Across the Sky

220 3 0
                                    

ATS: Prologue


"Aba, tangina!"


Umayos ako sa pagkakatayo matapos magmura dahil hindi ko naipasok ang bola. Ngising-ngisi ang ogag na si Joaquin dahil pumalya ako. Paasar niya pang inikot-ikot iyong asul na chalk sa dulo ng cue stick niya habang naglalakad papunta sa kung saan huminto ang bolang puti.


"Ha! Naku! May magpapainom!" ngising-ngisi siya.


"Ulol! Pinagbigyan lang kita. Paiyak ka na e," umismid ako.


Sumandal ako sa billiard table, hawak-hawak ang cue stick na ginamit ko. Kunot ang noo ko at tamad na nakatitig kay Joaquin. Nakangisi pa rin ito habang dumudukwang na sa billiard table ngayon para tirahin iyong bolang puti.


Agad na humagod ang dila ko sa panloob na pisngi dahil sa tunog nang nag-untugang bola ng bilyar. Hindi ko alam bakit ang sarap noon sa tenga. Isa iyon sa tunog na gustong-gusto kong naririnig.


"Huh!" ngising-ngisi si Joaquin nang maipasok ang bola sa butas.


"Tch," umismid ako. 


Pairap kong inalis ang tingin sa kaniya habang umiiling. Ang badoy niyang tignan habang nakanguso. Muli niyang hinahanap ang tamang puwesto sa billiard table para muling magpapasok ng bola sa butas.


"Rain, usog, dito ako titira," mahina niya akong siniko.


Iritado ko siyang tinignan na nasa puting bola ang buong atensyon. Pagak akong tumawa at umusog na lamang para bigyan siya ng espasyo. Sumeryoso na siya ngayon. Kaya napatingin ako sa bola na siyang mukhang balak niyang ipasok sa butas.


"'Wag 'yan, 'di 'yan aabot. 'Yung isa ipasok mo," turo ko sa isang solid ball.


"Luh! No coaching please!" masama niya akong tinignan.


"Gago, pinagbibiyan na nga kita," asik ko. 


"Kaya kitang talunin. Ako ang sisira sa pagiging defending champion mo."


Defending champion ampota. 


Umismid ako sa sinabi ni Joaquin, hindi na nagkomento. Inalis ko nalang ang tingin sa kaniya at itinuon iyon sa ibang bahagi ng bilyaran. May iba ring naglalaro sa ibang table. May baraha pa silang hawak.


Madalas kami rito sa may bilyaran sa may Cubao. Si Joaquin ang nagdala sa amin dito dahil sa may Cubao lang siya nakatira. Minsan naman sa may Pureza kami naglalaro kapag wala ng klase.


Napabaling ako sa entrada ng bilyaran nang pumasok si Justin. May dala na siyang supot na galing sa convenience store. Ngumisi siya sa'kin nang makitang hindi na ako ang siyang tumitira. Umismid lamang ako at hinintay siyang tuluyan nang makalapit.


"Anyare? Bakit si Joaquin na ang tumitira?" tanong niya sa'kin.


"Secret."


"Pumalpak siya. Kaya magpapainom na," si Joaquin ang sumagot kahit 'di pa naman ako natatalo.


Umismid ako kay Joaquin kahit hindi niya ako nakikita. Seryosong-seryoso itong humanap ng tamang anggulo para masigurado niyang hindi siya papalpak. 


Nagpustahan kasi kami na kung sinong matatalo, magpapainom. Kaya tuwang-tuwa siya na pumalya ako. Paano, minsan lang sila makatikim ng libreng inom sa'kin. Sila laging nagpapainom kasi 'di naman nila ako basta-bastang natatalo kahit magkakampi-kampi pa sila. 


Pinatong ni Justin ang supot na bitbit niya sa kabilang billiard table. Wala pa kasing naglalaro roon. Halos kaaalis lamang noong naglaro sa table na iyon kanina. Lumapit si Justin sa table namin pagkatapos para obserbahan si Joaquin. Silang dalawa kasi ang magkakampi vs. ako.


"Anong binili mo?" tanong ko kay Justin.


"Maiinom," sagot niya, nasa mga billiard balls ang mata. 


"Ah," sagot ko.


Muli akong napatingin sa entrada ng bilyaran dahil sa mga boses. May mga pumasok na ulit doon para maglaro rin. May dalawang billiard table pa naman na bakante. Iyong nasa pinaka-dulo at itong katabi ng table namin.


Sinulyapan ko ang supot na nilapag ni Justin sa katabing table. Balak ko sanang kunin. Kaya lang, sa dulong table dumiretso ang mga bagong dating. Nagkibit na lamang ako ng balikat at binalik ang tingin kay Justin at Joaquin na nag-uusap na ng plano nila para talunin ako.


"Naol may strategy," I mocked.


"Lol, nahihirapan lang kami talunin ka ngayon dahil wala si Jordan. Kung nandito siya, kanina ka pa olats," si Joaquin at parang bubwit na bumelat sa'kin.


"Cute mo sa part na 'yan," I smirked.


"Thanks."


Umiling nalang ako at nababagot na sumandal sa table. Mukhang hindi na planong tirahin ni Joaquin iyong bola na balak niyang tirahin sana. Wala rin siyang planong subukan 'yung suggestion ko. Dahil siguro dumating na si Justin, na mukhang mas may effective na strat.


Umingay sa dulong table dahil nagkakanchawan iyong mga bagong dating. Kaya napatingin ako sa kanila. Nasa anim sila, at iyong dalawa may hawak nang cue stick. Nagkukunware na may tinitirang bola sa table.


Agad na nag-init ang ulo ko nang mamukhaan ang isa sa may hawak ng tako. Tila ba umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa sobrang inis. Potangina?


Tatalikod na sana ako para 'di niya ako makita. Kaya lang huli na. Nanlaki na ang mata ng gago at nilapag sa billiard table nila ang cue stick na hawak niya. Naglakad na siya palapit sa billiard table namin kahit nagtatanong ang isa niyang kasama sa kaniya.


Umigting ang panga ko at mabilis na nilapag ang cue stick na hawak ko sa billiard table. Siniko ko si Joaquin na tumitira na pala, kaya napamura siya. Nagreklamo rin si Justin na sinira ko raw ang strategy na gagawin nila ni Joaquin.


"Rain! Sinasabotahe mo kami no?!" si Joaquin parang bata.


"Gago, umalis na tayo," usal ko at kinuha ang bag ko sa monobloc chair na katabi ng billiard table namin.


"Ano? Hindi pa tapos ang laro. Bakit aalis na tayo?" sabi-sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang cue stick. "Uulit ako sa pagtira. Madaya ka, siniko mo ako. Sabotahe amp."


"Kaya nga. Nakita kong siniko ka niya. Kaya uulit kami," si Justin, binalik pa ang cue ball sa kung nasaan iyon nakalagay kanina. "Matatalo ka lang e, kaya gusto mo na umuwi."


"Kaya nga, yiee, matatalo na!" Joaquin seconded.


"Gago, bahala kayo. Aalis na ako-"


"Rain!"


Agad kong naipikit ang kaliwang mata. Muling umigting ang panga ko dahil tinawag pa ako ng gago nang onti-onti na siyang makalapit sa billiard table namin. Tangina? Bakit ba naligaw 'to dito? Sa dami ng bilyaran, dito pa napunta. 


Sinama ko na sa pagkuha ang bag ni Joaquin at sinukbit ko na rin iyon sa balikat ko. Bahala na sila Joaquin kung ayaw nila umalis. Dadalhin ko nalang ang bag niya dahil sagot niya ang pamasahe ko. Nasa bag niya ang wallet niya.


"Rain," tawag ulit ng gagong si Kris, nakalapit na sa table namin nang tuluyan.


"Tangina!" napamura ako agad nang hawakan niya ako sa siko.


Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa siko ko. Binalingan ko rin siya. Ampota, kaasar ang pagmumukha ng Kris na 'to. May mukha pa pala 'tong ihaharap sa'kin. Ang kapal ng mukha. May kalyo na ata mukha nito.


"Tangina mo," I spat. "'Wag mo nga akong hawakan."


Inalis ko ang tingin sa kaniya at binalingan si Justin at Joaquin. Hindi na nakadukwang sa billiard table si Joaquin ngayon. Tumigil na siya sa paglalaro at nakatingin na sa amin ni Kris. Mukhang nagulat at naintindihan kung bakit aalis na ako.


"Rain naman..." si Kris ulit.


Hindi ko siya pinansin at tumango lamang sa kanila Joaquin. Tumango rin siya at nilapag na ang cue stick na hawak niya sa mesa. Dahan-dahan na rin siyang naglakad palapit sa'kin. Initsa ko ang bag niya na hawak ko. Agad naman niya iyong nasalo.


"Lauraine, please naman..." si Kris, nagmamakaawa.


Hindi ko na sana papansinin, kaya lang hinawakan niya ulit ako sa siko. I looked at his hand with disgust on my face. Napabitaw siya dahil doon. Tiningala ko siya dahil may katangkaran siya. Nagmamakaawa ang mukha niya. Cute niya huh. Cute tadyakan.


"Puwede ba tigilan mo na ako? Manggugulo ka pa talaga rito? Ang daming tao rito oh. Bida-bida ka?" I spat.


"Rain naman... mag-usap tayo," nagmamakaawa ang boses niya.


Hindi man lang ako naawa. Napaka-cringe niya. I laughed without humor. Nilandas ko ang dila sa panloob na pisngi bago ngumisi sa kaniya. Lalo siyang yumuko, akala maaawa ako. 


"Mag-usap? Bato kausapin mo, tanga."


Nakarinig ako ng mga boses mula sa entrada ng bilyaran. May mga bago na namang pumasok. Ang table nalang na katabi namin ang bakante. Kaya kailangan na naming umalis. Baka may magvideo pa at magviral ako ng wala sa oras. Hanep naman.


"Ito lang sasabihin ko sa'yo Krisostomo. Tantanan mo na ako pati si Madeline. Kung ayaw mong tuhugin kita ng tako dahil tinuhog mo kami," my eyes were now cold. Binalingan ko sila Joaquin at tinanguan. "Tara na."


Mag-uumpisa palang sana ako sa paglalakad nang hawakan ni Kris ang bag ko. Pota? Binabadtrip talaga ako ng isang 'to? Ang dami pa namang tao rito. Paano kapag umabot 'to sa Lola ko. Edi nasupalpal na naman ako 'nun.


"B-but Rain, I like you. Mag-usap tayo. Unblock mo na ako."


Pagak akong natawa. Nilingon ko siya ulit, may sarkastikong ngiti na sa mga labi ko. Nagmamakaawa pa rin siya. Nararamdaman ko na rin ang presenya ng mga bagong dating sa katabing table namin. 


"Unblock mo na ako. Alam ko namang gago ako-"


"Oo, gago ka naman talaga. Buti alam mo."


"Please... ikaw naman talaga ang totoong gusto ko," he plead.


Nilandas ko ang dila sa pang ibabang labi. My stares were throwing daggers at him. How I wish it was a literal dagger, so it would scar his face. Ang kapal kasi ng mukha na magpakita pa sa'kin. 


"Mag-usap naman tayo... dadalhin na ako nila Dad sa US, doon na raw ako mag-aaral ng college," aniya.


"Pake ko naman?" I sneered at him. "Aba'y kahit 'wag ka na bumalik."


"If we can work things out... pipilitin ko si Dad na rito na ako mag-aaral. Para hindi ako malayo sa'yo," kaonti nalang ata iiyak na siya.


Pota? Gusto kong masuka.


I clenched my jaw. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Nagpipigil na huwag siyang hampasin 'nun. Pero kapag naaalala ko ang kagaguhan niya noong una palang, ang sarap nalang biglang ihampas nito sa ulo niya. Tangina talaga.


"Alam mo ba na kaya kung gawin 'yun para sa'yo?" tawad pa niya.


Pagak akong natawa. "Alam mo rin ba na ayaw na ayaw sa akin ni Madeline, pero dahil sa'yo lalong ayaw na niya sa akin? Dahil isa kang potangina na manloloko at manggagamit..." I was gritting my teeth this time.


Sinusubukan ko lang na babaan ang boses, para hindi makuha ang atensyon ng lahat. Ayaw kong magmukhang nag-e-eskandalo ako rito sa bilyaran. Pero sigurado ako na naririnig kami ng mga bagong dati. Lalo pa at katabi lamang ng table nila ang table namin.


"Oo mali ko naman, hindi ko na uulitin," nagmamakaawa siya.


"Ay, weh?" I smirked.


He nodded his head very sad.


What the fuck.


"Hindi mo na talaga mauulit. Dahil hindi ako papayag na gagohin mo ulit ako pati ang kapatid ko," I smirked. "Kung ako lang ginagao medyo ayos pa e. Kasi wala naman akong pakealam sa'yo. Pero dinamay mo kapatid ko. Grade 10 palang 'yun. Kaya madali mong nauto."


"Rain..."


"Wag mo rin iisipin na may forever ka sakin. Una sa lahat di ako naniniwala sa forever. Pangalawa, grade 11 palang tayo. Akala mo magkakatuluyan tayo? Asa ka pa, 'di ako papayag."


Yumuko siya kaya ngumisi ako.


"Kung ako sa'yo sumama ka sa ibang bansa. Doon ka mag-aral tapos baguhin mo buhay mo. Dami na nating gago sa mundo, bawasan mo naman," ngumisi ako nang hindi na siya nag-angat ng tingin sa'kin, kaya inalis ko na ang tingin sa kaniya.


Saglit kong tinignan ang mga naglalaro sa bilyaran. May ibang tumitingin pero hindi naman nila alam ang nagpag-uusapan namin. Iyong mga kasama ni Krisostomo sa dulong table, talagang nasa amin ang atensyon. Halatang nagtataka kung anong meron.


Tinignan ko rin ang katabing table namin, nasa anim ang mga bagong dating, pero tatlo lang ang nakatingin sa amin. Napatingin ako sa supot na dala ni Justin kanina na nasa table nila. Kaya walang tingin-tingin kay Krisostomo akong lumapit sa katabing table namin.


Mabilis kong kinuha ang supot na nilapag ni Justin doon. Mukhang makakalimutan pa ata niyang dalhin dahil sa nangyari. Pati ang beer in can na halos katabi lamang ng supot ay sinama ko na rin sa pagkuha.


Kaya lang, hinawakan iyon ng lalaki na isa sa mga bagong dating. Badtrip ako, kaya inagaw ko iyon sa kaniya nang hindi siya tinitignan. Mahigpit niya iyong hinawakan, ayaw ibigay sa'kin. Kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatingala na dahil matangkad siya.


"Pota? Ayaw mong ibigay?" pinanlakihan ko siya ng mata. "Akin 'to e. Bakit mo kinukuha?"


Lumuwag ang pagkakahawak niya sa canned beer. Kaya mabilis at marahas ko iyong inagaw sa kamay niya. Mabilis na akong tumalikod sa table nila pagkatapos. Binalingan ko sila Joaquin at Justin. Tumango ako sa kanila sabay bato kay Justin ng supot. Nasalo naman niya agad.


Hindi ko na nilingon si Kris at mabilis nang lumabas sa bilayaran. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya sumunod. Natameme na ata roon. Bakit ba 'yun naligaw sa Cubao. E sa Bulacan pa 'yun nakatira ah. May mga bilayaran din naman doon.


"Sino 'yun, Rain?" tanong agad ni Joaquin nang makalayo-layo na kami.


"Kaya nga. Gago, kala ko sasapakin mo," si Justin.


"Gago, abot ko ba 'yun? Paano ko masasapak?"


"Pero sino 'yun?" ulit ni Joaquin.


"Si Krisostomo," sagot ko.


"Anong meron kay Krisostomo? Close kayo 'nun?"


"Schoolmate ng kapatid ko 'yun. May gusto sa'kin, e gusto siya ng kapatid ko. Ayun, ginamit niya kapatid ko. Nagkunware siyang gusto niya si Madeline para mapalapit sa'kin. Kung 'di ba naman gago."


"Oh..." si Joaquin sabay tango.


"Gago nga," si Justin.


"Tapos mali pa pagkakaintindi niya. Akala niya kaya ako galit dahil naisip niya na na akala ko si Madeline talaga ang gusto niya at hindi ako. Gago ampota. Akala niya na-fall out of love ako. E, 'di nga ako inlove sa kaniya," umiling ako, nakangisi.


Inangat ko ang canned beer na hawak ko habang nakangisi pa rin. Hindi maganda ang relasyon namin ng kapatid ko. For an unknown reason, she's mad at me.  And then she hated me more because of that guy. Damn him, I don't like him at all.


"Tangina, nasira tuloy araw ko," I murmured. "Buti nalang binilhan mo ako ng beer. Galing mo talaga," ngumisi ako kay Justin.


Napatingin siya sa hawak ko.


"Huh? Hindi ko 'yan binili," umiling siya agad.


"Ninakaw mo nalang sige," maliit akong umismid.


"Hindi nga, Rain. Tubig at Gatorade lang binili ko. Ito oh," aniya at pinakita sa'kin ang laman ng supot ng convenience store. "Para sainyo nalang 'to ni Joaquin. Ininom ko na akin e."


Tumaas ang dalawang kilay ko habang nakatitig sa laman ng plastic. Napatingin ako sa hawak kong canned beer pagkatapos. 


"Gago ka Rain, baka ang may-ari niyan iyong mga bagong dating ha. 'Yung katabi ng table natin," si Joaquin. "Kaya pala parang nakita kong nakatingin sa'tin noong palabas tayo ng bilyaran. Gago ka, ninakaw mo ba naman beer niya."


Naiatras ko agad ang ulo ko. 


"Pota? Ninakaw agad? Malay ko bang hindi pala para sa'kin 'to," sinulyapan ko ang hawak ko.


Napailing ako agad nang mapagtanto ang ginawa.


"Gago, nakipag-agawan pa naman ako roon sa lalaki. Sabi ko, akin 'to. Kaya pala ayaw ibigay noong una," tinitigan ko ang canned beer na hawak ko.


"Yare ka! Mamaya nakilala ka 'nun," si Joaquin, nananakot.


Pangisi akong ngumuso. Hindi ko naman maalala ang hitsura noong lalaki. Badtrip ba naman ako kanina at nandidilim ang paningin. Kaya hindi ko na gaanong pinuna ang mukha niya kahit noong tiningala ko siya. Dahil ang gusto ko lang, umalis na agad roon sa bilyaran para iwas gulo.


Pero, gago? Sinabi ko pa naman sa lalaki na akin 'to. Ano nalang naisip 'nun? Pero... bakit naman niya binigay? Kung alam naman niya na sa kaniya talaga 'to, dapat 'di niya hinayaang makuha ko. Malay ko bang hindi para sa'kin 'to. Bakit naman kasi sa tabi ng supot ni Justin niya nilagay. So, kasalanan din niya 'yun?


"Kaya nga, baka nakilala ka 'nun," si Justin, isa pang ugok na tinatakot ako.


"Ang mahalaga 'di ko siya kilala," ngumisi ako. 


Mahina kong inalog ang beer. Hindi na iyon malamig.


"'Di naman malamig 'to. Kaya di na rin masarap," pagdadahilan ko.


"Sus, 'di 'yan masarap?" si Joaquin, nanggagago.


"Secret," ngumisi ako.


"Kaya nga, pampalubag loob niya lang na 'di na raw masarap," umiisa pa si Justin.


"Gago hindi ah. Totoo namang hindi na malamig ah. Atsaka bayaran ko nalang siya kung sisingilin niya. Di na ako babalik 'dun sa bilyaran para isuli 'to," umismid ako. "Baka bumingo na sa'kin 'si Kris."


"Pero masarap 'yan kahit 'di malamig?" si Joaquin, tila ogag.


"Tangina mo! 'Wag ka papaturo sa precal ha," medyo naasar na ako.


"Yare ka! Oy, ako Rain, 'di ako nang-aasar ha. Turuan mo ako!" si Justin sabay tapik sa balikat ko.


Umismid ako at nagsimula nang maglakad. Tumatawa si Joaquin habang tinatawag-tawag ako. Ang laking gago talaga. Hindi ko nalang nilingon, pero nakangisi na ako.


Muli kong tinitigan ang beer na hawak ko. Hindi pala talaga sa'kin 'to. Itatago ko nalang 'tong lata at hindi itatapon. Kapag nagkita kami ng may-ari nito, kung sakali mang nakilala niya ako, isusuli ko nalang 'tong lata. Tapos pasalamatan ko nalang.


"Panay titig sa beer ah?! Baka makatuluyan mo may-ari niyan!" muling humalakhak si Joaquin.


"Ulol mo!" nilingon ko siya sabay tinaasan ng gitnang daliri. 


"Yiee! Kinilig atay niyan?" ngumisi ang gago.


Pairap kong inalis ang tingin sa kaniya at lalong binilisan ang lakad.


***

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon