Chapter 8: Nicholas

27 6 0
                                    

[SKETCH OF DENZEL KINGSLEY- this drawing is originally made by the author.]

[SKETCH OF MATCHITEHEW FRIZA- this drawing is originally made by the author

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[SKETCH OF MATCHITEHEW FRIZA- this drawing is originally made by the author.]

DAY 9TEMPLE OF AMONSEEKERS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DAY 9
TEMPLE OF AMON
SEEKERS

"Sino kayo at bakit niyo kailangan si Samael?"

Pumagitna si Machi sa babaeng may pana at kay Samael. Hinarang nito ang panang nakatutok sa kaibigan gamit ang katawan.

Dahan dahang tumayo ang binatang lalakeng may fading yellow na buhok.

"Samael is your greatest asset, isn't he?" Binaba nito ang kanyang dagger. Ngumiti siya nang napaka gaan at lumapit sa mga kasamahan. "I'm Nicholas."

Nataranta ang kabilang grupo sapagkat di nila ito kilala at bigla na lamang lumapit.

"Wag kang pupunta sa kinaroroonan namin. Stay where you are." Banta ni Denzel na ngayo'y nakatutok na ang pana kay Nicholas.

Maya't maya pa ay tumawa nang napakalakas si Nicholas. Inirapan siya ng babaeng nakabraid. "Nicholas, get Samael nang makaalis na tayo rito. 4 people should be enough."

Nang matapos humalakhak ng binata, dali dali niyang 2kinuha ang kanyang dagger at sinugod si Samael. Bago pa man makalayo ay pinakawalan na ni Denzel ang kanyang arrow ngunit hindi ito tumama kay Nicholas. Binelatan siya nito at muling humalakhak.

Sa inis ni Denzel, tumakbo siya patungo kay Nicholas kasama si Uno.

Tumaas ang kilay ni Nicholas at walang alinlangang sinalubong sina Denzel.

***

Tumalon ang isang lalakeng nasa tabi ng babaeng nakabraid, balak tulungan si Nicholas.

"Bruxo, nakalimutan mo na ba kung gaano kahusay si Nicholas?"

Napatigil sa pagsugod si Bruxo. "Sabagay... Visha, I think there's someone-"

Bago pa man maka-iwas si Visha, agad na siyang tinaob ni Nirvana. "Sa susunod kasi tumingin ka sa kinakalaban mo, wag puro tsismis." Sabi ng dalaga kay Visha.

Namulagat ang mga mata ni Bruxo dahil sa nangyayari. Sinipa niya nang napakalakas si Nirvana ngunit hindi man lang ito natinag.

"Metal ka ba?!" Sigaw nito kaya napangisi lamang si Nirvana.

"Copper."

Hinugot ni Nirvana ang kanyang dagger at akmang gigilitan na ng leeg si Visha ngunit buong pwersa siyang naitulak nito. Tinutok nito ang kanyang pana at walang habas na pinakawalan ang arrow patungo kay Nirvana.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya di na nakailag pa si Nirvana. Napasigaw siya nang tumama ito sa kanyang braso.

Sobrang sama ng tingin ni Nirvana kay Visha, ngumisi ito habang may dugong dumadaloy sa kanyang braso. Kitang kita ito sa kanyang kulay puting uniform.

Hinugot nito ang arrow na nakasaksak sa kanyang braso, kusang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at tumingin sa kalangitan, tsaka muling tumitig sa kinaroroonan ni Visha.

Nagsitaasan ang mga balahibo ni Visha dahil tila hindi na tao ang kanyang nasa harapan.

Ngumisi si Nirvana at tsaka tumakbo nang walang takot patungo sa kanyang kalaban habang hawak ang napakatalim na dagger.

***

"Nicholas, tinatakas na nila si Samael!" Sigaw ni Bruxo sa kaibigan nang mapagtantong nilalayo na ito nina Machi kasama sina Thalia, Devyn, Hikari, at Albert.

Binitiwan na ni Nicholas ang pakikipaglaban kina Deznel at Uno, mas mahalaga si Samael.

"'Til we meet again, LOSERS!"

Mabilis na naabutan ni Nicholas sina Machi. Binato siya ni Devyn ng mabigat na halaman kaya napalingon siya rito. "Aray naman." Reklamo nito.

Pagbalik niya ng tingin ay isang pana na ang sumalubong sa kanyang mukha.

Masyadong mabilis ang reflex ni Nicholas kaya he managed to easily have a grip of the bow, tsaka niya ito ibinalibag palayo. Dali dali niyang sinipa si Machi patungo sa malayo. Tumama ang ulo nito sa malakig ugat ng isang puno.

Tumakbo ang mga kasamahan upang tulungan ang sugatang kaibigan.

Ngayon ay sina Samael at Nicholas na lamang ang nasa gitna ng kagubatan. Hindi naman sila nasa kalayuan ng Temple of Amon. Kaya pa rin itong tanawin mula sa kanilang kinapepwestuhan.

"Samael, sumama ka na lang sa amin. Kunin natin ang gem at tumakas."

Napailing si Samael. Sino ba ito para pagsabihan siya ng kung anong dapat gawin?

Ayaw niyang magsalita sapagkat maaaring maprovoke nito ang kalaban.

"Hindi kami masama. Nagising na lang kami nang magkakasama at minamasdan namin kayo mula sa malayo. Hindi namin kayo mapagkakatiwalaan kaya hindi agad kami lumapit." Naglakad pa ito patungo kay Samael, nangungumbinsi.

"Nakita namin ang abilidad mo, kaya gusto naming sumama ka na sa aming grupo. Para mas mabilis nating mahanap ang lahat ng gem." Dagdag nito.

Umatras nang kaunti si Samael at humingang malalim, "Paano natin mahahanap kung maghihiwalay tayo ng grupo? Mas mabuting sama-sama tayo para mabilis." Maingat nitong sabi.

Umiling si Nicholas at nilabas an kanyang dagger, "Please, Samael. Hindi mo alam kung sinong mapagkakatiwalaan. Andami niyo."

Nilabas din ni Samael ang kanyang dagger. Hindi siya natatakot kahit kanino. "At sino ka para pagkatiwalaan ko?"

Magtutunggali na sana ang dalawa nang biglang umuga ang lupa nang napakalakas.

"Lumilindol!" Sigaw ni Albert.

Sobrang lakas ng pag uga ng lupa, lahat sila ay natumba.

"H-hindi yan lindol." Nauutal na bigkas ni Nicholas.

Ang mga sanga ng mga puno ay parang alon. Ang mga ibon ay nagsiliparan patungo sa malayong lugar. Ang mga ulap ay kumapal at ang kalangita'y dumilim nang bahagya.

Ang mga ugat ng mga puno ay tila umaangat. Para itong may mga sariling buhay. May malakas ding tunog na nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Napatingin ang lahat sa temple of amon na ngayong unti-unti nang gumigiba.

"Shit, yung gem!" Sigaw ni Thalia. Tatakbo sana siya ngunit nagwaki ang malakas na pagyanig.

Mula sa ilalim ng Temple of Amon ay ang isang malaking butas.  May hole sa lupa na nagmula sa kawalan.

Mula sa butas na iyon ay may lumitaw na dalawang pares ng mga mata. Kulay berde ito at napakaliwanag. May tunog ng oso na nagmumula roon.

Unti-unti ay may isang halimaw na umaakyat patungo sa lupang ibabaw. Nagkatinginan sina Samael at Nicholas.

"...that's Amon's Keeper."

END OF CHAPTER 8
5-27-21

Age
Nicholas: 18
Visha: 19
Bruxo: 19

Pronunciation
Nicholas: ni/ko/las
Visha: vi/sha
Bruxo: bruk/sho

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now