Pagkatapos naming mag-usap ni mommy, bumalik na ako sa kwarto ko para makapag-ayos. Sinusuklay ko na ang buhok ko nang magtext si Xyrel. Aniya'y nasa labas na siya ng bahay. Binilisan ko na ang pag-aayos at bumaba na. Nakita ko siya sa labas ng gate na nakatanaw sa bahay namin. Siguro ay nahihiya siyang mag-doorbell at pumasok. Hindi ko na lang pinansin at nilapitan ko na siya.
"Magandang gabi," Bati ko.
"Magandang gabi rin." Ngumiti siya.
He opened the car door for me. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ko na ang pag-start ng sasakyan. Tumingin na lang ako sa labas para kahit paano ay maaliw ko ang sarili ko.
Hindi ko alam kung saang lugar na 'to. Binuksan niya ulit ang pintuan para sa akin. Ang akala ko sa restaurant kami pupunta, pero hindi. Open place siya at alam mong ginagamit siyang venue para sa mga gustong mag-surprise date. Nang maaninag ko na ang gitna ng lugar, may bilog na lamesa at napaliligiran ng mga maliliit na kandila, petals, at may musicians rin. Gusto kong maiyak. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganitong klase ng date. Pero hindi ito date para sakin. Liliwanagin ko lang ang namamagitan sa amin ni Xyrel pati na ang nararamdaman ko. Ayoko na siyang umasa, ayokong umasa ang kahit sino. Alam ko kung gaano kasakit ang salitang iyon at ayokong iparamdam 'yun sa kanila.
"Hindi mo na dapat pinaghandaan ng ganito." Sabi ko.
"Why? This is my first date."
"Ha?" Napalingon ako sa kanya.
"Don't look at me like I'm a teenager. Nagka-girlfriend na ako once but I never dated her."
"What?" Bulalas ko sa sinabi niya.
"Please, Tami. Let's forget about that."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. He never dated her girlfriend? Paano yun? Paano naging sila kung hindi niya dinate yung babae? Nakakapagtaka.
Umupo na kami at nag-umpisa ng tumugtog ang mga musicians. Hindi ako mapakali. Alam kong ineenjoy ni Xyrel ang moment na 'to pero sisirain ko lang. Hindi na rin ako maka-kain.
"Hindi mo ba gusto ang pagkain? Ipapa-palit ko." Sabi niya nang hindi na talaga ako kumakain.
"Ahm... no." Binaba ko ang fork and knife sa plato. "Xyrel..." I bit my lower lip.
Sumeryoso na siya ng mukha. Sinenyasan niya ang mga tumutugtog para huminto. Kumabog ulit ang dibdib ko. Paano ko ba uumpisahan? Shit!
"Tami, nabibilisan ka ba sakin?" Bumuntong hininga siya.
Tumitig ako kay Xyrel. Nabibilisan nga ba ako? Oo? Hindi ko alam. Nagsawa na lang siguro ako sa paghahabol sa pag-ibig. Tama si Kristoff, kailangan ko lang maghintay.
"Hindi ako ready," Sagot ko.
Sa mga sinabi ni Kristoff, naintindihan ko na ang gusto niyang iparating. Na naghihintay lang siya kung kailan si destiny na mismo ang maghahatid sa kanya ng true love. Nandiyan nga lang naman ang pag-ibig. Sa bawat pagkakamali ng landas ni destiny, doon naman siya napapalapit kay true love. When everything is falling apart, it actually falls into place... into the right place.
"Xyrel, I'm sorry. All I can give to you for now is friendship. Ayoko ng magmadali dahil sa tuwing nagmamadali ako, nadadapa ako, nasasaktan."
Hinawakan ni Xyrel ang kamay kong nasa ibabaw ng table. "That's why I'm here, Tami. I won't let you fall down." Nagkatitigan kami. "I will catch you whenever you fall. No, I will never let you fall."
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
Teen FictionHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...