Chapter 11: 10th Day Towards the End

28 6 0
                                    

DAY 9
MISTY FOREST 
SEEKERS

Nagkukumpulan sa gitna ng mahamog na gubat ang mga seekers. Madilim, makulisap, at ang tanging source ng liwanag lamang ay ang buwan. May mga fireflies din na gumagala sa kanilang paligid.

Malamig. Giniginaw na sila ngunit kailangan pa nilang hintaying makabalik sina Machi, Hikari, at Devyn na kumukuha ng kanilang masisilungan ngayong gabi.

Sina Bruxo at Nicholas ay nakasandal sa malaking ugat ng puno. Nasa gilid nila si Visha na naka upo sa lupa, nanginginig habang pinipilit na makagawa ng init gamit ang mga kamay. Sa tuwing bubuga sila ng hangin, merong moist.

Ang kaninang mainit na panahon ay tila naging winter. Kulang na lang ay ang magkaroon ng nyebe.

Nilapitan ni Samael si Uno. "Saan kayo nanggaling kanina?" Tanong nito habang nakatitig sa nakaratay na katawan ni Denzel. "Anong nangyari sa kanya?"

Si Denzel ay basa, ngunit mainit. Hindi mawari ni Samael kung dahil ba ito sa pawis o kung anong dahilan.  Namumutla ang balat nito. May inabot na halaman si Nirvana kay Uno at iyon ay pinahid niya sa katawan ni Denzel.

"Nang umihip nang napakalakas na hangin ang dambuhalang keeper, natilapon kami sa isang gilid ng gubat. Doon napunta sa isang kumunoy si Denzel. Nahirapan akong kunin siya pabalik..." Hinahapong paliwanag ni Uno.

Napaisip si Samael. Bumuntong hininga siya nang napakalalim— ayaw niya ang kanyang naiisip.

"Puti ang damit niyo. Shouldn't there be an evidence showing that Denzel really went into that quicksand?"

Nagulantang ang lahat nang biglang naubo si Denzel.

"Nang makakapit na sa akin si Denzel, nakakita kami ng malinis na ilog. Doon, naglinis siya ng kanyang sarili." Dagdag ni Uno. Deretso sa mata niya itong sinabi kay Samael.

Pagkatapos suriin ni Samael kung nagsasabi nga ba ng totoo ang kaibigan, tumingin itong muli kay Denzel.

Ang mga mata ni Denzel ay namumula, ngunit mukhang naibalik naman na nito ang kanyang lakas. Hinawakan niya ang kanyang dibdib kung saan nakalagay ang puting ilaw.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Samael. Kahit papaano'y nakararamdam siya ng awa para sa kaibigan. Hinagod nito ang kanyang likod.

Tumango si Denzel, at tsaka siya inabutan ni Uno ng malinis na tubig galing sa isang uri ng halaman.

"Samael."

Napatalikod si Samael dahil sa nagsalitang babae. Si Nirvana pala.

"Are you doubtful that Uno may not be saying the truth?" Matahas nitong tanong. Ang lahat ay nakatutok sa kanya.

Lumapit nang bahagya si Samael at sinabing, "I'm not saying anything. Is there a thing I should be doubtful of?"

Tumaas ang kilay ni Nirvana at mas lumapit pa sa kausap. Nang magkatapat na ang kanilang mga mukha, umawat si Albert.

"Ate Nirvana, nagtatanog lang naman po si Kuya Samael kay Kuya Uno. Wala naman pong mali roon." Malumanay nitong saad upang mapakalma ang tensyon.

Hinawakan ni Nirvana ang telang naka pulupot sa kanyang braso, ito ay dahil sa sugat na natamo mula sa atake ni Visha.

"Bakit ba kayo nag-aaway?" Tumayo si Denzel at kinuha ang kanyang pana. "Nasaan si Machi?"

Maya't maya pa ay naririnig na nila ang boses ni Hikari mula sa malayo.

"Ayan nanaman si Pangit. Ang ingay nanaman." Pang-aasar ni Uno.

"Hoy! Narinig kita! Mas pangit ka mukha ka ngang rooster sa buhok mo!" Banat naman ni Hikari pabalik.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now