Chapter 25

260 12 5
                                    

Chapter 25

Save

Ngunit mali ako. Habang lumilipas ang araw, mas lalo akong nalulugmok sa lungkot.

I smiled sadly at the dark farm. Gabi na naman, isang araw na naman ang lilipas nang hindi pa ako naibabalik sa Ilocos Norte.

Hanggang kailan ko kayang ipagsiksikan ang sarili ko sa lugar na hindi ako bagay at mga taong walang tumatanggap sa akin?

Napatigil ako sa paghuhugas  nang may kakaibang maramdaman sa sarili. I almost fainted and looked down just to see what's going wrong with me. Ngunit halos mahimatay nga ako nang makitang pumutok na ang palalubigan ko.

It made me somehow excited and scared. I felt excited with the thought that I am giving birth now, but scared with the thought of giving birth without him by my side.

"V-Vincent! M-Manganganak na ata ako! Nasaan ka na?!" halos hindi na makalmang sigaw ko.

Dahan-dahan akong kumapit sa dulo ng lababo para roon kumuha ng suporta habang hinihintay ang pagdating ng lalake. When I saw the door opened, siya kaagad ang bumungad. Nanlaki pa ang mga mata niya bago ako tarantang nilapitan.

He didn't say a word. Kahit na nakaraming daing na ako ay tahimik lang niya akong binuhat na para bang bagong kasal. He lifted my body, so I wrapped my arms around his neck.

Nakarating kami sa kwarto ko. Nang ihiga niya ako roon ay halos hindi na ako makalma.

"I-I'll call the... yeah, m-midwife. Mabilis lang ito," tarantang sabi niya.

My forehead furrowed. "H-Hindi sa hospital?"

"Mas mabilis ito kaysa sa pumunta pang hospital. Tatawagin ko lang diyan sa malapit. Don't worry, alam niyang malapit ka nang manganak kaya siya ang nag-presenta para sa panganganak mo," he said.

Ni hindi na ako nakapagsalita nang umalis siya sa harapan ko. Napahawak na lang ako sa kutson.

"B-Baby, kapit lang. K-Kahit na pahirapan mo ako sa panganganak, basta mai-deliver kita ngayon... o-okay lang sa akin," mahinang bulong ko.

"T-Tanggapin ko lahat ang hirap para sa'yo," nanginig ang labing bulong ko.

Malugod kong tatanggapin ang lahat ng sakit para sa'yo dahil anak kita.

Totoo nga ang sinabi ni Vincent. Pagkaraan lang ng ilang minuto ay bumukas na ulit ang pinto at niluwa n'yon ang lalake at ang kumadrona. Ang matandang babae ay nagtungo kaagad sa akin.

Halos pumikit ako nang mariin nang hindi na makayanan pa.

"Sir Vincent, alalayan mo na lang si Ma'am. Tumabi ka sa kanya para gumaan ang pakiramdam niya," ang kumadrona.

And there, when she went in front of me, I didn't find my voice. Tinakpan niya ng kumot ang ibabang katawan ko. Nang binuka niya ang legs ko at doon na ako mas lalong nag-panic nang simulan ko na ang pag-ere.

Kahit nang tumabi sa akin si Vincent at hawakan ang braso ko ay hindi pa rin ako makalma.

"Ere pa, Ma'am," ang kumadrona.

Bumuga ako nang malalim na hininga bago iyon ini-release.

"Common, you can do it, Amelia," si Vincent na patuloy lang akong sinusuportahan.

Ian was supposed to be the one holding me during my delivery, so why does someone take his place this instant?

Beads of sweat run through my face. Pumungay ang mga mata ko nang sa paghuling pagkuha ng malalim na hininga ay naramdaman ko ang pagbigay ng katawan. But when I heard a baby's soft cries, I immediately came alive.

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon