4 years... 4 long years... I've been longing for someone. I can still remember that night. Pinilit ko si Kristoff na ihatid ako sa airport. Nakarating kami pero wala na yung hinahabol ko. He left me already. Ang tanging iniwan lang niya sakin ay ang isang kapirasong papel na naglalaman ng kanyang sulat. Nakita ko rin dun sa last part ng letter niya ang linyang, 'Those who believe in love are crazy and stupid. But I am proud to be one of them. I am proud to be called crazy and stupid because I fell in love with a crazy and stupid girl too. I love you, Tami.'
Damn him! Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Agad pa siyang nag-assume na si Dennis ang pinili ko. Hindi ko alam kung paano niya nasabi iyon. Pero ang tanga nga talaga niya para hindi itanong sakin iyon. Nainis ako sa kanya kahit na ramdam ko ang sakit ng paglayo niya. Sa sakit na iyon ay nasagot lahat ng katanungan sa utak ko.
"Cous, may cutie daw sa katabing table nina Camille." Sabi sakin ni Dale nang makarating na kami sa venue ng engagement party ni Jonathan at ni Althea.
"Dale naman, ang tanda na natin para diyan."
"Sus! Nasa twenteens pa rin naman tayo." Tumawa siya.
Nagkakilala sina Jonathan at Althea nang magpunta ang pamilya nila Tita Serena sa bahay 4 years ago. Iyon ay para kausapin ako tungkol sa paglayo ni Xyrel. Kahit sila ay hindi alam kung saan nagpunta ang super typhoon na iyon. Feeling artista na ayaw sabihin ang totoo. Saktong nandun ang mga pinsan ko at napansin ni Jonathan si Althea. Sa kabastusan ng pinsan ko, wala siyang pakialam kahit na nasasaktan ako nung mga panahong iyon, pinilit pa rin niya akong tulungan siya. Hindi naman ako katulad niyang bastos kaya tinulungan ko siya mapalapit kay Althea. Talagang pinaghirapan niya makuha ang puso ni Althea at ngayon ay engagement na nila.
"Bilisan mo, Tami. Gusto ko makita." Hinila na ako ni Dale papasok.
Pero napahinto ako nang makita ko siya sa stage. Kasama niya ang husband at bride to be. Nagtaka si Dale nang matulala ako.
"Uy, cous. What happened to you?"
"Ano...ahm..." Nag-isip ako ng idadahilan. "Magsi-cr lang ako. Mauna ka na." Tinulak ko na siya papasok at umalis na ako bago pa ako tuluyang mapansin ni Xyrel.
Gusto ko siyang sugurin sa stage na iyon at bugbugin. Nakakainis siya! Ang saya saya ng mukha niya na parang walang problema samantalang ako apat na taon nang sawi. Nagpunta ako ng cr para tignan ang repleksyon ko sa salamin. Paano kapag nagharap na talaga kami na hindi imposibleng mangyari ngayong gabi? Anong sasabihin ko? Magmamakaawa ba akong huwag na ulit siyang umalis? E paano kung may girlfriend na pala siya? Kasi umalis na siya sa ilalim diba? Umalis na siya sa pwesto niya para saluhin ako. Unti-unti na akong bumabagsak sa lupa... bumabagsak sa lupa na wala na palang sasalo.
Napatalon ako sa biglang pag-ring ng phone ko. Tumatawag si Dennis. We've became very good friends at magka-sosyo pa kami sa itinayo naming The Architect's Place, we built that group para mag-hire ng mga fresh architect graduates. Naging successful ang grupo namin dahil marami ng kumokontak sa amin para kami ang i-hire nilang magdesign ng kanilang mga bahay o building.
"Hello," Sabi ko.
"Tami, where are you? Kakarating ko lang sa venue."
"Nasa...cr,"
Saglit na natahimik bago siya magsalita ulit. "I'm sorry hindi agad nasabi sakin nina lola na dumating na siya. Nagkausap na ba kayo? Are you okay?"
Tumango ako kahit na hindi niya iyon nakikita. "Yeah, I'm fine... Hindi pa naman kami nagkita."
"Gusto mo ba sabay na tayo pumasok? Same table naman tayo."
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
Teen FictionHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...