Chapter 7: Temple of Amon

31 6 0
                                    

DAY 8
SEEKERS' BASE
SEEKERS

"Samael..."

Niyakap ni Machi si Samael habang nagluluksa.

Ang lahat ng mga seekers ay bumalik na sa kampo, hindi na nila nabalikan pa ang mga bangkay nina Ares, Madeleine, Evander, at Hope sa Misty Forest. Masyado nang delikado, hindi nila alam kung nandoon pa ba ang keeper at ibang mga guardians.

Mabuti na lamang at bumalik si Denzel sa gubat na iyon pagkatapos ma-igather ang mga kasamahan at maihatid si Albert para hanapin si Samael. Ngunit nang matagpuan niya ito, wala na ito sa wisyo.

Nakatulala lamang si Samael habang nakatitig sa kawalan. Ang lahat ay nakikiramay sa pagkawala ng kanyang mga matatatalik na mga kaibigan.

Binigyan ni Machi ng tubig si Samael ngunit hindi niya ito ininom.

"Magpapahinga muna ako."

Tumayo si Samael at pumunta sa kanyang tinutulugan. Humiga siya roon, itutulog na lamang ang dinadamdam.

Lumapit si Denzel sa kabilang grupo na naghanap ng materials. Hinarap nito si Uno, mukha siyang dismayado sa nangyari.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong nito habang umiiling-iling.

Sumabat naman si Thalia sa usapan.

"Para kaming nabingi sa sobrang lakas ng pagsabog. Parang katabi lang namin ito. Anlakas ng hangin, at mabilis na kumalat ang usok na sobrang baho. Naging kulay blue na rin ang paningin namin. Interesting nga eh, sana nakakuha ako ng sample ng gas kung ano yung asul na yun."

Naweirduhan ang mga kasamahan nila kay Thalia, ngunit di na lang ito pinansin ni Denzel. Nagtaka si Denzel at napaisip. "Ibig sabihin malapit lang sa inyo ang pinagmulan ng keeper."

Lumapit si Machi sa kanila at tinignan ang bawat isa. "Probably, sa pagsabog na yun ang location kung saan nag appear ang keeper. At kasama na rin doon ang paglabas ng matinding usok."

"Ang tanong lang, hindi pa naman tayo nakakapunta sa Devil's Pantheon. Pero bakit naprovoke na agad ang keeper nito? Wala pa tayong nakokolektang gem." Nakabusangot na saad ni Devyn, isa sa kasapi ng grupo.

Umagree si Machi sa kanila. "Kung ang keeper ay kayang lumabas out of nowhere, then we need to strengthen our defenses. Kaya kailangan na natin kumilos sapagkat pangwalong araw na natin dito at wala pa rin tayong nakukuhang gem."

Ang lahat ay bothered dahil sa biglaang pangyayari. Ang kanina'y 13 na katao, ngayon ay 9 na lang. Mabilis silang mauubos kung wala silang gagawin.

"Pag paghingahin lang muna natin si Samael. He's having a hard time. Kinabukasan ay sisimulan na natin ang pagpunta sa Temple of Amon." Saad ni Machi.

"Nakita na rin namin kanina ang Temple of Amon. Alam na namin kung nasaan." Dagdag ni Denzel.

Gabi na rin kaya lahat sila ay bumalik sa kanya-kanyang mga higaan.

Hindi mapigilan ni Samael ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ilang araw niya nang katabi sa pagtulog sina Hope at Evander, ngunit ngayon, sa isang iglap, wala na.

Hinihiling niya na sana isa na lang itong bangungot, na magigising din siya sa reyalidad kinabukasan.

***

DAY 9
SEEKERS' BASE
SEEKERS

"Samael, have you already packed?" Nilapitan ni Machi ang kaibigan at siniguradong nakaligpit na si Samael ng kanyang mga gamit.

Debris of MemoriesWhere stories live. Discover now