CHAPTER 17

0 0 0
                                        

Steffy*
 
               Habang tumatagal ang relasyon namin ni Khaiden. At humantong kami sa 6 months na pagsasama.

Nawala sa isip ko na,nawawala din ang atensyon ko sa kaibigan ko.

Noon naman kasi,si Steffy parating kinikilig samin. Wala akong maalala na kinalimutan niya kaming sorpresahin ni Khaiden.

Siya pa nga ang nag aarange ng lahat. Para kasing umiiwas siya sakin,samin ni Khaiden.

Pababa ako ngayon dahil pupunta ako sa locker ko para ilagay ang mga libro ko tapos uuwi na rin.

Agad kong binuksan ang locker ko at nagulat ako ng makita ko ang isang papel.

Sino kaya ang naglagay ng papel na to sa locker ko?

Sulat kamay lang siya at nagulat ako.

           Tashia we never be like this,i want you to know that every single days, I can't control myself to talk to you.
This is the way that i can tell what is good for you,and for your relationship with that badass. Through this letter. I hope you read this and think this tashia.

Go to ARM club at 8 PM then go inside the bartender's place and talk to him where's Khaiden Montenegro's room and what is  khaiden's work.

                                              ; Unknown

Hindi ako makapagsalita, kinakabahan ako at nanghihina.

Sa tagal kong kasama si Khaiden sa buhay ko. Hindi niya sinabi sakin kong ano ang trabaho niya,ang alam ko lang bartender siya.

Mahal ko si Khaiden,mahal na mahal. Hindi niya kayang gawin ang mga masasama kong iniisip. Hindi niya kayang gawin ang magloko sakin at maghanap ng babae para lang magkapera dahil binigyan ko siya at alam kong maayos na din ang pagsasama nila ni daddy (ninong).

Lutang ako sa lahat ng oras. Tamlay akong naglakad,nagbabasa pero wala naman sa utak ko yong mga binabasa.

Kong sana lang, kong sana lang nandito ang kaibigan ko.

Miss ko na si Steffy.

Halos 2 buwan din na hindi kami magkasama. Parang ayaw niyang makita siya ni Khaiden na kasama ako. Pero,hindi naman siguro.

Saktong umuwi ako sa bahay ng 6:00 pm at agad akong kumain.
Napagdesisyonan ko na pupunta sa ARM club. Agad akong naligo at nagpaalam kay nanay nong exactly 7 ng gabi.

Mahaba-haba rin ang byahe dahil sa traffic at matagal umusad ang mga sasakyan.

Hanggang sa nakadating rin ako sa club.

Tinatanaw ko ang club mula dito sa kotse ko. Hindi ko to inaasahan na sa ganitong klaseng lugar pupunta ang boyfriend ko.

Sobra kasing ingay at masyadong maraming basura sa kalsada. Mga babae na ang iiksi ng dress at mga lalaking mukhang adik.

Maraming mamahalin na sasakyan at ang ingay mula sa club ay abot hanggang labas.

Nakita ko agad ang light letters na ARM CLUB. Kong ito man ang club na pinagtatrabahuan ni Khaiden. Malamang nagtitiis siya dito.

Pumasok ako at walang paki ang mga tao sa loob kong sino ang kararating pa lang at kakaalis.

Pumunta ako sa bartender at nag order ng tubig. Medyo natawa pa nga ang bartender eh,

"Miss, Bago ka dito?"tanong ng bartender.

"Oo" tipid kong sagot.

Nagdadalawang isip ako na magtanong dahil hindi ko alam na kinakabahan ako.

CANT GET OUTWhere stories live. Discover now