1: Mr. Dennis Malonzo

244 6 0
                                    

🎵Tell me you love me, Tell me you care
But I know you won’t be there, No-oh-oh🎵


I stared at him when he entered the room. Nagkasalubong agad ang mga kilay niya nang makita ako. Ang akala niya siguro ay sinusundan ko pa rin siya. No! It was just that kabisado ko ang buong university at alam ko kung saan ang room ko. Kanina pa ako nakapasok sa room samantalang siguro siya ay napagod sa kakahanap.


"Tami, ba't ka huminto?" Tanong ni Kristoff, my bestfriend.


He's playing my guitar while I'm the one singing. Nakasanayan na namin ang ganitong pagja-jamming tuwing umaga habang wala pa ang mga teachers or tuwing break time or free time.


"Den! Dito!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw sa likod. "Parating na raw si Sael."


Nagtama ang mga mata namin nung lalake pero agad akong nag-iwas. Pagkaharap ko kay Kristoff, nakasalubong na rin ang kilay niya. My beastfriend just hates seeing my fiance. I shrugged at him. Wala naman akong magagawa at hindi ko siya masisisi.


"Why is he here?" Inis na tanong ni Kristoff.


"To study, perhaps." I shrugged again.


"Puta, Tami. May alam ka ba dito?"


"Chill, bro. Wala akong alam. Nakita ko lang din siya kanina." Sabi ko na lang.


"Tami, continue singing!" Sigaw ng isa naming kaklase na si Bryan.


Tumango ako at muling nilingon si Kristoff. Nag-start na ulit siyang mag-strum sa gitara. I know he's damn watching me. Pero hindi ko pwedeng ipahalata na kinikilig ako kahit na alam ko namang tinatarak na ako ng mga mata niya sa likod ko.


🎵So just let’s fall, Not saying it's easy
But you can’t deny, That we’d still stay up all night🎵


Napahinto na ako sa pagkanta nang pumasok na ang prof namin. Tumingin ako sa likod at agad nagsalubong ang mga titig namin. Nakabusangot siya sakin. Tatlo na silang magkakatabi, baka 'yung Sael na sinabi ng isa niyang kasama kanina.


Amidst the discussion, I know I'm spacing out. Siguradong sila ang matalik na kaibigan ni Dennis. Wala akong alam kung sino ang mga kaibigan niya dahil sa tuwing nagpupunta kami sa bahay nila sa Maynila ay kung hindi niya ako iniiwasan, wala siya sa bahay. Dennis and I never had the chance na mag-usap ng maayos o chill lang. Palagi siyang galit sakin na hindi ko naman alam ang dahilan. Palagi niya akong sinisigawan at tinutulak palayo. Pero kapag kaharap na namin ang mga parents namin, medyo maayos ang pakikitungo niya sa akin. I don't know how to handle him.


"Tami, stop thinking about him." Kristoff snapped at me during break.


"Hindi ko siya iniisip," Sabi ko saka pinaglaruan ang straw ng milktea ko.


"Wag mo nga 'ko lokohin."


"E, bakit ka ba galit?" Tanong ko.


"Hindi ako galit." He rolled his eyes.


Nagsukatan kami ng titig. "E, ano?"


"Nakakabwisit ka kasi. Pakialam mo pa ba kung dito na siya nag-aaral? Ganun pa rin naman pakikitungo niya sayo."


I must admit, Kristoff was right. Lagi naman siyang tama kapag seryoso siya. At minsan lang magseryoso ang mokong na 'to. Kadalasan kasi, pareho kaming warfreak. Puro pagmumura ang lumalabas sa bibig namin at nagbabarahan kami, sinasabunutan ko siya, hinahampas, sinisipa, we were just like that.


Crazy, Stupid LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon