A years*
Halos dalawang taon na ako dito sa New York. Lahat ng sakit dito ko binuhos lalo na samin ni Khaiden. Napag alaman ko na rin na kapatid ko talaga siya at marami siyang balak para samin ng pamilya ko kaya kinausap siya ni dad past few days and nagkasundo narin sila.Wala nang gumugulo sa pamilya namin at naayos na rin ang bawat problema na kinakaharap namin.
Isa na doon ang pagtanggap ni nanay sa nangyari. Na may anak si daddy sa ibang babae.
Pangalawa,ang pagtanggap ni ninong na hindi niya anak si Khaiden.
Pangatlo,ang maayos na buhay ko ngayon kasama ang buong pamilya ko. Kakain sa hapag kainan,manood ng movies magkasama at sabay² na nagdarasal.
Sana lang alam ko na maayos na ang lahat.
Alam kong may pananakit parin sa isip ko.
Siguro kong alam ko lang na kapatid ko siya noon,siguro masaya kaming magkasama ngayon. Sana lang maalala niya na ako ang ate niya.
Medyo masakit,medyo di ko tanggap ,medyo na kakahina.
Alam mo yong tipong alam mo na ang lahat pero umaasa ka parin?
Na hindi totoo to?na panaginip lang to?Sana masabi ko sa kanya na mahal ko siya,hindi bilang isang girlfriend niya,kundi bilang isang kapatid niya.
Siguro marupok na kung marupok pero pwede bang maging magjowa ang magkapatid?
All this years mahal ko parin siya. Bilang isang Khaiden na mahal ko at bilang isang Khaiden na kasama ko sa buong school noon.
Naalala ko pa yong mga moment namin together. Yong kinikilig ako pero siya tumatawa lang,manonood ng movies na horror,ako takot pero siya mukhang bored. Lahat ng weird na attitude niya dati,ngayon ay hanggang pangarap ko na lang. Na sana andito siya para sakin.
Medyo nakakaget over na ako sa mga nangyari, may anak na sila ni Khasiana, at age of 19 dahil nagpakasal sila noong kaka18 lang ni Khasiana.
Masakit,sobrang sakit. Alam kong mawawala lahat ng hinagpis ko pagdating ng araw at sana dumaan na yong araw na sana ma amnesia na lang ako para makalimutan siya.
Sawang sawa na ako sa pagmumokmok at palagi na lang nandito si leo para bisitahin ako,kaso hindi eh,hindi ko ma feel kay Leo yong feeling ko noong kasama ko si Khaiden.
Possible kaya?
Possible bang pwede nga bang mahulog ng tuluyan ang ate niya sa bunso niya?
Kagaya ko? I am older 3 months than Khaiden's age.
Pero di parin ako nawawalan ng pag-asa na makausap ko siya,kung bakit ganito ang nangyayari sakin.
Sana makausap ko siya para meron kaming closure at maging close kami bilang isang magkapatid.
"Malalim pa rin yang iniisip mo" saway sakin ni leo na papunta sa kama ko.
"Hmm" tipid kong sagot habang nakamasid sa labas ng bintana.
"Pinagsabihan ka na ni tito at tita. Kung siya ang iniisip mo? Kailangan niyo ata ng closure or closeness as magkapatid. Siguro hindi naman masama kung mag-uusap kayo at sabihin yong dapat na sinabi mo noong sinaktan ka niya dba? Mahal kita tashia, at handa kong gawin ang lahat para lang bumalik ka sa dating ikaw" halos bumigay na yong luha ko dahil sa sinabi ni Leo.
Halos mapahikbi ako dahil yon din ang gusto kong mangyari,ang makausap si Khaiden para may closeness kami as magkapatid.
"Leo" tawag ko sa kanya dahil bubuksan na niya ang pinto.
"Please, tell Khaiden that i want a closure" sabi ko sabay punas ng mga luha ko sa pisngi ko.
"All this years,yong kapatid mo na yon talaga,ang sama sama" pabiro niyang sinabi.
"Bakit?" Tanong ko.
"Isipin mo? Buntis na naman si Khasiana,pang 3 anak na nila. Halos ata kada taon. Grabe ang sipag" patawa-tawa niyang sinabi.
Ako?hindi ko alam kong tatawa ba ako o iiyak.
Ang sakit na may pamilya na ang taong mahal ko .
"Nevermind,sige,tatawagan ko si Khaiden." Sabi niya at umalis na ng kwarto.
Salamat Leo.
Salamat dahil hindi ka napapagod dahil sakin. Salamat sa lahat ng mga ginagawa mo para lang sakin at sa pamilya ko.
Salamat ng marami Leonard Lopez.
![](https://img.wattpad.com/cover/264254157-288-k942656.jpg)
YOU ARE READING
CANT GET OUT
RomanceChances? Again? Someone deserve another chances but when someone waste your chances?you may go?and forget the past. Marupok pa kasi eh?hahah joke