Chapter 20

283 13 0
                                    

Chapter 20

Burn

"Nailagay na namin ang mga importanteng gamit sa bagong bahay, Amelia. Mamayang alas otso ay susunduin tayo ng sasakyan ng governor papunta roon. Kaya ikaw, bilis-bilisan mo para hindi mainip ang mga tauhan niya sa paghintay sa atin. Nakakahiya naman kung ganoon."

Iyon ang bungad na sabi sa akin ni Mama pagkauwi ko pa lang galing Mall nang gabing iyon. Napatingin tuloy ako sa buong palapag at nakitang may mga natira ngang kagamitan doon ngunit para sa akin ay mahalaga naman.

My mother just thinks they don't matter anymore just because she got the most important ones. 

Tumigil siya sa harapan ko nang makitang tahimik lang akong pinagmamasdan ang paligid.

"Ano pang tinutunganga mo riyan? Kunin mo na ang mga gamit mo. Tsk," iritadong sabi niya.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang utos ng nanay ko.Ngunit bago ako tuluyang makarating sa ikalawang palapag ay pinagmasdan ko muna ang buong bahay. 

"I will miss this house," mahinang bulong ko.

When I closed my eyes, a burning house immediately crossed my mind. Mabilis kong pinilig ang ulo dahil sa na-imagine kong hitsura ng bahay kapag ito ay tinutupok ng apoy. Even though I won't be inside this burning house, why do I feel like I am really burning?

 We went to the new house that night. Ni hindi ko na maintindihan ang labis na tuwa ng pamilya ko habang nakatingin sila sa labas ng magarbong bahay. It is a beautiful white house with glass walls. Malayong-malayo iyon sa bahay totoo naming bahay. 

I cannot believe my parents will let the old house burn. Ang bahay pa namang iyon ay bunga ng pagsisikap ng yumao naming Lolo. I still remember how he shared the story of that house with me before. It is made because my grandparents' run away from their families. 

Naiwan akong mag-isa sa labas ng gate. Liblib na lugar ang kinaroroonan namin ngayon. Malayo ito sa school— malayo sa mga kaklase ko. Malayo rin kina Ian. Siguradong hinding-hindi ito matatagpuan ng kahit na sino dahil wala rin kaming kapitbahay rito. Unlike sa dating bahay na palagi kang pagtsi-tsimisan kapag nakita ka lang sa labas ng bahay. 

"Oh, umayos ka nga, Amelia. Para kang namatayan sa ginagawa mong iyan," suway ni Papa nang makitang pumasok ako habang hatak ang maleta.

Pagod akong umupo sa isang malambot na sopa. Ngunit halos manginig ang buong kalamnan ko nang makita ng ina ang hawak kong paper bag. Mabilis niyang kinuha iyon sa kamay ko. Bigla tuloy akong nagsisisi dahil hindi ko kaagad iyong isinilid sa 

"Ma, punta na kami sa taas ah!" si Emma nang makita ako ngunit iyon ang sinabi. 

Tumango lang ang ina at hindi na 'yon pinagtuonan pa ng pansin. Imbes ay sa akin siya tumingin. 

"Pwedeng gamitin natin ito sa pagkamatay mo para mas maniwala silang namatay ka nga talaga," nakangising sabi ni Mama.

My forehead furrowed. "B-Bakit pa, Mama? Ibibigay ko dapat 'yan sa kaibigan ko pero alam ko namang hindi ko na 'yan maibibigay pa. Pwede bang huwag na lang? Iyan na nga lang ang mananatili sa akin bilang alaala ng pagkakaibigan namin," mabilis na sabi ko.

"Naku, Amelia. Sinasabi ko sa'yong mas mabuti kung hindi ka nga maalala ng ibang tao. Kapag nalaman nilang namatay ka na, hindi ka na nila hahanapin pa. Wala namang pake sa'yo ang mga tao kaya bakit kailangan pang manatili ito sa'yo?" asik niya. 

Napakuyom ako ng kamao. Kulang na lang sumigaw ako rito kung hindi ko lang inaalala ang pinagdadala ko. 

"Kayo lang naman ang walang may pake sa akin, Ma."

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon