CHAPTER 10

0 1 0
                                    

Courting*

          Agad akong pumasok sa school dahil nahuli ako ng gising.

Tumatakbo ako papunta sa room namin at agad pagpasok ko ay nagstart na yong class. Napagod kasi ako sa byahe namin ni chris kahapon.

Lahat ng classmate ko tumingin sakin pati na si Mrs Reyes at after 5 seconds agad naman sila bumaling sa mga ginagawa nila.

Tanging si Steffy lang at si Khaiden ang tumingin sakin noong papunta ako sa upuan ko.

Nakita ko ang mata ni Khaiden na mukhang kakainin niya ako ng buhay kaya di ko na lang pinansin.

Mabilis tumakbo ang oras kaya natapos na kami sa class namin at agad akong pumunta sa library para basahin ang mga lessons namin kanina kasi wala akong maintindihan sa teacher namin.

Nagbasa lang ako ng nagbasa ng libro about sa lesson kanina at may isang lalaki na umagaw sa book ko at agad akong nagulat tapos inangat ko ang ulo ko.

" Where have you been yesterday?" Tanong agad niya na kulang nalang ay saksakin ka sa mga titig niyang tingin.

Napalunok na lang ako. Di niya dapat malaman to.

"Ahm, may salo-salo kasi sa bahay kaya napaaga ako ng uwi" sagot ko at uminom ng tubig kasi mukhang mawawalan ako ng hininga sa mga titig niya.

Tumabi siya sakin tapos tiniklop niya ang book na binabasa ko.

What the fvck? Di ko pa naman alam kong saan na ako na page sa book ko.

"Good,ang akala ko kasi may ka date ka?" Sabi niya at binigyan niya ako ng chocolate.

Anong nakain niya?

" Ano to?" Tanong ko.

" Chocolate?di ba obvious?" Tawa niya at agad ko siyang sinaman ng tingin.

" Oo chocolate to? Pero?para saan?" Sabi ko at tumawa siya.

Baliw na yong unggoy na to? Tumatawa di naman nakakatawa?

" I want you to know that I am willing to be your boy best friend" sigla niyang sabi.

Nagulat ako,as in shocked talaga?

Nakakain kaya siya ng panis na kanin? At tirang daga na ulam?

Ano ba naman unggoy? Alam kong masama ka.

"Di nga?" Pagbibiro ko at tumawa siya. See? Pinagtripan lang ako ng unggoy na to?

"Well,if you dont mind? I am willing to be your boyfriend if you cant let me be your boy best friend?" Seryoso niyang sabi tapos lumapit siya sa mukha ko. Yong sobrang lapit na mukha ka nang hahalikan. Agad kong tinignan ang labi niya. Gosh ang sarap halikan..No! Masyado kang mahalay tashia.

Iniwas ko agad ang mukha ko,kasi feeling ko sasabog ako.

"Umalis kana kaya" pagtataray ko at ngumise lang siya.

"Ok,i want to court you?is that ok to your parents?" Cool niyang sabi na tinitignan ang libro.

Wow? So parents na pala ang dapat magpasya kong gusto ko bang magpaligaw sa unggoy na to

Di man lang niya sasabihin kong OK lang sakin. Grabe mahahigh blood talaga ako dito.

"So, sasabihin mo na kong OK lang sa parents ko?pero di mo man lang tatanungin kong OK lang sakin huh?" Pagtataray ko at binawi ang libro sa kamay niya para tignan niya ako.

Wala man lang expresyon ang mga mata niya? Siguro laro na naman to. Tama,

"I thought you like me too?" Sagot niya at nagulat ako.

Ang feeling niya,assumero,nasa kanya na ang pagkaassumero.

"Ang feeling mo" sabi ko tapos hinampas-hampas siya sa braso ng libro.

"Ouch" sigaw niya pero di ko parin siya tinantanan.

Bahala kang masaktan dyan.

Agad niyang kinuha ang libro tapos hinila niya ang mukha ko at pinaglapit niya sa mukha niya.

Gosh, tinignan niya ang labi ko,tapos ang mata ko at ang sa huli ay ang....ang dibdib ko...argghhh mahalay.

Agad ko siyang sinuntok sa dibdib.

" Bastos ka huh?" Sabi ko tapos nagwalk out bahala ka dyan.

Hinabol niya ako hanggang sa gate tapos hinila niya ang isa kong kamay tapos napaharap ako sa kanya.

"Courting you is the best for me,and to realize that you like me too. I know we don't have good meet each other since I'm here,but promise. I really like you since before untill now"ngayon nakikita ko sa mata niya ang sincere na hinahanap ko kanina.

Nababaliw na ba siya? O nanaginip lang ako.

Sinampal ko ang mukha niya tapos nagulat ako kasi tumama yong kamay ko sa mukha niya pero di naman yon malakas na sampal.

Medyo nagulat siya tas na realize niyang hindi masakit ay kinuha niya ang kamay ko tapos linagay niya sa dibdib niya.

"Heart didn't lie, please tashia. I like you "sincere nga siya.

Di ko to inexpect,

"Khaiden,Totoo ba to?" Tanong ko kasi parang di ko alam eh,

"If you like?,then slap me again" sabi niya at natawa ako.

Talagang di masakit ang sampal ko kanina kaya gusto niyang sampal ulit.

"Okay" sabi ko tapos nagulat siya.

Hindi okay huh?para sampalin siya kundi OKAY na sakin na manligaw siya.

Nagulat siya kaya natawa ako.

"Pumapayag na akong manligaw ka sakin" ngiti kong sabi at tuwang-tuwa siya tapos nagulat ako nong yinakap niya ako.

"Thanks tashia,thank you for trusting me" sabi niya at nakayakap parin kami sa isat-isa. Agad akong humiwalay sa pagkayakap namin.

"I trust you Khaiden" sabi ko at madami na palang estudyante na nakatitig samin. Nandon pa nga si Steffy na tudo tili at kilig.

Sa mga drama namin ni Khaiden mukhang di namin namalayan na madami na palang tao na tumitingin samin.

Agad akong umuwi at natulog.

CANT GET OUTWhere stories live. Discover now