"Tami, where are you going?" Tanong ni mommy nang maabutan niya ako sa sala palabas na ng bahay.
Hinarap ko siya. "Pupunta lang po ako kina Kristoff." Pagsisinungaling ko.
"Anong gagawin mo? Anong oras ka uuwi?"
Sanay na ako sa mga ganyang tanong ni mommy kapag umaalis ako. Walang pasok ngayon dahil holiday daw. Wala na akong pakialam kung anong holiday basta no classes period.
"I don't know yet, mom. Tawagan na lang po kita."
"Okay."
Lumapit ako sa kanya para humalik. Umalis na rin ako ng bahay pagkatapos. Kinailangan kong magsinungaling kay mommy para malaman ko ang mga sagot sa tanong ko. Hindi ako nakatulog ng dalawang gabi dahil sa pag-iisip.
Pag-iisip tungkol kay daddy at kay super typhoon- err! I mean Xyrel Bree. Nakakapagtaka na magkakilala sila. Hindi imposible pero bakit sa dinami-rami, sila pa? Nagpapasalamat na lang ako na umalis sila kaagad nun.
Wala pang alam ang mga kaibigan ko tungkol sa pagbabalik ni daddy. Kahit si Kristoff ay wala pang alam. Pinilit ko ang sarili ko na huwag muna magsalita. Pigil na pigil ako sa pagkukwento kay Kristoff. Gusto ko muna makasigurado sa lahat. Gusto ko ng matahimik kaya aalamin ko ang mga gusto kong alamin.
Nag-taxi ako para madali akong makapunta sa condominium na ilang beses ko ng napuntahan. Marami ng naging customer si mommy at halos ng nakatira rito ay si mommy ang nakabenta. Lalo na sa 3 units sa 15th floor. Nagbayad na ako at dali-daling pumasok sa malaki at mataas na building. Halatang mayayaman lang ang mga nandito. Pagkapasok pa lang sa lobby, kitang kita na ang mga kumikinang na kagamitan. At ang floor na parang segu-segundo kung i-floor wax sa sobrang kinang. Kaya wala pang nagrereklamo sa mga buyers nina mommy at mga kasamahan niya na panget dito sa condo na inaalok nila. Kahit ang service kasi, hindi ka mapapahiya.
Kilala na ako ng mga iilang nagtatrabaho rito lalo na ang mga nasa front desk. Lumapit ako sa di-kataasang babae na maayos ang pagkaka-bun ng buhok at napaka-pormal at elegante. Smiling face rin lahat ng staff dito.
"Cess, nandito ba ang Basche family? Specifically Xyrel Bree?" Tanong ko kay Cess na matagal ng naka-pwesto dito sa lobby. Siya ang palagi kong nakaka-kwentuhan dito.
"Sila 'yung bumili ng 3 units, diba? Wait lang, Tami. Check ko lang." May kung ano siyang tinignan sa computer na hindi ko makita. "Ah, nandito sila. But I'm not sure kung nandyan 'yung anak nilang lalake. As far as I know, nagtatrabaho 'yun."
Kumunot ang noo ko. "Trabaho? E, puro pagi-skate lang yata alam nun." Napairap ako.
"Ang hot mo, te. Bakit ba?"
"May atraso siya sakin." Sabi ko.
"Sa mukhang iyon? Magkaka-atraso sayo? E kung dumaan dito kapag papasok o pauwi, sobrang pormal manamit. Ang gwapo lang kapag naka-business suit."
"Wala akong paki sa pagpapantasya mo, Cess. Puntahan ko na lang parents niya baka alam kung nasaan siya."
"Go, Tami." Tawa ni Cess.
Inirapan ko muna siya bago iwan. Pinindot ko na ang 15 sa mga buttons at naghintay sa loob ng elevator. Huminto ito sa 4th floor at may pumasok na lovers. Natahimik ako. Mabuti at tahimik lang din sila pero naiinis ako sa mga kamay nila. Gusto ko paghiwalayin sa pagkaka-intertwine.
Bumukas ang elevator sa 6th floor at lumabas na sila. Nakahinga ako ng maluwag. Naiinis na ako kapag nakakakita ako ng sweet na lovers. Ang bitter ko lang pero hindi pala maiiwasan hindi maramdaman ang ganun. Naaalala ko ang mga pagpapansin ko kay Dennis noon... kahit hanggang ngayon, sinusubukan ko pa rin mapansin niya pero hindi na katulad ng dati dahil wala na kaming ugnayan.
BINABASA MO ANG
Crazy, Stupid Love
Fiksi RemajaHe should love her. That casanova should love her fiancée, Tamara Louis Casablanca. But since toddlers, Dennis Malonzo hates her to the deepest depth of hell. And Tamara doesn't know the reason. She'll do everything to make him fall for him. Pero pa...