Chapter 33

255 11 1
                                    

Chapter 33

Again

Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang hindi na nga nila nilayo ang tinginan nilang dalawa sa isa't isa.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang magpatuloy na lang sa paglalakad.

Sinundan naman ako kaagad ng babaeng kabilang sa rescue team. I know she is part of it because all of the five rescuers have the same uniform.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Wala bang masakit sa'yo?" she asked worriedly.

"She should be fine," rinig kong sabi ng lalakeng rescuer. Pinasadahan niya ako ng tingin. "Ngunit parang hindi," he added.

Napatigil ako at tumingin sa palapulsuhan ko. Sabay naming tinitigan ang sugat kong dumudugo na. Alam kong nagulat siya roon kung kaya't mabilis niyang nahila ang kamay ko.

Dumudugo na kasi ang sugat kong nilaslas ko noon gamit ang pendant ng bracelet. Sandali akong napatigil para lang isipin kung saan ko na nilagay ang bracelet na iyon. Marahil ay binasura na ng hospital.

That became the reason why I cut myself, so it was only right for them to dispose of it.

Nagpanic kaagad ang babae. "First aid ki-"

I quickly stopped her. "Okay lang po ako. Konting galos lang po ito," umiiling na sabi ko.

"Pero dumudugo na, ma'am! Baka kung mapaano pa kayo. Saglit lang naman ito," she insisted.

I just shook my head as a sign of disapproval. We continued walking but stopped when Miguel suddenly appeared.

"Ma'am Amelia, okay ka lang ba?! Sabi nang uulan, e. A-akala ko pa naman nagpahangin lang kayo nang lumabas kayo ng bahay," natataranta nang sabi ni Miguel.

In my peripheral view, I saw Ian and Micaella stopped arguing with one another. All right, I was confused about what they were talking about, but I do not have the right to think further than my thoughts anymore.

It was already enough for me to think that they were indeed ex-couple. Wow.

"Dito tayo dumaan, ma'am. Hindi masyadong maputik dito!" Miguel said and stared to walk.

He used his right hand to guide me on walking. Ang mga rescuer ay nanatili namang nakasunod lamang sa amin.

"Kasama mo ba 'yong lalake na na-stuck dito, ma'am?" he asked.

I pursed my lips. I didn't expect him to ask me that. Hindi ko naman alam na may pagka-tsismoso rin pala itong si Miguel.

"We just saw each other here," simpleng tugon ko at pilit na kinalimutan ang naging sagutan naming dalawa kagabi.

Muli na sana akong aapak nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa akin sa siko. Dahan-dahan ko iyong tiningnan at nakita ang kamay ni Ian na nakahawak sa siko ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at kay Miguel na ngayon ay nakahawak din sa kanang braso ko.

"V-Vega, we should walk on the other side of the mountain. I think that is safer than this way," he said, seriously.

"Hindi, Sir. Mas maganda rito. Kabisado ko na ang daan dito kaya mas safe din dito," ani naman ng isa.

Napatigil ako nang may mapagtanto. Muntik na akong mawalan ng balanse nang mapagtantong ang gustong tunguin ni Miguel na daan ay ang daan kung saan may pagbaril na naganap kagabi. I almost forgot that scene because of my conversation with Ian last night!

"God, Stanley! The rescue team is just around the mountain! Huwag overacting, pwede?" pagtataray ni Micaella.

Ian glared at her. "You don't have the right to order me of what to do, woman," malamig na sabi niya.

Healing the Star's Darkness (Amidst Solitude #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon