Chapter 16

272 13 2
                                    

Chapter 16

Surrender

Malaya kong nilugay ang mahabang buhok at inayos ang suot kong red dress. I pouted my lip to reveal my red lipstick. Ang liwanag na nagmumula sa araw ang namayani sa kwarto naming magkakapatid.

It's funny to think how I celebrated Christmas with a heavy heart last year. Now that I have Ian with me, we are going to celebrate it together in Pagudpud.

"Saan ka pupunta? Huwag mong sabihin sa akin na may party sa Mcdo ngayon. Maraming customer dahil pasko na kaya alam kong wala kayong oras para riyan," nakataas ang kilay na sabi ni Mama nang makita ako sa ganoong ayos.

I wanted to avoid my mother's gaze but I remained silent. They don't know that I got fired yet. Lagi akong umaalis ng bahay sa dating schedule ko ngunit kina Ian lang talaga ako pumupunta para tumambay. Pumupunta ako nang alas siete roon at ihahatid niya ako nang madaling araw malapit sa bahay. We have been doing that since I got fired from work.

Ian is giving me money to use for my studies and to give something to my parents. Kahit nang ipilit kong huwag na lang ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbibigay sa akin. He told me my family might doubt kung hindi na ako magbibigay ng pera sa kanila. Ngunit mas lalo silang magda-doubt kung malalaman nilang wala akong trabaho pero paano pa rin ako nakakapagbigay ng pera sa kanila? So, yes, that's the secret we hid from my family.

"'Yon nga ang pupuntahan ko, Ma. May mga iba rin namang staffs bukod sa akin. Kaya na nila 'yon," diretsong sabi ko. Ni hindi man lang ako nagpakita ng kaba.

Ibinaba niya ang tasang hawak bago tumingin sa suot kong dress.

"Sobrang ikli ng dress mo, ah. Baka naman mabastos ka niyan," seryosong sabi niya.

I don't know if she is concerned about me or what. The way she said those words shows how disgusted she is to me right now.

"Pero sabagay, wala namang nababastos kung hindi nagpapabas-"

I immediately cut her. Bigla kong nakalimutan kung saan ako pupunta ngayong araw dahil sa kung anuman ang gusto niyang sabihin.

"Wala 'yon sa damit, Mama. Kahit na takpan mo pa ang buong katawan mo ng damit, kung may bastos- mababastos ka talaga. It is not all about what or how you wear, it's all about the person's inhumanity," malamig na sabi ko.

"Ingratang 'to. Umalis ka na nga lang," singhal niya.

Marahas akong bumuga ng hangin. She always tells that to me whenever she finds me annoying. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako sanay. Kahit na gusto kong masabay mula sa pinapakitang ugali niya sa akin, hindi pa rin ako sanay. Hindi na ako masasanay pa.

I immediately called Ian when I reached Marcos Stadium. Abot-tahip ang kabang naramdaman ko nang makita ang pagtigil ng isang pulang ferrari sa harapan ko. Bagong-bago iyon sa mga nakita kong sasakyan sa bahay nila.

"Good morning, Ian," I greeted soon as I entered the car.

"You look bothered," puna niya nang makita ang mukha ko.

Mabilis kong pinilig ang ulo para matanggal na sa isipan ang sagutan namin ni Mama. Now that I somehow defended myself, why do I feel so guilty right now?

"Hindi naman. I am just excited to be with you today," nakangiti nang sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin. Nilagay niya ang sunglasses niya bago sinimulan ang pag-andar ng sasakyan. I couldn't help but be mesmerized by his whole damn presence. Even he is serious right now, ramdam ko pa rin ang sayang nararamdaman niya ngayon.

Dalawang oras ang naging biyahe. It almost eleven in the morning when we reached Hannah's Beach Resort in Pagudpud.

Ngayon ay nanatili akong nakatayo malayo sa kanya nang makita kung paano siya makipag-usap sa receptonist. I pouted my lip to hide my smile. He keeps on avoiding the girl's face because he is afraid to be noticed.

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon