Forty-four

50 3 0
                                    

ATS: Chapter 44


"Villegas, ano 'to?!"


Titig na titig ako sa kaniya, gulong-gulo at 'di magawang iproseso lahat. Halos 'di ko na maramdaman ang sarili. It felt like I'm floating in the air. Until now, it felt like my heart stopped beating and didn't resume yet.


Nasa garden kaming dalawa ngayon. Aniya, mag-uusap daw kami na malayo sa lahat. Ang daming tao sa bahay. 'Di ko alam kung anong nangyayari na sa kanila Madeline sa kitchen. Kung alam na ba nila Lola Margarita ang nangyayari o ano.


Dahil kanina, ang Lola lamang niya, siya at ako ang may alam. I don't even fucking know how I managed to take myself here in the garden. Akala ko maninigas na ako sa entrada ng kitchen kanina. Sana nanigas nalang ako roon. Dahil ganoon na ganoon ang nararamdaman ko ngayon.


"Villegas, ano ba?! Magsalita ka naman!" I clenched my jaw. Tears pooled in the corner of my eyes all of a sudden. "Bakit kilala ka ni Madeline? P-paanong nangyari... tangina, don't fucking tell me that you're that... guy in Baguio," mariin akong pumikit.


May kung ano akong naipagtagpi-tagpi sa utak ko. Ang madalas na pag-alis ni Villegas dahil nagpapasama ang Lola niya. Ang sinabi niya noon na sa Baguio nakatira ang Lola niya at professor noon. At ang sinabi ni Mama na former professor ni Tito Matias ang new amiga ng Lola.


Maliit na bumuka ang labi ko habang naiisip ko ang lahat. That moment when Villegas received a message back in his apartment. With a yellow heart emoji. 'Cause his Lola gave his number to... Madeline, right? Tangina, kung noon ko pa 'to napagtanto, maiisip ko pang coincidence lang e. Kaya lang, tangina, nasa harapan ko na.


"Luan," a serious voice echoed behind us... his Lola.


Nagbaba ako ng ulo at yumuko, nanginginig ang mga kamay. Huminto malapit sa amin ang Lola ni Villegas. 'Di ko magawang mag-angat ng tingin sa kaniya. I clenched my fist. Never in my wildest imagination na maiisip kong makikilala niya ang Lola ko... na ayaw din sa'kin.


"Let's get inside, Luan," mariing anas ng matanda. "'Wag mo akong ipapahiya sa amiga ko at sa buong angkan nila."


"Mama, please. Mag-uusap kami ni Rain," he sounded tired of her.


"Luan," maliit na tumaas ang boses niya. "Ipapahiya mo na naman ako para sa babaeng 'yan? I already told you to stay away from her, and you didn't listen."


"What's happening here, Amiga?" it was Lola Margarita's voice this time. May ngiti sa boses ng Lola dahil wala pa siyang ideya sa mga nangyayari. "Anong pinag-uusapan niyo? Bakit kailangang sa hardin pa mag-uusap?"


I felt Lola's presence behind me. Nakayuko pa rin ako, nakatingin sa kamay ko. Malamang nagtataka na ang Lola bakit umalis kami ni Villegas sa kitchen. Tapos sumunod pa ang Lola ni Villegas. Kaya mas lalong nagtaka ang Lola ngayon at sumunod na rin.


"Itong apo ko kasi amiga, schoolmate pala itong apo mo," sagot ng Lola ni Villegas. "Nagkakamustahan lamang..."


I clenched my jaw when waves of pain touched my heart. I should've expected worst scenario inside my head earlier. Ang inisip ko lang, baka 'di na naman mabubuo ang Pasko ko dahil sa kanila Lola. Pero 'di naman 'yung ganito. Bakit naman ganito pa?


"Oh I see. But let's get inside na, Amiga. Let's take pictures together. Hijo, Luan, let's get inside..." maligayang anas ng Lola, walang kaideya-ideya sa kung anong nangyayari ngayon.


"Susunod kami ni Luan," medyo may ngiting sagot ng matanda para itago ang kung ano man.


Lola Margarita laughed a little and agreed with Villegas' Lola. Naramdaman ko na rin ang pag-alis niya sa hardin. Nakayuko lamang ako, kaya nahulog din ang maikling buhok sa gilid ng mukha ko.


"Luan, pumasok na tayo. Hayaan mo na ang babaeng 'yan," mariing utos ng Lola niya nang mawala na ang Lola sa garden.


"Get inside now, Mama. Dito lang ako," he said firmly.


"Talagang ipapahiya mo ako sa Amiga ko?" bakas ang galit sa boses nito. "Let's go, Luan!"


Dahil nakayuko ako, nakita kong hinila ng Lola ni Villegas ang palapulsuha niya, para lamang sumama ang apo sa kaniya. Mabilis na nilayo ni Villegas ang kamay niya. Kaya ang nahatak ng matanda ay ang itim na beads bracelet na regalo ko. Napigtas ang bracelet kaya agad na nagkalat ang mga beads sa bermuda grass.

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon