Chapter 36

250 14 1
                                    

Chapter 36

Case

Sinubsob ko ang mukha ko sa mesa nang makauwi ako galing auditorium.

Even when I tried to forget what happened earlier, hindi ko iyon magawa. I couldn't believe my happiness immediately faded away just because of Ian. Ang katotohanang mayroon siyang fiancé ang bumabagabag sa akin ngayon.

Kaibigan ko pa talaga?

Nawala lang ako roon sa iniisip nang makita ang pag-ilaw ng cellphone ko sa ibabaw ng lamesa.

Napangiti ako nang makitang si Dean ang nakalagay sa notification.

Dean:

Congrats, anak! I can't wait to see you wearing your uniform. You did a great job!

Amelia:
Thank you, Ma'am! Super thankful ako sa iyo! You have been there for me from the very start po. I know I am just starting pero napakahalagang bagay na po ang nangyaring ito sa akin.

Dean:
Your journey towards your field is just starting, anak.  Good luck with your LET Examination. I know you will pass it.

A genuine smile plastered on my lips. Grabe. Wala na talaga akong mahihiling pa ngayon. The dean has been very supportive of me from the start. She never failed to motivate me.

Amelia:
Thank you! Isa ka sa mga naunang naniwala sa akin. Utang na loob ko po ang pinakita ninyong pagmamalasakit sa akin, ma'am.

Napakagat ako ng labi bago nagtipa ulit ng reply.

Amelia:
Noong walang naniwala sa akin, ikaw po ang unang nandyan para gabayan ako. Kaya maraming salamat, ma'am!

Dean:
You shine, Amelia. You are there because you chose to shine. Wala akong gaanong naitulong sa'yo. Ikaw ang tumulong at nagtiwala sa sarili mo.

I removed all my thoughts and worries about Ian and Melissa. I didn't bother to question my friend about Ian. Hindi dahil sa ayokong malaman ang totoo ngunit alam kong wala akong karapatan pang mag-usisa tungkol doon.

Mas nag-focus na lang ako sa pag-ri-review para sa LET. Kaya nang dumating ang examination ay pinagtuonan ko lang iyon ng pansin.

Nakasalalay ang buhay ko kapag papasa ako ng BLEPT, ano.

The result will tell if I truly deserve to become a teacher or not.

I was agitated the whole night while waiting for the BLEPT result. I lost count of how many times I breathed just to calm myself. The whole universe must witness how uncalm I am now!

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Melissa mula sa messenger. 

"I cannot wait to see the result!" bungad na sabi ni Melissa.

Nawala ang tingin ko sa laptop. Napangiti ako nang kaunti nang makitang halos tuliro na ito sa harapan ng kanyang cellphone.

Just like me, she was nervous this night, too.

"Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko! My fiancé isn't helping, too! Kanina ko pa iyon tinatawagan para pakalmahin ako, but he is not replying!" she complained.

Muli akong ngumiti. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero ang tanging nasabi ko na lang ay, "Good luck, Melissa."

She stopped her tantrums and looked at me. "Good luck, too!"

Pareho na kaming nanahimik pagkatapos n'on. I busied myself scrolling on the Facebook App while she is busy with her phone. Nakita ko ang mabibigat na pagtipa niya sa cellphone niya.

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon