CHAPTER 19

0 0 0
                                    

Chance*
    
          Papunta na ako ngayon sa table ni Steffy.Alam kong kailangan ko siyang makausap.

"Gurl?" Tawag ko sa kanya dahil papalabas pa siya sa room.

Natigilan siya at mukhang hinahanap si Khaiden.

"Wala siya, absent yata" sabi ko sa kanya.

Agad ko siyang yinakap ng mahigpit na siyang kinagulat niya.

"Gurl," yan lang ang nasabi niya.

Agad ko siyang hinila palabas ng room at sa buong campus dinala ko siya sa isang coffee shop.

"Sorry kong umiiwas ako sayo" nakayuko niyang sabi.

Kailangan kong malaman ang rason kong bakit lumalayo siya sakin.

"Gurl, I miss you. Bat ka lumalayo sakin?" Maiiyak na ako dahil sa  mga pagbabago niya.

Lagi nalang siyang nakayuko.

"Tashia" halos pabulong niyang sabi.

"Bakit? Bat lumalayo kayo sakin?,i need you Steffy,halos mawala ako sa sarili ko dahil alam kong iniisip kita,wala na ang kaibigan ko" tuluyan na nga akong umiiyak.

Hindi marami ang tao pero ramdam kong nakatingin sila sakin.

"Gurl naman eh," sabi niya at yinakap ako.

"Why Steffy?" Hikbi kong tanong.

"Kasi may kasalanan ako sayo" sabi niya at agad akong kumawala sa pagkayakap at hinarap siya.

"Huh?" Tanong ko at bumalik siya sa upuan niya.

"Tashia,alam kong magagalit ka pero kailangan ko na tong sabihin." May takot sa boses niya at nanginginig siya.

Anong nangyari sa kaibigan ko?

"Tell me Steffy,kailangan ko ngang malaman yan?" May inis na sa boses ko.

Hindi siya ganito at alam kong palaban siya.

"Si Khaiden at Khasiana ay kasal na" sa mga sinasabi niya.

Agad akong nanghina,nawalan ako ng lakas at napayuko.

Kailan niya pa to nalaman?

"Ano?"kahit na hinang hina na ako pero nagawa ko pa ring itanong.

"Tashia,nandon ako ng kasal ni Khasiana at Khaiden dahil pinsan ko si Khasiana" umiiyak na siya at ako naman natulala.

Hindi maari to,

"Kailan pa?" Tanong ko at umiyak ng tuluyan.

"Noong 4 monthsary niyo,yong binigyan ka niya ng bulaklak,tashia,balak kong sabihin sayo pero sabi ni Khaiden hindi ko daw sabihin dahil masasaktan lang kita." Umiiyak pa rin siya.

How can you do that to me Steffy?

"Sa tingin mo hindi ako masasaktan kapag di mo sinabi sakin huh?" Galit kong sabi sa kanya habang umiiyak.

Patuloy lang siya sapag yuko at iyak.

"I know,kaya nga nagiguilty ako eh,tashia naman, kaibigan kita at si Khasiana cousin ko. Pareho kayong importante sakin. Noong nalaman ko na si sha sha pala ang sinasabing Khasiana na mahal ni Khaiden. Ang alam ko lang naman eh, nickname lang ng pinsan ko ang alam ko,kaya nagulat ako ng may welcome party sa bahay nila at nakita kong magkayap sina Khaiden at Sha sha." Umiiyak pa rin siya.

Kailangan kong marinig ang bawat sinasabi niya. Kailangan kong malaman.

"Nawala ng ilang buwan si sha sha at ang alam ko bumalik siya sa U.S para ayusin ang papeles nila at pupunta sila ni Khaiden doon para manirahan, ayaw kong isipin na ang dalawang importanting  tao sa buhay ko ay pinagtaksilan lang ni Khaiden. Hindi alam ni Khasiana na may jowa si Khaiden ang tanging alam lang niya ay pumupunta si Khaiden sa ARM club kapag nag-aaway sila at maghahanap ng mga babae."sabi niya."wala akong magawa kundi ang sundin si Khaiden dahil magagawa niyang patayin ako" sa oras na sinabi niya yon alam kong takot siya.

Hindi ko alam na ganito pala ang sitwasyon niya. Kaya pala lumalayo siya.

Napakademonyo mo Khaiden.

"Alam kong isang araw,malalaman din ni sha sha ang lahat. At malalaman mo rin. Ako ang naglagay ng papel kahapon at alam kong nakita mo ako don,tashia,maniwala ka. Sinabihan ko si Khaiden na pumili sa isa sa inyo pero tumatawa lang siya. Gusto ka niyang saktan tashia maniwala ka" umiiyak pa ako lalo sa mga sinabi niya.

Bakit niya ako sasaktan?

Anong ginawa ko sa kanya?

"Tashia,gusto ka niyang patayin dahil may malaking kasalanan ang Daddy mo sa Mommy niya, si Khaiden ang anak ng babaeng pinakulong ng daddy mo noon dahil balak niyang barilin ang nanay mo." Ngayon parang naalala ko ang scene na yan noong bata pa ako.

"Ang Mommy ni Khaiden ang babaeng obsess noon sa Daddy mo at bago pa nalaman ng ninong mo,alam ng daddy mong maghihiwalay ito kaya imbes na 1 taon ang pagkakakulong ng Mommy ni Khaiden,agad itong nakalaya at ang Daddy mo ang pumunta sa ibang bansa. Ang ninong mo pala ay alam ang bawat galaw ng asawa niya kaya nakipaghiwalay ito." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Steffy.

"Si Khaiden at si Klyd ay hindi magkapatid tashia, kundi ikaw at si Khaiden" sa mga salita na yan tuluyan akong nahilo.

Hindi pwede to? Magkapatid kami?

Kapatid ko ang kasama ko at iniiyakan ko araw-araw.

Kapatid ko ang hinahalikan ko sa tuwing magkikita kami at kapatid ko ang kayakap ko.

Umiiyak na naman ako.

Tanginang buhay to.

"K-kapatid?" Nauutal kong tanong.

Nagkakamali lang ako diba?

"Tashia,kapatid mo si Khaiden sa daddy mo at hindi to alam ng nanay mo." Sabi niya .

Tuluyan akong nanghina at nakaramdam ng kunting hilo.

Hindi maaari to.

" Tashia,give me another chance,ibalik na tin ang pagkakaibigan natin" pagmamakaawa ni Steffy.

"Kahit hindi mo sabihin, magkaibigan parin tayo Steffy. At kahit kailan hindi mababago yon" sabi ko at naramdaman kong mukhang gustong pumikit ng mga mata ko kaya hinayaan ko lang.

Narinig ko ang tawag ni Steffy sakin at isang lalaki.

"Khaiden" yan na lang ang huling nasabi ko ng mga oras na yon.

Hinang-hina na ako.

CANT GET OUTWhere stories live. Discover now