Chapter 12: Mouth of Astrea

21 6 0
                                    

DAY 10
OUTER ASTREA
SAMAEL, MATCHITEHEW, DEVYN, THALIA, ALBERT

The 2 groups parted ways, and the first one already went inside Astrea. How did they navigate the location? Well...

***

FLASHBACK

Machi found out that Astrea was divided into two. Lahat sila ay sama-samang naglalakad, hinahanap ang any signs na maaaring iyon na nga ang lugar na kanilang nais puntahan. Nagbabakasakaling nandoon na ang kulay pulang gem.

Habang naglalagkabay ay mas lalong nagiging misty ang paligid. Kagagaling lang nila sa mahamog na gubat, tapos ngayon mas lumala pa ang sitwasyon, to the point na wala na silang makita. Paulit-ulit na nagrereklamo si Hikari kasi andaming kulisap. Hindi maganda ang atmospera sa paligid na iyon. Hindi nila alam at baka biglang may halimaw na tumalon sa kanilang harapan.

Si Albert, sa kabilang banda, ay nakakapit lamang kay Devyn. Kung mayroon mang pinaka natatakot sa kanila, siya yun. Dahil bunso ito ng grupo, binubuhos nila ang kanilang pagmamahal dito.

"Kuya Nic, wala naman pong monster na susulpot bigla, di ba?" Tanong nito habang nakapikit. Oo, nakapikit siya habang naglalakad.

Nicholas chuckled, "Hindi natin alam." At tsaka kumindat-kindat.

Mas lalong nanginig si Albert dahil dito.

"Boo!"

Halos matumba si Albert dahil sa pagkagulat. Si Hikari pala. Humalakhak ang dalaga dahil sa reaksyon ng bata.

"Mapang-abuso ka talaga ng mga bata noh?" Sabat ni Uno kaya hinarap siya ni Hikari. Tinarayan niya ito nang matindi. "Hay nako. Di ka pala pwede magka anak." Dagdag pa ng binata kaya sinugod siya ni Hikari.

"Ikaw rooster, kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang." Binantaan siya ni Hikari gamit ang kanyang pana kaya natawa si Uno nang bahagya.

"Diyan nagsimula ang lolo't lola ko." Biglang singit ni Bruxo.

Nakasali rin si Visha, "Napansin kong lagi kayong nagkaka-initan. May something ba sa inyo? Mag jowa ba ka-"

"HINDI!" Sabay na sigaw nina Uno at Hikari.

"Ew! 'Yang manok na 'yan?! No way. Kadirdir." Nasusukang sabi ni Hikari with matching paluhod-luhod pa. Hinawakan niya ang kanyang dibdib habang umiiling nang paulit-ulit.

"Luh. Ikaw nga mukhang daga." Pabulong na sabi ni Uno at tsaka sumimangot. "Kala mo kung sinong maganda, anlaki naman ng tenga."

"Manahimik nga kayong dalawa. Parang mga aso't pusa. Parang mga bata. Nasa bingit tayo ng kamatayan nagagawa niyo pang magbiruan ng ganyan."

Natahimik ang lahat nang biglang nagsalita si Denzel na as usual, nasa unahan ng grupo. Tumalikod si Machi and mouthed, "Lagot."

"Ang bitter mo naman par. Relax lang, makukumpleto rin natin ang quest on time." Saad naman ni Nicholas. Tumakbo ito papuntang harapan at minassage ang likod ni Denzel.

Agresibo itong tinanggal ni Denzel habang nakasimangot. "Bitiwan mo nga ako."

Tinaas ni Nicholas ang kanyang mga kamay, simbolo ng pagsurrender. Pinipigilan na lang ng ibang mga kasamahan ang pagtawa dahil mukhang mainit ang ulo ni Denzel.

"Ba't tayo napatigil?" Tanong ni Thalia nang biglang huminto si Denzel sa paglalakad kaya ang lahat ay sumunod.

"Look..." Tinuro ni Albert ang kanilang nasa harapan.

Sa gitna ng kagubatan, kung saan may dalawang puno na nasa gilid, may isang napakalaking portal. Truly, it looks dreamy and mystical.

Massively rectangular shape na parang salamin, nasa tantyang twenty na kataong pinagpatong-patong ang tangkad nito, at limang tao na makakatabing nakahiga naman ang lapad nito.

Similar sa texture at itsura ng bubbles ang portal. In a scientific manner, there's an interference of light and colors. However, it's not rainbow, but purple-bluish. They can't see what's on the other side, somehow, it's scary to take risk.

"I want to be there..." Nalulungkot na sabi ni Thalia habang pinapaikot ang kanyang buhok.

They all know that Thalia is fond of weird and new things. It's sad that she wasn't able to find out what's in Astrea.

"The groups are the groups. No one is allowed to switch positions already because both are balanced." Mahigpit na bilin ni Denzel.

Nagkatinginan sina Devyn at Thalia. Bakit ba parang galit lagi si Denzel? Nagdadalamhati lang nagagalit na kaagad.

Tumingin si Denzel sa kabilang grupo, "You know what to do." Tumingin naman siya kay Machi. "Ikaw nang bahala rito."

Tumango si Machi.

Maya't maya pa ay tuluyan na ngang pumasok sina Denzel, Bruxo, Visha, Uno, Hikari, Nirvana, at Nicholas sa loob ng portal. Para silang hinihigop papunta sa kabilang dimension.

END OF FLASHBACK

***

Natira na lamang ang lima sa labas. Nagkakatinginan sila kung anong dapat na gawin.

Nagkaroon ng katahimikan. Paulit-ulit na nagkakatitigan sina Thalia at Devyn.

Nagsusupetsya si Machi na may gagawin ang dalawang ito. Madaling makasense si Machi kung anong binabalak ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Maya-maya pa ay tumakbo si Thalia papuntang portal ngunit mabilis siyang nahila ni Samael. Kahit na naagapan, ang mukha niya nama'y nakalusot sa portal.

"Samael! Ano ba!" Sigaw ni Devyn. Hindi niya inasahang gaganunin sila ng kaibigan. Umiling lamang si Samael at itinilapon si Thalia sa isang gilid.

"Ate Thalia!" Sigaw ni Albert at lumapit sa nakatatandang kaibigan.

"We'll break the dynamics of our group. Pupunta rin tayo riyan, Thalia. Promise. But not now." Lumapit si Samael kay Thalia at tinulungan itong makatayo. Nagkaroon ng maliit na sugat si Thalia sa daliri dahil sa pagkagasgas nito sa mga buhangin.

"Pagkatapos mo ibalibag, tutulungan mo lang nang ganon?" Pailing-iling na saad ni Devyn. Napatawa na lamang si Machi.

"Guys, please let's stick to the plan, okay? Mas makabubuti ito para sa atin." Sabi nito at inayos ang kanyang salamin.

Tumayo si Thalia at inirapan si Samael. "Nakita ko ang nasa kabilang parte ng portal." Ngumisi ito at pinagpagan ang kanyang binti na nadumihan ng lupa.

"Ano ang nasa likod?" Curious na tanong ni Devyn. Lumapit din sina Machi, Samael, at Albert.

"Dagat." Sabi nito.

Napuno ng tanong ang grupo.

"Dagat? As in puro tubig ang nasa kabilang parte? Eh bakit hindi ka nabasa?" Curious na tanong ni Devyn habang nakapamewang.

Nagkibit balikat si Thalia, "Hindi ko rin alam. Pero nilibot ko ang aking paningin, wala na sila."

"Ambilis naman nilang lumangoy." Saad ni Devyn habang nagpapalakad-lakad sa harapan.

Si Machi ay tahimik lang at nag iisip nang malalim, ganoon din si Samael.

Maya't maya pa ay tinawag sila ni Albert.

"Mga Ate at Kuya! Tingnan niyo po ito!"

Lumapit sila sa isang banda kung saan medyo malayo sa portal. May isang puno na may naka carve na mga salitang hindi masyadong mabasa. Inihipan ito ni Machi upang mawala ang mga alikabok.

Nagsiksikan ang lima habang pinipilit na basahin ang nakasulat. Nanlaki ang kanilang mga mata nang maintindihan nila kung ano ito. Nagkatitigan sila, hindi alam ang gagawin. Dahil ang nakasulat dito ay,

ASTREA

A PARALLEL UNIVERSE:
WHERE YOUR GREATEST
FEARS ARE ALIVE

END OF CHAPTER 12
6-02-21

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now