Chapter 22

240 13 7
                                    

Chapter 22

Regret

"Ano?! Nag-take ka ng exam nang hindi sinasabi sa amin? Ang bobo naman, Amelia!" My mother hissed soon as I told her about it.

It took me almost a few days before I told her about this. Tapos ito lang ang makukuha kong reaksyon sa kanya?

"Gusto ko lang naman mag-aral, Mama. Hindi rin naman ito para sa akin, ah. Para rin naman sa inyo ito.... lalong-lalo na sa mga k-kapatid ko," sabi ko.

Napatingin ako sa mga kapatid kong nasa hagdanan. Si Emma ay buhat-buhat si Sarah. Sina Emman at Gio naman ay malungkot lang na nakatingin sa akin. Habang ako, nandito na naman at pinapagalitan ng mga magulang ko dahil sa pagsabi ko sa kanila ng totoo.

"Hayaan mo na, Beatrice. Siguradong hindi rin naman 'yan makakapasa. Nagsasayang lang talaga 'yan ng oras at panahon niya. Kung pinagtuonan mo na lang ng pansin ang nasa sinapupunan mo, mas magiging maayos ka pa, Amelia," umiiling at dismayadong sabi naman ni Papa.

Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko. Mas lalo kong hindi naramdaman ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Hindi ko na rin alam kung saan ko ibabaling ang tingin lalo na nang marinig ang malakas na pag-iyak ng kapatid ko.

I went here to spend this day with my family especially that today is Holy week. I am silently praying that my decision to come here isn't bad at all.

"Kahit na, Bernard! Hindi mababawaan n'on ang sakit ng ulo ko, ano! Akalaing mong hinayaan lang ng Salazar na iyon na mag-take ng exam itong babaeng ito?!" asik niya.

"Hindi ka talaga nag-iisip, Amelia! Kapag ito nakarating sa governor- ano na lang ang iisipin niya? Na mukha nga tayong pera? Na hindi tayo sumusunod sa gusto nila, ganoon ba iyon, Amelia?!" she added, frustrated.

Napatayo ako sa sopa at umiling. "M-Ma! Hindi hawak ng gobernor ang buhay mo!" pagalit nang sigaw ko.

That somehow triggered my mother. Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa pisngi ko. 

"Simula noong mabuntis ka at masunog ang bahay, hawak na niya ang buhay natin, Amelia! Siya na ang nagko-control sa atin, hindi mo ba iyon nakikita?! Siguro nga may pakinabang ka dahil-"

I didn't let her finish her words. Kahit na ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi ko ay nagawa ko pa ring bumaling sa kanya. All right, I lost counts of the times I got slapped by my mother now. Basta ang alam ko, masakit. Sobrang sakit kapag dumadapo ang magaspang niyang palad sa pisngi ko.

Hindi ko na kaya.

I suddenly found the eagerness to shout all my frustrations to them. I literally thought this is the right time to tell how much I am suffering and hurting now.

"H-Hindi pa rin ba kayo masaya? Heto na oh, sobrang laki na ng bahay ninyo kumpara sa dati ninyong bahay! M-Marami na rin kayong natatanggap na pera mula sa pamilya ni Ian para lang mapagtakpan ito?!" hindi na nakapagpigil pang sigaw ko.

"A-Ate Amelia, tama na 'yan," Emman tried to stop me.

Naiiyak akong tumingin sa kapatid. Umiling ako bago tumingin kay Mama at Papa. They seem silent but I know there are many words in their mind now.

"Lahat kayo! Hindi ninyo ipinaramdam sa akin ang salitang pagmamahal! Kahit na anong gawin ko, hindi ninyo ako nagawang mahalin! 'Yung totoo, pamilya ba tayo rito?!"

Tinuro ko ang sarili nang hindi na talaga ako makalma. Kahit na nakaramdam ako ng pagkahilo ay nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa kanila. I even heard Emma's sobs, but I never dared to look at him.

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon