Chapter 18

270 12 0
                                    

Chapter 18

Plan

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos para pumuntang school. I am already in my uniform and heels when my mother interrupted me.

"Oh, dapat a-absent ka muna ngayon. Nasabi mo na ba sa Salazar na 'yon na pupunta tayo ngayong araw? Naku, Amelia! Sinasabi ko sa'yong haharapin namin ang nakabuntis sa'yo," madilim niyang sabi.

Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor para lang pagtuonan ng pansin si Mama.

I heaved a sigh. Masama ang pakiramdam ko ngayon dahil sa kakaiyak kagabi. I cannot sleep properly because of too much thinking of what to do next.

"Nakausap ko na siya kagabi, Mama. Pumayag siya kaagad. Mamayang gabi raw po," dahan-dahan at kalmadong sabi ko.

Ni hindi na ako nagulat nang umupo siya sa harapan ko. Ang magulo niyang buhok ay bahagya niyang inayos para lang magkunwaring kaharap na niya ang governor at ang pamilya nito.

"Mamayang gabi pa? Sayang naman! Hinanda ko na ang susuotin kong dress para roon. Ikaw, mag-ayos ka ah. Huwag mo akong ipapahiya sa harapan ng governor. Dios ko! Hindi ko pa rin lubos akalain na nadekwat mo ang unico hijo nila!"

Napahawak ako sa baby bump ko habang pinapakinggan si Mama. Hindi pa naman siya masyadong halata pero pakiramdam ko, nararamdaman niya lahat ng nararamdaman ko ngayon.

I finished eating without noticing her presence. Tumayo ako at nagtungo sa lababo para hugasan ang pinagkainan.

"Oo nga pala. Naalala ko. Sabihin mo nga sa akin, Amelia. May trabaho ka pa ba o wala na?"

Napatigil ako sa paghugas nang marinig iyon. I quickly faced her. Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo na para bang tinatansya ako.

"Napansin kong hindi ka na umaalis ng bahay nitong nakaraang linggo. Imposibleng off duty mo 'yon dahil ilang araw rin iyon," napailing na sabi niya.

Kagat ko ang ibabang labi at muling hinarap ang hugasin. I calmed myself. Sasabihin ko na rin ang totoo tutal alam na rin niyang buntis ako, ano?

I gulped and said, "Wala na, Ma. Natanggal na ako sa trabaho ko noong October pa."

"Ang tagal na ah! Pero paano pa pa rin nakakapag-abot sa akin ng pera? Huwag mong sabihin sa akin na inaabutan ka ng pera ng Salazar na iyon?!" she shouted.

Unti-unti akong tumango. Saktong nakapaghugas na ako nang tumingin ako kay Mama. She is already standing beside her seat.

Hindi ko alam na darating ako sa puntong sasabihin ko sa kanya na wala akong trabaho. I somehow felt relieved and hurt right now.

"A-Ang galing, Amelia! Paano mo nagawa iyon? Hindi ko alam na may lalake pa rin pa lang magmamahal sa'yo nang ganyan kalala!" nanlalaki ang mga matang sabi niya.

Imbes na pansinin, mabilis lang akong lumapit sa upuan para kunin ang bag ko. Pumasok ako sa banyo at doon na nag-toothbrush. After that, I found myself breathing heavily.

I quickly dialed Ian's phone number just to calm myself. In this times I am not on myself, siya lang ang tanging nakakapagpakalma sa akin.

"Hi, baby? Good morning! I'm on my way to school now. I am with the bodyguards," he greeted and tried to whisper.

Lumabas ako sa pinto at nagkunwaring walang katawagan. Mabuti na lang at hindi na rin ako pinansin pa ni Mama. I hurriedly went outside. Taranta akong naglakad papuntang kabilang kalsada. I quickly felt the scorching heat from the sun on my skin.

"Just wanna call you right now. I am on my way to the school, Ian." Mahinang sabi ko habang naglalakad papunta sa school.

"Wait, stop," he said.

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon