Mabibigat ang mga hakbang ko papasok sa bahay nina Tita Elisa. I don't know if Tito Rod's still here dahil minsan maaga pa lang umaalis na siya ng bahay. He's a lawyer and hindi mo rin masabi ang schedule nila.
I looked at my mom and she just smiled at me. A smile that can remove all anxiety. But I must admit, I could still feel the turmoil inside me. She held my hand so tight.
"I'm always here, Tami." Sabi ni mommy.
Ngumiti ako. Nilibot ko ang paningin ko pagkapasok namin sa bahay nila. Walang pinagbago ang mga gamit. May nadagdag pero same pa rin ang interior design ng bahay. This is not the ancestral house. Nasa Batangas ang bahay ng lola ni Dennis, from father side.
Umupo kami ni mommy sa usual nilang sofa. Same sofa I where I sat when I first came here. At dungaw ang tao sa second floor. Naalala ko na naman lahat. Naalala ko na naman ang batang Dennis na masasama na agad ang titig sa akin.
"Gwen, it's you. Tami, what did the both of you brought here?" Gulat na salubong samin ni Tita Elisa.
Sabay kaming tumayo ni mommy at humalik sa kanya. Umupo ulit kami at katapat si Tita Elisa sa kabilang sofa.
"Tami has something to tell you, Elisa. Is Rod here?"
"Oh, gosh. Nasa office na siya."
Nagkatinginan kami ni mommy. "Okay lang po." Sabi ko.
"Ano ba yung sasabihin mo, Tami? Mukhang importante at lumuwas pa kayo rito."
Napayuko ako. This is so hard to start. Panimula ang palagi kong problema. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan lahat ng gusto kong sabihin. Pinapangunahan ako ng tigidig ko sa puso.
"Tami, is there any problem? Tungkol ba kay Dennis?" Tanong ulit ni Tita Elisa.
"Anak, do you want me to speak for you?" Naramdaman ko ang paghawak ni mommy sakin sa balikat.
Nag-angat na ako ng tingin at ngumiti. "No, mom."
Tinitigan ko si tita. She has been so good to me. Tinuring na talaga niya akong parang anak. Silang dalawa ni Tito Rod. Kung sana ganun rin ang pagtrato sakin ni Dennis... bilang kapamilya... bilang mapapangasawa.
"Ayoko na po." Kinagat ko ang labi ko.
No! This is not the right time to cry. Baka mas lalong wala akong masabi at puro hikbi lang ang pinunta ko rito.
"W-What..do...you...mean?" Gulat na talaga si tita at naguguluhan. "May ginawa ba si Dennis sayo, hija?"
Umiling ako. I am always like this. Palaging pinagtatakpan si Dennis sa mga ginagawa niya. Tanga nga yata talaga ako.
***Flashback***
I am so happy to meet my fiance. I feel beautiful for having a future husband like him. Kahit bata pa kami, ang sarap pala sa feeling.
"Dennis, samahan mo si Tami. Maglaro muna kayo sa labas." Ngumiti ang mommy ni Dennis.
"Tami, baby, wag kayong lalayo ha." Paalala ni mommy.
"Yes, mommy."
Umirap si Dennis pagkatayo niya. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Ako ang humawak sa kamay niya. Lumabas kami ng bahay nila na magkahawak kamay. Pero nung makalabas na kami, binawi niya agad ang kamay niya. Nauna siyang maglakad palabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
Teen FictionHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...