Kinuha ko ulit ang lapis at tinuloy ang pagi-sketch. Sinubukan kong paganahin ang nasa utak ko pero ayaw talaga ng kamay ko. Gulong-gulo ang utak ko. Dalawang lalake ang nasasaktan ko ngayon. Hindi ko ginusto pero nangyayari. Mali yata ang ginawa kong desisyon dahil imbes na hindi ko sila masaktan, nasasaktan ko pa sila ngayon.
Sumuko na ako pagkatapos ng ilang oras kong pamimilit sa mga kamay ko. Ayokong masira ang project ko, ayokong pilit ang project ko. Kahit pa rush na basta klaro na ang isip ko, alam kong maganda ang magagawa ko.
Hindi ako nagpaalam kay mommy nang umalis ako ng bahay. I know I'm insane to drive her car pero nakita ko sa table ang susi kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa. I'm on my way to Lola Bel's house. Gabi na pero hindi pa naman late at alam kong welcome naman ako sa bahay niya.
Pagkarating ko sa subdivision nila, naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit si Lola Bel ang pinuntahan ko, pero siya ang naisip kong puno't dulo ng lahat ng ito. Alam ko wala silang masamang intensyon sa amin, nagkatuwaan lang siguro sila ni lola kaya ginawa ang kasunduan na iyon. Pero sinersyoso na nila ng makita kami.
Hindi ako nag-park sa tapat ng bahay nila. May ibang kotse na naunang mag-park doon. Hindi ko alam kung sino ang kasama ni lola na nakatira dito, dahil may pamilya na lahat ng anak niya. Binibisita na lang siya rito nina Tita Elisa at ni Dennis. Sana lang ay hindi sina Dennis ang bisita niya ngayon.
Nag-doorbell ako. Mahigpit kong hinawakan ang wallet at phone ko habang naghihintay sa magbubukas ng gate nila. Nag-doorbell ulit ako nang medyo tumagal na akong naghihintay. Nang marinig ko ang paggalaw ng lock ng gate, umatras ako kaunti at hinintay ang magbubukas nito. Lumantad sakin ang kasambahay nila na naka-uniporme.
"Nandiyan po ba si Lola Bel?" Tanong ko.
"Opo, ma'am. Kaya lang po may ibang bisita si ma'am kaya maghintay na po muna kayo sa sala."
"O sige po."
Sinundan ko na siya hanggang sa sala. Bakit ganun? Ngayon ko lang napansin na naka-kalat rin pala sa bahay na ito ang mga pictures ni Xyrel. Kung iisipin, hindi ko pansin ang ibang tao sa mga naka-display na pictures dito dahil parating si Dennis ang tinitignan ko. Kahit ako ay may picture rito kasama si Dennis, pero sa bawat pagpunta ko rito, hindi kami nagkatagpo ni Xyrel.
Nilapagan ako ng juice at sandwhich nang kasambahay nila. Habang naghihintay ako ay nakatanggap na ako ng tawag galing kay mommy. Nag-usap kami at pinagalitan niya ako thru call. Bakit ko daw ginamit ang kotse ng walang paalam at umalis ako ng hindi nagpapasabi. Sometimes, naiinis ako sa sobrang matanong ni mommy na kahit matanda na ako ay kailangan ko pa rin mag-report sa kanya. Pero mas nangingibabaw sakin na mahal niya ako kaya nag-aalala siya sakin, at naiinis lang ako sa sarili ko kapag palagi ko siyang pinag-aalala.
Napalingon ako sa hagdanan nang marinig ko na si Lola Bel. Pero bigla na lang huminto ang oras para sakin. Nawala ang parehong ngiti sa mga labi nila. Siya ba ang bisita ni lola? At kailan pa sila nagkakilala? Ano? Pati na si Lola Bel ay pinapakialaman na niya? Nag-alab ang galit ko sa kanya. Napatayo ako.
"Anong ginagawa mo rito?" Asik ko.
"Tamara, calm down. I own this house, I have the rights to welcome anyone." Mahinahong sabi ni lola.
Inalalayan siya ni daddy na makababa at harapin ako. Alam kong nagpupuyos na ako sa galit. At nakakahiya dahil tama ang sinabi ni lola, hindi ko nga naman bahay ito kaya wala akong karapatan na kwestiyunin kung sino ang mga bisita niya.
"What brought you here, apo?" Tanong ni lola saka umupo sa tabi ko.
"Lola, why is he here? Anong ginagawa niya rito? I know this is your house, but... I never knew you were friends with that man!"
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
Teen FictionHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...