Chapter 19: Fear Thy Dreams

18 5 0
                                    

ASTREA
VISHA, BRUXO, HIKARI

"Antaray naman, may pa nurse na costume." Pang-aasar ni Visha kay Hikari.

Katatapos lamang nila patayin ang dalawang sundalong gustong kainin si Hikari, buti na lamang at sakto ang pagdating ng dalawa upang pigilan ang hindi magandang pangyayari. Dahil sa sinabi ni Visha, hindi maiwasang mapairap ng dalaga.

"Weh. Kayo nga dalawa ni Bruxo parang galing sa anime world, student council kayo gurl? Ba't kayo naka uniform?" Pagbabanat naman ng isa. 

Si Hikari ay nakasuot ng uniform na pang-nurse, nagising na lamang siya sa floor na ito at ganito na ang kanyang damit. Hindi niya rin alam ang nangyari at kung papaano siya napunta rito. Tulad ni Visha, nakaramdam din siya ng matinding takot dahil nag-iisa. 

Tinawanan lamang ni Visha ang kasama dahil sa inasta nito. Bata pa nga talaga. 

"By the way. Thank you pala sa pagtulong sakin, but for your information lang ha, kaya ko mag-isa." Pagmamayabang ni Hikari kaya nagkatinginan nanaman sina Bruxo at Visha. 

"Lakas ng hangin, grabe." Pabulong na saad ni Bruxo kaya tinaasan siya ng kilay ni Hikari. 

Maya't maya pa ay tumayo si Bruxo upang suriin nang mabuti ang paligid. Puno na ng dugo ang mga dingding hanggang kisame, nagkalat naman sa sahig ang laman loob ng mga sundalong kanilang napatay. Pati ang utak nito'y kita rin. 

Sinilip ng binata ang classrooms at napagtantong wala naman itong ipinagbago sa mga classrooms na nasa itaas. Ganoon pa rin, malinis, naka arrange lahat ng umupan, at walang sulat ang mga blackboards. May ilaw din sa bawat kwarto, ngunit walang bintana. 

"Where are we, to be exact?" Nagtatakang tanong ni Hikari na tumayo rin. Nilapitan niya si Bruxo at tsaka humawak sa kanyang bewang. "This place is astronomically out of context." 

Hindi nagsalita si Bruxo at patuloy lamang na nililibot ang paligid. Tila sinusuri ang bawat sulok nito. 

"You know, I had read a book wherein they teleported in an unknown place together with their greatest nightmares." Bulalas ni Visha habang papalapit sa kasamahan. Napalingon sa kanya ang dalawa.

Tumango si Hikari, simbolo ng pagsang-ayon niya kay Visha. Hindi yun imposible sa mundong ito. The structure of this building serves as a nightmare— the unidentified floors.

"Zombies. Somebody has to be afraid of zombies." Dagdag ng dalaga. 

Si Bruxo, sa kanilang tabi, ay napahawak sa kanyang noo. "I'm wondering why soldiers? Why aren't there any other kind of zombies though?"

Nanaig ang katahimikan sa lugar. Hindi nila alam ang kasagutan sa kanilang mga katanungan. They know well that they couldn't move and proceed to the next floor under them unless they figure out what to expect. Critical thinking is a must in this place. 

Little did they know that the time in Astrea is not relative. Every second count, every hour may equate to a day. They need to think faster than what they're currently doing. However, sudden decisions may also lead to their deaths. 

In amidst of the silence, a music suddenly played.

"I know, I know, you belong to somebody new, but tonight you belong to me"

An eerie feeling ran down their spine. 

"Creepy naman, my gawd." Bulalas ni Hikari habang hinahawakan ang mga nagsisitaasan niyang balahibo. 

"What if it's not about the zombies?" 

Nakuha ni Bruxo ang atensyon ng dalawang dalaga dahil sa kanyang sinabi. 

"Soldiers..." Pangunguna ng binata. "I want to be a soldier... What if it's reversed?"

Hikari and Visha expressed a confused look on their faces. 

Huminga nang malalim si Bruxo at tsaka muling hinarap ang dalawa. "Visha, what's the thing that touches your heart?"

Napaisip si Visha bago muling nagsalita, "Children. I was a volunteer on orphanages in our area. I want to give hope to those dreamers." 

Tumango si Bruxo at si Hikari naman ang kanyang tinanong, "Ikaw ija?" 

Nagkibit-balikat si Hikari dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin. "I don't know... butterflies, maybe? I mean, if that makes sense though. My mother used to show butterflies to me when I was a child." 

Tumango si Bruxo at natulala. "Let's figure it out on the next floor. Gather shreds of evidence then conclude. Let's go?" Pangyayaya nito sa dalawa patungong elevator. Sumang-ayon naman sila at sabay-sabay na pumasok sa loob nito. 

Maingat silang naglalakad upang hindi makatapak sa mga laman na nagkalat, ngunit kahit anong gawin, nababahiran talaga ng kulay itim na dugo ang kanilang mga damit. 60% ng puting uniporme na suot ni Hikari ay may dumi na. 

Matapos ang ilang minuto ay nakaabot na rin sila sa dulong bahagi ng hallway kung saan nakalocate ang elevator. Sinipa ni Bruxo ang ulo ng sundalo na natira pa roon sa loob. 

"Bilisan natin. Baka may naghihintay na miyembro sa ibaba. Hindi natin alam, baka siya'y nanganganib." 

Nakapasok na sila sa loob at tsaka lamang nagsara ang pintuan nito. 

Tahimik lamang ang tatlo, inihahanda ang kanilang mga sarili sa darating na giyera sa ibaba. Hindi nila alam ang pwedeng madatnan. It is indeed an unfortunate suprise kung magkataong halimaw ang sasalubong sa kanila. 

"Magjowa ba kayo?" 

Nasamid si Visha sa sarili niyang laway dahil sa tanong ni Hikari, samantalang si Bruxo nama'y natawa lang ng bahagya. 

"In fairness ha, ampogi ng kasama mong lalake. Borta." 

Umangal si Visha dahil sa sinabi nito, "Una sa lahat, di ko siya boyfriend. Well, di naman ako marupok noh." Tinignan siya ni Bruxo na may 'talaga ba?' look on his face. "And yes, agree, ampogi niya nga."

Bruxo was caught off guard by what the ladies said. Namula siya nang bahagya at napa lip bite. "Ewan ko sa inyo."

Nagtawanan ang dalawang dalaga at binunggo si Bruxo nang mahina. 

Ting!

Tumunog ang pinto ng elevator, hudyat na magbubukas na ito. 

Hinanda nina Visha at Hikari ang kanilang mga pana at itinutok ito sa kanilang harapan. Si Bruxo naman ang nasa unahan, hinanda niya rin ang kanyang dagger. 

They counted 1 to 3 until the door successfully opened. 

Their faces couldn't be drawn because of the surprise. 

Bruxo is right. 

Hikari screamed at the top of her lungs as a massive group of terrifying butterflies approached their location. 

END OF CHAPTER 19
6-16-21

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now