Chapter 2: Seekers Battle Ground

72 12 0
                                    

DAY 1
EREBUS' GRASSFIELD
SEEKERS

"Sino ka?!"

Naantala ang malalim na pag-iisip ni Samael nang biglang may sumigaw sa kanyang likuran. Isa itong babaeng may maikling buhok at naka pajama na tila matutulog pa lang. Mukha siyang mas bata kaysa kay Samael dahil sa height nito. Basang basa rin ito dahil sa malakas na buhos ng ulan.

"Ang sabi ko, sino ka?!" Muling sigaw nito gamit ang matining na tinig. Nakaiirita ito pakinggan kaya sinigawan din siya ni Samael.

Huminga nang malalim ang binata at nagsaad ng, "Ako si Samael. Hindi ko alam kung bakit andito. Nagising na lang ako nang walang naalala sa nangyari kagabi!"

Binigyan siya ng confused look ng babae. Naiintindihan ito ni Samael sapagkat ganoon din ang reaksyon niya sa sitwasyon. Mas pinili nga lang niyang maging kalmado.

"A-anlamig..."

Nagulantang ang dalawa dahil may ibang taong nagsalita. Akala nila ay sila lang ang tao, meron din pala sa kabilang banda ng mala grassfield na lugar. Nasa malawak sila na damuhan at nakapalibot sa kanila ang matataas na mga puno. Makulimlim ang mga ulap sa itaas.

Pagtingin nila sa isa pang lalake, ito ay nakapulupot sa sarili niyang katawan na tila giniginaw.

Nagkatinginan sina Samael at ang babae dahil dito. "Tulungan mo ako!" Sigaw ni Samael sapagkat binalak niyang buhatin ang giniginaw na lalake.

Unti-unting umatras ang dalaga habang umiiling, at nagtatatakbo palayo habang sumisigaw.

Sobra ang pagkadismayado ni Samael dahil sa inasta ng kasama niya. Wala siyang choice kundi buhatin nang mag-isa itong lalake patungong mga puno, kung saan hindi gaanong kalakasan ang ulan.

"S-sino ka?" Saad ng nanghihinang lalake. "Ako si Evander... nasaan ako? Nasaan tayo?"

Hindi siya sinasagot ni Samael dahil hindi niya ito masyadong marinig, uutal utal ito magsalita at masyadong malakas ang buhos ng ulan para sila'y magkaintindihan. Sinabayan pa ito ng nakabubulahaw na kulog at kidlat.

Nang makarating na sila sa ilalim ng malaking puno, ibinaba muna ni Samael si Evander. Napansin niyang nakapajama rin ito. Hinubad ni Samael ang damit ni Evander para hindi manatili ang basang tela sa kanyang katawan. He noticed that they're almost as the same age based sa facial features and height.

Napaisip si Samael kung lahat ba sila ay kinidnap habang natutulog kagabi.

Nagpakilala si Samael sa kasama at sinabi nitong nagising na lamang siyang nandito na sa di kilalang lugar. Evander also shared na pareho sila ng naranasan. Evander told Samael that he's 17 years old, and goes to a school far from Samael's hometown.

Nahihirapang magsalita si Evander kaya sumandal muna siya sa massive trunk ng isang puno. Mainit ang temperatura niya at ramdam ito ni Samael. It caused panic dahil hindi alam ng dalawa ang gagwin.

Habang tumatagal ay nawawala na ang buhos ng ulan, napapalitan na ito ng sinag ng araw. Napansin din nila ang mga kakaibang halaman sa paligid. May mga transparent na tila-jellyfish ang lumilipad lipad sa kanilang harapan. Marami ring paru-paro at fireflies na akala mo'y sa fantasy book lang mababasa.

"Nasa alien world na siguro tayo." Evander chuckled because of Samael's words. Deep down, sa tingin pa rin ni Samael ay nananaginip siya.

Mabilis na pagtakbo.

Habang nagkakaroon ng masinsinang pag-uusap ang dalawa, bigla silang nakarinig ng parang foot steps ng tao. Ang mga dahon na nakakalat sa lupa ay hinahangin, dinig din na ang mga ito ay natatapakan.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now