Chapter 10: The Secret of Erida's River

22 6 0
                                    

DAY 9
ERIDA'S RIVER
SEEKERS

"Samael, ang gem!"

Nahulog ang kulay berdeng diyamante papunta sa kamay ni Samael. Sinalo niya ito galing sa likod ng Amon's Keeper.

Malaki ang naging impact ng mabilisang pagsaksak ni Nicholas sa dibdib ng keeper kaya wala na itong oras upang maglabas ng thorns. Hindi na nito nadepensahan ang kanyang sarili. Sa kabila non, hindi pa rin siya natitinag. Maaaring wala na yung gem sa kanya, patuloy pa rin siyang naglalakad patungong Erida's River.

Ang mga archangels naman ay nakatitig lang sa kanilang master. Wala silang ginagawa.

Ang mga buhay na puno naman ay wasak-wasak na. Nakangising nakipag apir si Albert kina Thalia at Devyn.

"May silbi rin pala ang pagkaweirdo mo, Thalia." Sabi ni Hikari na ikinaoffend ng kaibigan.

"Hikari kung magsasalita ka kay Thalia, ayusin mo na lang. Kung wala siya malamang naging ulam na tayo ng mga punong iyon." Pangangaral naman ni Devyn.

"Tama si Ate Devyn!" Pag-sang ayon ni Albert.

Napairap na lang si Hikari. "Whatever."

***

FLASHBACK

"Let's see who will be the better monster."

Napakabilis tumakbo ni Nicholas patungong keeper, hindi niya nabatid ang paparating na mga thorns. Buti na lamang at nahila siya kaagad ni Visha, kundi ay gutay-gutay na sana siya.

"Hoy, umayos ka nga! Yung pagka impulsive mo ang talagang papatay sayo." Sigaw naman ni Bruxo.

Napahawak sa batok si Nicholas at tumawa nang bahagya. "Pasenya, pasenysa."

Nagpulong ang tatlo at pinag usapan nang maigi ang dapat gawin.

"Obviously, thorns and vines ang advantages niya. But if you'll just look closely..."

Tinuro ni Visha ang dibdib ng keeper.

"Walang thorns ang dibdib, kung saan nakalagay ang gem. That means it's his weak part." Dagdag ng dalaga.

Tumango ang dalawang lalakeng kasama at nagsimula nang kumilos.

"Ang problema nga lang natin ay yung dalawa pang puno-" Hindi na natapos ni Bruxo ang kanyang sasabihin nang bigla silang makarinig ng dalawang magkasunod na pagsabog. Malalakas ang mga ito kaya natumba sila sa lupa.

"Yey!! Anggaling mo, Ate Thalia!"

Narinig nila ang boses ni Albert. It shows that Thalia has been collecting unique explosive plants. Hindi nila inexpect na magiging helpful ito sa sitwasyon ngayon.

"Sa isang iglap, nawala na lahat ng kinolekta ko. Dadalhin ko sana ito sa real world eh!" Pagmamaktol ni Thalia.

Sa kabilang banda naman, wala nang inaksayang panahon si Visha at tinutok niya na ang kanyang pana sa dibdib ng keeper.

"Baka mabasag ang gem!" Natatarantang sabi ni Nicholas.

Hindi nakinig si Visha at tinuloy niya pa rin ang plano.

They partially won. Nagcrack ang parteng kumakapit sa gem kaya nagkaroon ng chance si Nicholas na saksakin ito. Tumalsik ang gem patungong likod ng keeper. Dahil malapit si Samael doon, siya na ang tinawag ni Nicholas.

"Samael, ang gem!"

END OF FLASHBACK

***

Patuloy pa rin na naglalakad ang keeper papuntang Erida's River. Hindi ito natitinag.

"Thalia, tapunan mo siya ng explosives!" Ani ni Devyn.

"Wala na, ubos na!" Sigaw ni Thalia na natataranta na.

Hindi sila makalapit sapagkat lumalaki lamang ang thorns nito sa katawan. Umuungol din ito nang napakalalim na akala mo'y isang demonyong nakatago sa lupa.

Inaabangan na lamang nila ito mahulog sa umiilaw na ilog. Ang ilaw nito'y kulay blue-green. Malinaw mo ring makikita ang nasa ilalim nito, at tila wala nang katapusan dahil itim na ang nasa dulo.

Tumatakbo sina Samael patungong river ngunit biglang humarang si Machi.

"Never go beyond the river. It's better if we abide by the rules."

Umatras si Samael at sinundan naman siya nina Hikari.

"Luh?" Mapang asar na tanong ni Nicholas sa mukha ni Machi. Nagkaroon sila ng masamang tingin sa isa't isa.

Hindi pinakinggan ni Nicholas si Machi at nagpatuloy na tumakbo patungong river. Gusto niyang makita kung anong mangyayari sa keeper kung mahuhulog siya roon.

Binato ni Nicholas ng malaking stick ng kahoy ang tubig sa river, at nagulat silang lahat nang bigla itong umusok at nalusaw.

Asido.

Asido ang tubig sa ilog.

Napatakip ng bibig si Samael. Naalala niya ang mga sinabi ni Evander bago siya mawala.

Nilibot niya ang kanyang paningin at tama nga siya, may isang malaking metal na drum- yun ang sinakyan ni Evander upang makapunta sa kabilang parte.

Ngunit nagtataka pa rin siya kasi kung asido ang tubig paano nakayanan ng isang manipis na metal?

"OMG, THE KEEPER IS MELTING!" Sigaw ni Hikari kaya muling nabaling ang atensyon ni Samael sa reyalidad.

Nang makarating na ang keeper sa river, unti-unti itong naglaho at nalusaw.

Yun ba talaga ang purpose niya? Napapaisip din si Nicholas. Bakit niya piniling magpakamatay? Dahil ba wala na ang gem?

"Aww. Wala na rin yung mga archangels..." maluha-luhang saad ni Thalia.

Ang kapaligiran ay bumalik na rin sa normal. Wala nang mga vines na gustong pumatay sa kanila. Hindi na rin ganoon katirik ang araw, at halos magsusunset na.

Nakahingang maluwag ang grupo. Ang kailangan na lang nilang isipin ay kung paano makakapunta sa next gem: the gem of courage. It is located somewhere in Astrea.

Right now, they need to rest and find a safe place to sleep.

Now that Samael knows the characteristics of Erida's River, a better plan will be produced. He still wants to keep his promise to Evander. He wants to avenge the death of his close friends, especially Hope. He doesn't want their death to be in vain.

Everyone is retrieving when they suddenly heard a familiar scream.

"Tulong!"

It's Uno.

Lahat ay nagulantang dahil ngayon lang ulit nila ito nakita. Iika-ika itong naglalakad habang akbay ang walang malay na si Denzel.

END OF CHAPTER 10
5-30-21

Author's Note

Thank you so much for reading! I hope you liked this chapter. I'll try to update every other day to make sure that I'm providing you a quality content.

Please do let me know if the pacing of this story is too fast.

If you do support my story, you can vote, comment, or share. Nevertheless, I appreciate even if you're a silent reader ^_^

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now