Chapter 13: Myriad Building

21 5 0
                                    

SKETCH OF UNO ZAMORA
This drawing is originally made by the author.

SKETCH OF UNO ZAMORAThis drawing is originally made by the author

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Author's Note

Hey, guys! In case you're wondering, I've changed the book cover. And also, I'm gonna cry cuz we reached 400 reads!! Thank you so much everyone <33

TW // Sensitive Words

***

ASTREA
VISHA

"Huwag kang bibitaw!"

"Visha, kumapit ka lang!"

"Nicholas!"

"AHHHHH!" Napalanghap ng maraming hangin si Visha nang bigla siyang magising. Ang unang sumalubong sa kanya ay ang sakit ng ulo. Hindi lamang iyon, parang binugbog din nang matindi ang kanyang katawan. Hindi niya mawari kung bakit ganun ang kanyang nararamdaman, puno rin siya ng pawis at medyo nahihilo.

Umupo siya nang maayos mula sa pagkakahiga sa mainit na semento.

"Nasaan ako?" Bulong niya sa sarili.

Napakunot ang noo ng dalaga nang mapagtantong wala siya sa gubat. Ever since day 1, puro lupa, damo, at puno lang ang kanilang namamataan. Pero ngayon, hindi na siya pamilyar sa lugar na 'to.

Agresibong tumayo si Visha at inilibot ang kanyang paningit. Kumunot ang nagsalubong ang kanyang dalawang kilay dahil...

"Teka." Kinusot niya ang nagluluhang mga mata at napakamot ng ulo. "Nasa rooftop ba ako?"

Mahangin, maaliwalas ang paligid. Hindi gaanong tirik ang araw at maulap din. Maganda ang panahon dito. Tumakbo siya sa malapad na rooftop at sinuri ang paligid, lalo na ang bawat dulo nito, buti na lamang at may railings kaya hindi siya nahulog. Sinilip niya ang nasa baba ngunit wala siyang makita. Purong itim lamang ito. Pero isa lang ang sigurado siya, nasa isang building siya ngayon.

Inayos ni Visha ang kanyang mahabang braided na buhok. Nakaramdam siya ng pagkasakal at inudjust niya ang necktie na nasa kanyang leeg- napahinto siya sa pagkilos. Napapikit nang ilang beses.

Necktie??

Tinignan niya ang kanyang suot at halos mapatalon siya sa gulat. "BAKIT AKO NAKA UNIFORM?!"

Nakasuot si Visha ng kulay puting uniform at navy blue na palda. May necktie ding nakasabi sa kanyang leeg, tulad ng isang normal na estudyante.

"WHAT THE FREAK, ANONG NANGYAYARI?!" Dali-daling nilibot ni Visha ang nakakaoverwhelm na rooftop ngunit walang kahit na anong presensya ng tao.

"Bruxo! Nicholas!"

Kahit na anong tawag niya, walang sumasagot sa kanya. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kalangitan at namataan niya ang isang ibon na lumilipad patungo sa kanyang dereksyon.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now