Chapter 22: Stairs Game

23 4 0
                                    

ASTREA
HIKARI AND BRUXO

"You shouldn't have left Visha alone."

Ilang minuto na ang nakalipas habang sila'y nasa elevator ngunit paulit-ulit pa ring sinasabi ni Bruxo na hindi dapat iniwan ni Hikari si Visha mag-isa sa previous floor.

"Ang kulit mo. Kapag iniwan kita, baka mamatay ka na lang bigla diyan, kita mong nanghihina ka eh." Saad naman ni Hikari. "Learn to trust your lover." Pagkatapos magsalita ay napairap ito. Hindi na lamang pinansin ni Bruxo ang katarayan ng nakababata.

Kanina pa nagtataka ang dalawa dahil sobrang tagal na nila sa loob ng elevator. Parang nung kailan lang ay madali pa silang nakatungtong sa susunod na floor, ngunit iba talaga ang pangyayari ngayon. Knowing Astrea, it's full of illusions.

Namamayani ang katahimikan nang biglang umalog nang malakas ang kanilang sinasakyan.

"Holy shi-" Hindi na natapos ni Hikari ang kanyang sasabihin nang agresibong nagbukas sara ang mga ilaw. Nakapagpa dagdag ito sa takot na kanilang nararamdaman. Kahit na umuuga, ramdam nila ang mabilis na pagbaba ng kanilang sinasakyan, tila naputol ang kableng nagbabalanse sa bilis nito.

Napakatindi ng pag-alog to the point na nagkahiwalay na ang magkaibigan. Si Hikari ay tumilapon patungo sa kanan at si Bruxo nama'y nauntog sa kaliwa. Walang tigil sa pagsigaw ang dalawa dahil akala nila'y mamamatay na sila sa lakas ng pwersa.

"AYAW KO PANG MAMATAY!" Tili ni Hikari at tsaka inilibot ang kanyang paningin. Nahihirapan siyang makakita dahil kada segundo ay namamatay ang mga ilaw. Nakita niya si Bruxo na wala nang malay.

"Bruxo! Bruxo hoy gumising ka please wag mo akong iwan!" Sambit ng dalaga ngunit mukhang hindi siya naririnig ng kasama. Humawak si Hikari sa isang metal na pwedeng makapitan at tinangkang lapitan ang binata. Ilang beses siyang nag attempt ngunit hindi nagwawagi sapagkat maya't maya ay natutumba siya. Napapikit at napamura na lamang siya sa inis at takot.

Hindi niya mapigilang mapaiyak dahil sa biglaang pangyayari, ngunit sa isang iglap, biglang huminto ang matinding pag-alog ng elevator. Inimulat niya ang kanyang mga mata at natagpuan niya na lamang ang sarili niyang nasa isang malapad na kalsada, mag-isa.

Takang-taka siyang tumayo at muling inilibot ang paningin. Napapaligiran siya ng mga bahay na walang tao. Mahangin at maaliwalas ang paligid.

Sa kabila ng magandang atmopera at makulimlim na kalangitan, nakarinig siya ng tunog ng tubig sa kanyang likuran. Unti-unti siyang tumalikod at nagpakawala ng napakalakas na tili nang makita ang isang tsunami na tatama sa kanya. The tsunami is 10x higher than the houses around her.

Napatakip si Hikari ng kanyang mga mata at hinihintay na lamang ang paghambalos ng malaking alon ng tubig. But for some reason, after seconds of waiting, wala pa ring nangyayari.

Inimulat ng dalaga ang kanyang mga mata at laking gulat nang makita muli ang kanyang sarili sa loob ng elevator.

"Thank you, Lord!" Humagulgol siya dahil sa saya. Akala niya kanina ay katupasan niya na.

Namamaga pa ang kanyang mga mata nang pinilit niya uling suriin ang paligid.

Wala si Bruxo.

"B-bruxo?" Nauutal niyang tanong, ngunit walang sumasagot. The elevator is now stable and not moving, but she's all by herself. Nakatulala pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Hindi niya alam ang dapat na maging response, it brought her  asudden trauma. Being alone on an empty road with a tsunami waiting for your death.

Ting!

Tumalikod si Hikari nang marinig na nagbukas na ang elevator. Sinalubong siya ng madilim na hallway. Dahan-dahan siyang lumabas habang pinapakiramdaman ang paligid.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now