Chapter 9: Amon's Keeper and Archangels

29 6 0
                                    

DAY 9
TEMPLE OF AMON
SEEKERS

Biglang tumahimik ang paligid. Ang kanina'y yumayanig na mga lupa ay tumigil.

Dahan-dahang napatayo sina Samael at Nicholas, sinusubukang hindi gumawa ng kahit na anong ingay.

Ang halimaw na nagmula sa ilalim ng lupa ay kulay abo. Napakalaki nito, halos tatlong pinagpatong-patong na mga tao ang tangkad. May mga sanga ng puno ang nakatusok sa likod nito, pati na rin sa iba't ibang parte ng katawan. Mukha pa rin itong guardian ngunit mas dambuhala nga lang.

"Oh my gosh... the god of nature." Napatakip ng bibig sa Thalia, namamangha sa nakita. Naka ngiti ito habang nakatitig sa halimaw. Balak niya lapitan at tignan sa malapitan. Hinila siya ni Devyn dahil sa gusto niyang gawin.

"Thalia, umayos ka nga!" Sinampal niya ito nang malakas.

Umayos naman ng upo si Thalia at tumitig nang masama sa kasama. "This. This is the perfect epitome of biological complexity. Capturing it for experiments will bring humanity greatne—"

Hindi pa natatapos ni Thalia ang sasabihin nang muli nanaman siyang sinampal ni Devyn. Hinila siya pababa nina Albert at Machi na nakagigising lang.

"Gusto mo atang magpakamatay. Ireserba mo 'yang kaweirduhan mo kapag nakatakas na tayo rito." Mataray na saad ni Hikari.

***

"There's the Gem!" Tinuro ni Samael ang dibdib ng Amon's keeper. Nagkatinginan sila ni Nicholas at sabay na tumakbo patungo sa kalaban.

Both are wise dagger users. Dalawa rin silang walang takot humarap sa mga kalaban. Samael and Nicholas are somehow similar in certain aspects. In terms of skills, experiences, and knowledge, they barely differ. However, there's nothing much to know in the background of Nicholas. It's for the group to find out.

Hindi pa nakakalapit ang dalawa nang biglang umihip nang napakalakas na hangin ang keeper. Hindi nila ito nahinuha kaagad kaya halos liparin na sila sa lakas ng pressure.

"Kumapit ka sa sanga!" Sigaw ni Nicholas. Halos hindi magkarinigan ang dalawa dahil sa ingay ng hangin. Kumapit si Samael sa isang ugat ng puno at sa trunk naman ang isa.

Nang tumigil na sa pag ihip ang keeper. Biglang gumalaw ang dalawang punong kinakapitan nina Samael at Nicholas.

"Uhhh..." Bumitaw sa pagkakakapit si Nicholas dahil tila may sariling buhay ang puno. "Samael... I think we need to get out of here."

Bumitaw din si Samael at unti-unting napa-atras.

Mula sa malayo ay sumigaw si Machi, "THE TREES ARE ALIVE! RUN AS FAST AS YOU CAN!"

Nagkatinginan ang dalawa at tumakbo palayo sa mga punong gumagalaw. While running, a loud roar came from the keeper. They knew what's up, Amon's Keeper has the ability to control nature— inclined with his green eyes and gem which represent the environment.

The birds from the sky formed into 2 groups until they've become a new massive creature floating in the sky.

"Archangels."

Sila ay napalingon kay Thalia. "Oh. My. God. Those are only found in books. But now it's right in front of my eyes!"

Hindi mapigilan umiyak ni Albert dahil sa takot. Pinapatahan naman siya ni Devyn.

"Angels? Aren't angels supposed to look like good humans with wings?" Sarcastic na tanong ni Hikari.

Humalakhak naman si Thalia. "Silly. Those are just man made fantasies. Archangels have always been looking like those..." Tinuro niya ang mga ibon that formed a creature. Dahil nagmerge ang mga ito, naging hugis tao sila na may dalawang pares ng mga braso't kamay

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now