Chapter 21: She And The Lovely Doors

23 4 3
                                    

ASTREA
VISHA, BRUXO, HIKARI

Ting!

Ambilis ng oras.

As the door of the elevator started to open, the three went back into their respective positions.

"Bruxo, let me take the lead. Stay behind me while you regain your energy. Alam kong matinding sakit ang nararamdaman mo ngayon. But don't worry, as soon as we get out, we'll find the cure." Mahinahon na saad ni Visha. As much as possible, gusto niya munang makapag pahinga ang kaibigan.

Walang nagawa si Bruxo kundi ang sumunod sa dalaga. He knows himself, he can't fight hard during his current state. He'll only cause trouble and might be the reason of their downfall.

"Yeah. Leave this to the girls." Maangas na sambit ni Hikari at tsaka tinaas baba ang kilay.

"Akala mo hindi mukhang natatae kanina eh." Napairap na lamang ang dalaga dahil sa sinabi ni Visha. Pwes, alam niya na ang ginagawa niya ngayon.

Nang tuluyan na ngang magbukas ang pintuan ng elevator, agad na sinuri ng tatlo kung ano ang mayroon sa floor na ito.

As of now, tahimik ang paligid. Madilim, ngunit makakakita pa rin naman. Malinis din ang sahig at dingding, walang bahid ng dugo.

Sumenyas si Visha na lumabas na sila ng elevator kaya sumunod ang dalawa. Dahan-dahan silang naglalakad sa makitid na pasilyo. Sa lahat ng mga floors na napuntahan nila, ito ang may pinaka malayong elevator. Tila ilang minuto ang kailangang takbuhin para lamang makarating doon.

Kita na nila ang kabilang elevator na nakalocate sa dulo, ito lang ang tanging pinanggagalingan ng liwanag. All they need to do is to just slowly and safely enter inside it.

Upon walking, they noticed a lot of doors. They've estimated that there are at least 7 doors, left and right. All are closed, and they do not dare to check what's inside.

"What if Nicholas is in there?" Biglang bulalas ni Bruxo.

Napatigil sa paglalakad si Visha at napalingon. She can clearly see the worry in her friend's eyes.

What if he's right?

Opening the door is a risk. They do not know what will welcome them. Another monster, perhaps. Bruxo is too tired to be involved in a fight again.

Nonetheless, Nicholas should never be left behind.

"Hikari, assist bruxo towards the elevator. I'll open the door one by one." Visha commanded.

"Visha, it's too dangerous. I won't let you." Pagtutol ni Bruxo sa gustong gawin ng dalaga.

Tinignan ni Visha si Hikari at sinenyasan na sundin siya.

Wala nang nagawa pa si Bruxo nang iakay siya ni Hikari at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na nakapagsalita pa si Bruxo dahil alam niyang hindi niya na rin naman na kaya. Hindi na siya makapaglakad nang maayos at namumutla na. Ang kanyang mga ugat ay lumalaki at visible na run. His condition is getting severe.

Umatras si Visha at bumalik sa pinaka unahang pintuan na kanilang nadaanan. Hinawakan niya ang door knob at...

"It's locked."

To her surprise, hindi mabuksan ang pinto. She proceeded to the next one and it was still locked. She thought na baka nakasara lahat ng pinto until she managed to open the fourth door on the left.

Nakaramdam siya ng kaba at malamig na simoy ng hangin. Binuksan niya pa ang pinto at isang madilim na kwarto ang tumambad sa kanya.

May nakabukas na bintana sa dulo nito, doon nagmumula ang malakas na ihip ng hangin.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now