Chapter 32

265 14 2
                                    

Chapter 32

Kiss

"Ma'am, sandali lang! May pinapabigay pala ang papa mo sa'yo!" Tarantang sigaw ni Nana nang makitang paalis na ako.

I quickly wiped my tears. I know I shouldn't be crying anymore but there's really something within me that burst out. Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kanya. She went inside her house and got something. I tried to smile to calm myself. 

Natuon ng pansin ko ang hawak niyang puting envelope ng bumaba siya sa kanyang bahay.

"Naku, ma'am. Umiiyak ka po ba?" nag-aalalang tanong niya.

Napalabi ako at suminghot para pigilan na ang pag-iyak ko. I could feel how red my eyes now because of crying. But still, I tried to smile at her.

"H-Hindi po. Baka napuwing lang po ako, Nana," magalang na sabi ko.

"Mukhang matagal kayong hindi nagkita ng papa mo. Sabik na sabik pa naman siya noong makita ka niya, hindi ko lang talaga alam kung bakit biglang umalis," aniya.

I only gave her a faint smile.

She gave the white envelope to me. "Ito pala iyon. Sinabi niya kanina na ibigay ko raw ito sa'yo," she said.

Nanginig pa ang kanang kamay ko nang abutin iyon sa kanya. Nagpasalamat na lang ako at nagpaalam bago muling tinahak ang daan papunta sa tinitirhan.

When I slowly removed the seal of the envelope, bumungad kaagad sa akin ang sulat kamay ni Papa. Kahit na matagal ko nang hindi nakita ang handwritten niya, alam kong sa kanya talaga iyon galing. 

It was beautifully handwritten in a calligraphic style but I know behind that is his painful engraved words.

Hindi nga ako nagkamali. Under the sunset, my heart beats faster when I finally read his letter.

It was a back-to-back handwritten letter from Papa in a one whole short coupon bond. 

Amelia,

Anak, pasensya na. Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa kong kamalian sa'yo. Hindi ko na maisa-isa pero alam kong alam mo ang mga iyon. Dahil alam kong bawat sakit na sinabi at ginawa ko sa'yo ay nakabaon na sa puso mo.

May dapat akong pagbayaran. Sana balang-araw mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita, anak. Kahit na hindi ka galing sa akin, para sa akin ikaw pa rin ang panganay ko. Ikaw lang ang nag-iisang Amelia ko. Hindi ko alam na ang mga masasakit na salita ko pala noon na hinagis sa'yo ang magiging dahilan din ng paglayo mo sa akin. Alam ko namang kahit na hindi ko pinaramdam sa'yo noon ang pagiging ama ko sa'yo, mahal mo pa rin ako. Ramdam ko 'yon, anak. Pasensya na kung nagbingi-bihingan ako sa mga salita mo. Ang mga perang binigay mo sa akin ay tinago ko noon sa nasunog na bahay. Alam kong hindi kita tunay na anak ngunit nagawa pa rin kitang pagsamantalahan. Pinagsamantalahan ko ang kabaitan mo, anak. Matapang ka, anak. Hindi ko lubos maatim na ikaw pa ang humihingi ng tawad sa nangyari noon sa ina mo. Kahit na wala kang kasalanan, nagawa mo pa ring humingi ng tawad sa kanya. Wala kang kasalanan, Amelia. Tulad ng ina mo, biktima ka lang din ng ginawang 'yon ng totoo mong ama sa kanya- sa inyong mag-ina. 

Pasensya na kay Tatay ah? Sa ganitong paraan lang ako makakahingi ng tawad sa'yo. Wala akong mukhang maihaharap sa iyo, e. Patawarin mo ako.

Anak, alam kong kahit na hindi mo pa rin nakukuha ang gusto mong propesyon, naniniwala ako sa'yo. Alam kong makukuha mo rin iyan, anak. Magtiwala ka lang sa sarili mo.

Hindi ko sinasadya. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli, anak ko.

Papa Bernard

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon