Chapter 37

236 12 1
                                    

Chapter 37

Leigh

"Don't go," Ian whispered when I tried to stand up.

Nanatili ang tingin ko sa paalis nang kapatid. Nanghina ang kamay kong pilit na inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Let's just go back inside the court, Vega. We can visit your dad later on, after the-"

"Ayoko nang bumalik doon sa loob! Natatakot na ako! If you can't understand that, then I can't do anything about that anymore! M-Mas mahalaga si Papa ngayon. E-Emma needs me too. W-Wasak 'yong kapatid ko, Ian. B-Baka kung ano rin ang gawin niya sa sarili niya."

"You saw how broken she is! We saw that together. Kitang-kita ko ang sarili ko sa kanya nang mamatay ang anak natin, Ian! K-Kaya alam ko kung anong nararamdaman niya ngayon," nanginginig ang labing dagdag ko.

I slowly faced him. Ngunit halos mapaatras ako nang makita ang pangingilid jg luha niya. It was as if he wanted to tell something, ngunit dahil nakita na naman niya akong umiiyak, mas pinili niyang makinig sa akin.

"Don't solve the case," napapikit ako ng mariin at umiling. "M-Mas kailangan ako ng kapatid ko ngayon kaysa sa kagustuhan kong malutas iyang kaso na iyan, Ian."

His face softened. Nabitawan niya nang tuluyan ang braso ko. Because of the outburst of emotion that I am feeling, kinailangan ko pang kumapit sa balikat niya para tuluyang makatayo.

Aalis na sana ako roon ngunit nakita ko ang pagpabalik-balik ng tingin niya roon sa pinto at sa akin.

"Vega," he called.

Seryoso ko siyang tiningnan. My decision is final. Hindi ko gustong ituloy ang kaso laban kay Vincent. The whole courtroom was terrifying me. It was triggering my sleeping painful past.

Mabilis kong pinalis ang tumulong luha at payak na ngumiti sa kanya.

"Close the case. I am not telling you this as the victim, but because I don't have the power to face that man anymore," seryosong sabi ko.

He shook his head. "Ang dali para sa iyong sabihin 'yan. How about your right, Vega? H-How about..." tumigil ito sa pagsasalita.

Bahagya niyang hinaplos ang noo niya at umiling. I bit my lip when his tears suddenly fell.

"P-Paano ang anak... N-Never mind, Vega. Don't..." mahinang sabi niya.

Marahas kong kinagat ang labi dahil doon. Ang kaninang kumalma nang pakiramdam ay biglang lumala ng marinig siyang binanggit ang anak namin.

"P-Paano ang anak natin?" halos natawa nang sabi ko. "T-That's new. When I first saw you again and told you... our son died, you never bothered to tell something. You just... a-acted as if you never cared about him! Alam mong paulit-ulit kong binanggit sa'yo ang pagkamatay ng anak mo, pero ni isang beses, hindi ko narinig sa'yo ang paghingi mo ng paumanhin sa kanya."

Napapikit ako nang mariin. I looked around me and saw many eyes looking at us. Puno ng awa ang mga mata nila at ayokong makita iyon. Hindi pa rin ako natinag. Bumalik ang tingin ko sa lalake.

Mabilis kong hinampas ang kamay niya nang makitang gusto niya akong hawakan. "And now that you asked me that, I wanted to clap my hands now! Gusto kitang palakpakan at i-congraluate dahil sa wakas, naisipan mo ring banggitin ang anak mo. Pero alam mo, Ian? Just continue acting that way. Stop minding your deceased son! I prefer that more than you... caring about him!" dagdag ko.

I clenched my fist and showed it to him. "Kung matapang lang akong tao, Ian. I could fight with you now. Gusto kitang sapakin! Gusto kitang sampalin, e. P-Pero wala akong lakas para gawin sa ngayon iyan."

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon