Chapter 3: Seekers, Guardians, Keepers

71 10 0
                                    

SKETCH OF SAMAEL DELCOUR
This drawing is originally made by the author.

DAY 1SEEKERS' BASESEEKERS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DAY 1
SEEKERS' BASE
SEEKERS

"Samael?!"

Agad na niyakap ni Hope si Samael nang sila'y muling magkita. Hindi nila alam kung totoo ba ito o panaginip lang dahil sa sayang nararamdaman nila.

Bumitaw si Samael sa mahigpit na pagkakayakap ni Hope at tsaka nito tinignan sa mga mata. Bakas ang pagka-alala sa kanyang mukha.

"Paano ka napunta rito? Mukhang delikado sa lugar na ito." Tanong ng binata kay Hope.

Hinawakan ni Hope ang kanyang ulo at pinipilit na isipin ang nangyari noong gabi bago siya magising sa isang grassfield.

"Ang naaalala ko lang, we've parted ways last night. Nung naglalakad na ako mag-isa sa kalsada, may narinig akong foot steps na sumusunod sa akin. Chineck ko ang paligid pero wala naman. Hanggang sa unti-unti na akong nahilo sa di malamang dahilan. Nagising na lang ako nang tinatapik ako ng isang lalake."

Tinuro ni Hope yung lalakeng naglalakad patungo sa kanila. Mayroon itong kulay itim na buhok at mapupungay na mga mata. Mas matangkad ito tignan kumpara sa iba.

"Nandito ka lang pala, Hope." Bati nito sa dalaga. Tumingin ito kay Samael at nagbigay ng warm smile. "I'm Ares. You must be Samael, yung hinahanap ni Hope paggising niya."

Sinapok ni Hope si Ares dahil sa panunukso nito.

"The odds are in your favor. It's literally impossible na may magkakilala rito. Pero here are the both of you."

Napaisip si Samael, sino-sino nga ba ang nandito? At bakit sila ang napiling mapunta sa lugar na ito? Until now, hindi pa rin mawala sa isipan ng binata kung anong espesyal sa kanila. Hindi siya komportable, ngunit kailangan niyang maging mapagmasid sa mga nangyayari.

"Wala na bang ibang magkakilala rito?" Tanong ni Hope kay Ares.

Tumingin si Ares sa kinapepwestuhan nina Matchitehew at Denzel. "Iyang dalawang 'yan. Nakuwento ni Machi na magka schoolmate daw sila ni Denzel kaya medyo close na sila. Aside from them, wala na akong alam na may magkakilala pa."

"Uy, Samael. Nakakuha ka na ng prutas?" Napalingon si Samael sa lalakeng nagsalita sa kanyang gilid. Si Evander pala, at may damit na rin ito.

"Kumuha ka na, baka maubusan ka."

***

Magkakasabay sina Samael, Evander, Hope, at Ares na kumuha ng pagkaing ipinamimigay ni Denzel. Nasa isang court sila ngayon kung saan lagpas sampung kabataan ang nagtitipon. Walang nakikilala si Samael sa mga ito, maliban kay Hope.

Maganda ang sikat ng araw. Tuluyan na ngang nawalan nang ulan. Ang paligid ay may kaingayan, kaya kahit na may kabang nararamdaman, medyo naging komportable na ang atmospera sa lugar na ito.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now