Chapter 20: Butterfly Effect

15 4 0
                                    

ASTREA
VISHA, BRUXO, HIKARI

Hindi mawari ng tatlo kung ano ang dapat gawin sa nakakumpol na mga paruparo. Napakarami nito, at kung tatantyahin ay humigit kumulang 500 silang lahat.

Ang mga insektong ito ay kulay kahel. Hindi naman ito naiiba sa mga kauri nila, ngunit mas nakadidiri silang tignan sa lagay nila ngayon. They move in sync, ang mga pakpak nito'y iisa kung gumalaw. They produce an eerie sound that's similar to the whistle of the wind.

Nililipad ang buhok nina Hikari at Visha dahil sa epekto ng mga insektong ito.

Sa kalagitnaan ng pagsugod ng mga paruparo, bigla silang tumigil. Patuloy lang sila sa pagwagayway ng kanilang mga pakpak ngunit hindi sila umaabante.

Ibinaba ng grupo ang kanilang mga weapons at nagtinginan.

"We need to build our strategy. Using these instruments will not do us any good." Paunang salita ni Bruxo.

Tumango ang dalawang dalaga.

Nilaro ni Visha ang kanyang braided na buhok bago magsalita, "We can just smash them." Pagkatapos sabihin iyon ay ibinaling niya ang kanyang tingin kay Hikari.

Napatakip naman ng bibig ang kasama, "SMASH?! Grabe naman yon!" Knowing that Hikari is attached to butterflies, brutally killing them is surely far from her list.

"Then what?" Mataray naman na responde ni Visha.

Inawat sila ni Bruxo na nag-iisip din kanina pa.

"This is a butterfly effect."

Napatingin ang dalawa sa kanya.

"Butterfly effect?" Sabay nilang saad.

Tumango si Bruxo. "It is a trick. We must create one final strategy to defeat them. We can't use multiple methods." Huminga muna nang malalim si Bruxo bago muling magsalita. "This effect refers to a small or minor act that can lead into something horrendous, which may eventually, majorily affect the future. So we must be careful."

Ngayon lang nalaman ng dalawa ang tungkol sa ganitong bagay kaya namangha sila.

"Well, clearly, we can't provoke them." Saad ni Visha.

"Let's construct 3 logical choices. I suggest that we should pass through those butterflies. Ignorance should prevail." Suhestiyon ni Hikari.

"Bright idea." Pagcommend ni Bruxo. Bruxo is always open for new and helpful suggestions. "Then ignoring the butterflies should be our choice A. For me..."

Habang nag-iisip ang binata ay sinilip niya nang maigi ang pasilyo. Narealize niya na nasa hospital lobby pala sila. There's no blood, contrary to the floor above. There are lots of white objects. And just like the other floors, walang ibang tao kundi sila lang.

Kaya pala naka uniform ng nurse si Hikari. It's weird why a school and a hospital were merged into one building.

Konti na lang at aagree na sana si Bruxo sa ideya ni Hikari nang biglang may isang bagay na nakapag caught ng kanyang attention.

They know that the butterflies move in unity. Bruxo noticed that there are windows located on the walls. It's neither too small nor big, but the butterflies may exit their way through the free space. It is a safe yet effective way.

Humarap siya sa dalawang dalaga at itinuro ang mga bintana.

"I say we open the windows and wait for them to exit."

Hindi rumesponde ang dalawa.

"That will be our choice B." Dagdag niya.

Tumango si Visha at inilapat ang kanyang buhok sa likod. "Our choice C will be killing them all using the weapons. Provoke them) and escape. Matira matibay."

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now