Chapter 14

255 14 21
                                    

Chapter 14

Fired

"Amelia, tayo na ang susunod na magdi-defense. Kinakabahan na ulit ako."

Napatingin ako kay Carlo nang tumabi siya sa akin para sabihin 'yon. Kami ang panglimang magdi-defense. It's already 11:50 AM but the panel members want us to finish it. Now, we are patiently waiting outside the classroom. Nasa labas din ang tatlong lamesa at natira lang ang isa sa loob kung saan 'yon ang ginamit nila.

I looked at Leigh who was standing straight while delivering her part. Napangiti na lang ako bago tumingin kay Carlo. I fixed my dress as my eyes fixated on him.

"Huwag kang kabahan. Ikaw pa naman ang lider. Kaya natin 'to. Tingnan mo si Mikaela, pa-chill chill lang habang nagmi-memorize ng part niya," natatawang sabi ko. 

Napasabunot siya ng buhok at lumingon kay Mikaela. Nakasandal ang babae sa upuan at nakaharap sa railings. 

"Amelia, catch!" 

Muntik na akong matumba sa kinauupuan kong lamesa nang biglang ihagis ni Edward sa akin ang isang botelya ng tubig. 

"Uy, concern! Akala ko ba si Leigh ang crush mo, Edward," nang-aasar na sabi ni Dianne nang makita iyon.

"Ay, may pa-ganoon na pala rito. May hindi ba kami nalalaman, Edward?" si Carlo na bahagya pang tinulak si Edward.

Nanliit ang mga mata ko. When he winked at me, I knew already where the water came from. 

"Thank you," nakangiting sabi ko. 

Mabilis ko 'yong binuksan at uminom. Parang nawala ang kaba ko pagkatapos uminom. I cannot believe we will be defending our research paper now to the panel! Mabuti na lang at sapat na 'yong oras namin para paghandaan ito. Not to mention that my boyfriend, despite him being busy, still helped me to review and master my part. 

"Sabay na rin tayong mag-lunch mamaya," he said. 

Natatawang lumapit sa akin si Edward. Nang tumabi siya sa akin ay nanliit pa ang mga mata ng ibang kaklase.

"Hoy! Iba na 'yan!" nanlalaki ang mga matang sigaw ni Dianne na ngayon ay nakaupo sa hagdan habang hawak ang research paper nila. 

"Kaibigan ko 'to, Dianne," simpleng sabi ng katabi. 

Nilapit ko ang ulo ko sa kanya para bumulong. "Ayiie! Friend na turing mo sa akin?" nakangiting bulong ko sa kanya.

He nodded his head. "Basta galingan mo lang sa defense mamaya. Someone upstairs is also rooting for you. Baka mas kabado na 'yon kaysa sa'yo," natatawang bulong niya. 

Ian should not be worried anymore. Makakaya ko 'to, ano! Ako pa ba. 

We were teasing each other when my eyes looked at the stairs. Napaubo ako kaagad nang makita ang pababa ng hagdan. Narinig ko pa ang mabilis na pagtili ni Dianne at umalis doon sa hagdan para magbigay-daan kay Ian. Napasinghap pa ang iba naming kaklase na babae nang makita siyang nakatayo sa gilid ng hagdan.

Inayos ko ang sarili ko at mabilis na umalis sa pagkakaupo sa lamesa. I stood up straightly when his eyes immediately glanced at me.

"Please tell me to calm down now, Edward," kabado nang bulong ko sa katabi.

Namewang lang ang katabi ko at tumingin kay Ian.  "That's the power he holds," komento ng katabi. 

Akala ko magpapatuloy siya sa hagdan para makapuntang second floor ngunit nagulat pa ako nang dahan-dahan siyang naglakad papunta sa harapan ng classroom. Kahit nang lagpasan niya kami ay rinig na rinig ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. 

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon