, sina Paul at Pierre. Si Paul ang napa-iba sa kanila, siya yung lumalaban at hindi sumusunod sa utos ng kanyang mga magulang, while Pierre's been the nice and silent girl.


Crazy, Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon