ATS: Chapter 15
My brows furrowed when Glory Ginn took a deep sigh. Kanina pa ang panay buntong hininga niya at paulit-ulit niyang sinasabi na ayos lang naman siya. Pero duda ako.
"Iniisip mo pa rin iyon?" I uttered.
Nag-angat siya ng tingin sa'kin mula sa pinggan niya. Ngumiti siya at pinaskil sa mukha niya na tila hindi niya alam kung anong tinutukoy ko. Its obvious that she's not fooling me, instead, she's fooling herself. Denying something.
"Kanina pa ang buntong hininga mo. Kaonti nalang lilipad na ako..." I started chewing my food.
Nasa karinderya kaming dalawa na malapit sa CEA. Nagulat ako nang dayuhin niya ako rito. Aniya, sabay daw kaming kakain ng lunch. Maaari naman, pero may iba akong kutob.
Lalo pa at tila malalim ang iniisip niya nitong mga nakaraan. Sa halos isang linggo na lumipas, naaabutan ko siyang nakatitig lamang sa notebook o 'di kaya sa pader sabay iiling. Ngingiti pa 'yan, tila kinukumbinsi ang sarili na ayos lang naman siya.
"A-ah," she faked a chuckle. "Nag-iisip lang ako ng kung anong magandang content para sa next vlog ko..."
Maliit akong sumimangot. "Talaga?"
Tumango siya. "Hmm. Iyon lang ang iniisip ko."
"Sigurado kang hindi si Cañares?" I stated.
"H-huh?! Bakit ko naman iisipin si Jericho?! Shunga na 'to!" she let out an exaggerated chuckle. It made her look defensive.
Tanda ko pa noong mga nakaraan, kung paano niya sinabi na nakasakit daw siya ng tao. Si Cañares daw iyong nasaktan niya. At pagkatapos niyang sabihin iyon, doon ko na napansin na may kakaiba. She's occupied. She looked worried. She kept checking her phone as if waiting for someone.
Tapos, dumadayo pa sa'kin para kumain ng lunch. Dahil iyon sa isang beses na nakasama naming kumain si Cañares at Villegas. Inaakala siguro niya na magkikita sila. Kaya lang, 'di na rin halos sumabay sa'kin si Villegas sa pagkain dahil medyo abala. Ganoon din si Cañares.
"Ayos lang 'yun si Cañares. 'Di 'yun galit sa'yo," I said to assure her.
"A-ah, buti naman. Good for him!" she faked a chuckle again. "Pero h-hindi talaga siya ang iniisip ko..."
Pero bakit ka malungkot?
Hindi ko nalang inisatinig iyon.
Hanep naman! Nagkakaganito si Glory Ginn para kay Cañares. Akala ko ba magkaibigan lamang sila? Bakit nababalisa na ang isang 'to?
Kinabukasan, nang magkita kami ni Villegas dahil may plano kaming uminom, at nagkataon na magkasama sila ni Cañares, agad kung piningot ang tenga ng lalaki. Nakatingkayad pa ako dahil matangkad siya. Mahina itong dumaing.
"U-ulan, aray!" aniya, nakiki-Ulan na rin dahil kay Glory Ginn.
"Gago, anong ginawa mo kay Glory Ginn?" I scoffed.
"Huh?" nanlambot agad ang boses nang marinig ang pangalan ng kaibigan ko, tila 'di ko piningot ang tenga. "Bakit? Anong nangyari kay Glory Ginn?"
"Aba malay ko sa'yo! Malay ko sainyo!" I rolled my eyes. "Mag-iisang linggo na atang malungkot simula noong huli kayong nagsama."
He cursed softly and even scratched his nape. I rolled my eyes again. May pag-aalala na ngayon sa mukha ng lalaki. Kaya maliit akong umismid at binalingan na si Villegas na tahimik lamang. Nakikinig sa amin.
"Tara na?" yaya ko sa kaniya.
"Uy, 'wag ka muna umalis, Ulan," parang batang sabi ni Cañares. "Samahan mo ako kay Glory Ginn..."
"Oh? Bakit magkikita na naman kayo? Malulungkot na naman 'yun," umirap ako. "'Wag ka nalang lumapit sa kaibigan ko kung pasasamain mo lang ang loob..."
"Shit naman..." he cursed underneath his breath. "Bakit daw malungkot?"
"Aba'y sabi sa'kin nasaktan ka raw niya. Ano bang ginagawa niyo kapag magksama at nagkakasakitan kayo?" kunot na ang noo ko.
Bumuntong hininga ulit si Cañares. Kung titignan ang hitsura niya, tila hindi siya matahimik dahil binabagabag na siya ng kung ano mang ka-multuhan sa mundo na meron sila ni Glory Ginn.
Imbes na kaming dalawa lang ni Villegas ang mag-iinom, napasama si Cañares. Kabado raw kamo siya at nahihiyang humarap kay Glory Ginn. Hindi rin kasi kami sa Cubao pumunta ni Villegas ngayon. Sa may Lacson lang, para 'di ganoon ka-layo. Kaya rin siguro sumama.
"Ulan, baka 'di na niya ako kausapin..." aniya, nag-aalala pa rin.
"Edi ikaw kumausap para kausapin ka," sagot ko.
Bumuntong hininga siya sabay lagok sa inumin niya. I shook my head mentally and glanced at Villegas. Halata sa mukha niya ang pagtataka. Tila ba nagtatanong kung bakit may bagay kaming alam ng kaibigan niya, pero siya 'di nainform.
"Hays. 'Di ako mapakali..." ani Cañares.
Umirap ako. "Cañares, ang sabi ko malungkot si Glory Ginn, hindi galit. 'Di ka kakainin 'nun."
Hindi na makalma si Cañares at niyaya pa akong maglaro ng ML, para raw ma-distract siya kahit papaano. Pero nabalik lang ang kaba niya nang tumawag si Glory Ginn sa kaniya habang naglalaro kami.
Hanep! Magkaibigan daw sila, pero bakit may pagtawag na? Ano 'to? Naglolokohan nalang ata kami rito. Glory Ginn, traydor!
"Alis na ako..." si Cañares at binigay kay Villegas ang inumin niya.
Tinapik niya sa balikat si Villegas. Pati ulo ko tinapik niya, ginulo pa ang buhok ko sabay sumibat na. Halos patakbo na siyang umalis habang kinakalikot ang cellphone niya. Inis ko namang hinawakan ang ulo ko.
"Gago 'nun ah. Akala ata sa'kin aso niya," marahas kong sinuklay ang buhok gamit ang kamay habang nakatingin pa rin sa direksyon na nilabasan ni Cañares.
Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok nang maramdaman ang kamay ni Villegas sa buhok ko. Tinutulungan niya akong ayusin iyon. Noong balingan ko siya, normal lang naman ang mukha niya. Tila normal lang sa kaniya na inaayos niya ang buhok ko.
Oo nga naman, kababata niya si Lindsay. Marahil ginagawa niya rin ito sa babae. Kaya sanay na rin siguro siya.
"Hindi ba dry buhok ko?" tanong ko nang ibaba niya ang kamay.
"Hindi naman," mataman niyang sagot. "Malambot."
"Goods. 'Di ko na nalalagyan ng oil. Akala ko nagdry na," usal ko.
"Kelan ka nagpakulay ng buhok?" he asked.
"Noong summer. Orange nga 'to e," share ko lang. "Tapos after one month pinalitan ko na naman... ito na siya, dark brown na may pulang highlights."
Tumango siya. "Hindi ka naman napapagalitan ng prof mo?"
Umiling ako. Hindi pa naman ako nasita. Kung masisita man ako, kukulayan ko rin naman agad ng itim. Atsaka, may nakikita rin naman ako na pumapasok na may kulay din ang buhok.
"Dati, buhok ko pinagtitripan ko e. Noong summer vacation noong grade 10, binleach ko'to e. Tapos ito," pinakita ko sa kaniya kaliwang tenga ko. "Dalawa ang butas."
Tahimik niyang sinusuri ngayon ang buhok ko pati ang tenga ko. Tila may kung anong pumapasok sa isip niya. Pero 'di ko makita roon na tila ba panget ang tingin niya sa'kin.
"Ganito ako kalungkot noon. Kung hindi buhok, tenga ko pinagtitripan ko..."
"How was it?" it was a genuine question from him.
"Masaya," sagot ko. "Dyeing my hair, piercing, were my ways to distract myself. To stop myself from harming myself..."
Humugot siya ng buntong hininga. "Everytime you're not feeling okay, take a deep breath. Calm yourself down. Seek for help, Rain. Call a friend..."
Maliit akong ngumiti sa kaniya at nilaro ang inumin ko.
"Wala akong makausap noon kapag malungkot ako e. 'Di ako friendly e... 'di rin ako naging open sa parents ko kapag nalulungkot ako..."
Maliit na tumaas ang sulok ng labi ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya.
"Pero noong nakaalis ako sa amin... alak na naging kaibigan ko bago sila Jordan. Ka-muntik na rin ako magyosi... naisip ko, baka mare-relax din ako 'nun. Kaso 'di ko matagalan amoy 'nun e. Naamoy ko palang iyon galing sa iba, halos 'di na ako makahinga..."
Hindi pa rin kumibo si Villegas. Maliit akong ngumisi at nagbaba ng tingin sa inumin ko. Nilaro ko ang bote ko at nag-angat ulit ng tingin kay Villegas. I sported a poker face.
"Turn off ka?" I asked.
"Hindi, Rain. Hindi," aniya.
I smirked a little. "Goods 'yan. Ano naman kung ma-turn off ka? I am not even trying to turn you on."
A ghost of smile was showing on his lips now. Napatingin pa ako sa may pisngi niya ng maliit iyong bumukol nang pasadahan niya ng dila ang panloob na pisngi. Lumaki ang ngisi ko at umirap sa kaniya.
"Puwede mo ako kausapin, Rain... anytime, anywhere..." aniya maya-maya. "Makikinig ako. Tawagan mo ako."
"Noted," I trailed off.
Binangga ko ang bote ko sa bote ni Villegas na nasa table lamang, 'di niya ginagalaw. Inangat ko rin ang bote at uminom doon. Binaba ko rin naman agad ang kamay at nilapag ulit ang bote sa mesa.
"Kaya mahalaga 'yun si Glory Ginn sa'kin e... she made me feel appreciated. Pakiramdam ko, may purpose na ako sa buhay," maliit akong ngumiti. "I treasured her a lot."
Bumuntong hininga ako. Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ko.
"Noong naging kaibigan ko si Glory Ginn, gusto ko siyang ipagdamot. Sabi ko, akin lang dapat 'to..." tumawa ako nang mahina.
Maliit na ngumiti si Villegas, tila namamangha sa'kin. Sinandal niya pa ang likod niya sa sandalan ng upuan at prenteng naupo roon, tila ba gusto niya pa akong magkuwento.
"E, lahat kinakausap 'nun e. Kaya nagulat ako, wala raw siyang bestfriend. Napa-volunteer tuloy ako," maliit akong umiling.
Before then, I never thought that she doesn't have a bestfriend. Approachable siya e, kahit ayaw mo, magiging kaibigan mo siya. Doon ko lang napagtanto, we can have random close friends. But bestfriend... someone that we can truly trust with everything... 'di iyon madaling hanapin.
"Sabi niya, Ulan daw itatawag niya sa'kin. Dahil may blessings daw na hatid ang ulan," I laughed with a bit humor. "Pero parang sa Rain lang naman niya kinuha. Tinagalog lang niya."
Glory Ginn is friendly, approachable and jolly to everyone... to her close friends. But she told me that she couldn't lift a finger to share what's hurting her. She kept on telling me how happy she is that I am here... when in fact, I should be the one saying that.
The moment I learned that she's keeping all the pain inside her alone, that was the moment I told myself to do my best to be there for her. I wanted to be there for her every now and then. 'Cause I don't want her to be like me. I don't want her to keep everything inside her alone.
"Gusto ko ipagdamot 'yun. Ayaw ko ibigay kung kani-kanino lalo na kung sasaktan lang nila. Pero napagtanto ko, 'di naman sa'kin si Glory Ginn. Glory Ginn was owned by Glory Ginn herself..."
"You can own me," he joked, mahina pang tumawa ang ugok.
"Gago," tumawa ako. "'Wag, kung may aangkin sa'yo, 'yung magandang kamay naman.'Wag sa'kin..."
"Bakit? I think your hand is good. You handled Glory Ginn with care," there was a ghost of smile on his lips. "Sa tingin ko, maganda naman ang mga kamay mo, Rain..."
![](https://img.wattpad.com/cover/262475445-288-k115408.jpg)
BINABASA MO ANG
Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)
Novela JuvenilSPSeries #4 : Across the Sky (Rainier's Story) 4 of 5. Trying to escape the sadness of reality, Lauraine Latisha, from PUP College of Engineering, just wanted to be drunk as fuck. 'Cause the bitter taste of alcohol was easier to swallow than the...