ATS: Chapter 17
"Papa, uwi ako this week."
Nasa labas ako ng silid ni Villegas. Nasa may hallway ako at tinatanaw ang mga gusali sa malayo. Hindi pa man ganoon ka-dilim ang langit, bukas na ang iilang ilaw. Natatanaw din ang telecommunication tower na may pulang ilaw sa tuktok. Malamig ang simoy ng hangin. Nililipad din noon ang buhok ko.
"Aasahan ko 'yan, tagal mong hindi umuwi..." aniya sa kabilang linya.
"Opo, Papa..."
"Bakit parang malungkot ka dyan, Latisha?" he sounded like a strict father. "Anong meron?"
"Hindi ako malungkot," sagot ko.
"E, bakit ganiyan ang boses mo?"
"Namimiss lang po kita, Papa," I said honestly.
What I learned from Villegas, that his father passed away when he was young affected me so much. My chest was so heavy that I ended up calling Papa. Nasa loob si Villegas at naghahanda na roon. Pinasok ko lamang sa loob ang bag ko at lumabas na para tawagan si Papa.
"M-miss ka rin namin dito. Tagal mo na namang hindi umuwi."
"Uuwi po ako, promise," I pouted. "Ingat ka dyan Papa."
"Ay, nag-iingat ako rito. Ikaw ang mag-iingat dyan at hindi ka namin nakikita."
Binaba ko na ang cellphone nang magpaalam na si Papa sa'kin. Bumuntong hininga ako at seryosong tinanaw ang mga gusali sa malayo. I was letting the cold breeze calm me down.
Ilang minuto rin ata akong naroon, nakuha lamang ng isang tikhim ang atensyon ko. Dahan-dahan akong lumingon habang nakapatong pa rin ang braso ko sa barandilya. Villegas was standing there. Nasa may pinto at pinapanood ako.
"Ayos ka lang?" he asked.
I let out a subtle smile. Nagthumbs ako bilang sagot. Dahan-dahan niyang hinakbang ang mga paa palapit sa'kin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinanood lamang siya. He went beside me. Pinatong niya ang dalawang siko sa barandilya habang nasa unahan namin ang tingin niya.
Hanggang leeg niya lang ako, kaya animo'y matayog siya sa paningin ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon na lamang sa harapan namin ang tingin ko nang lingunin niya ako.
"Ganda rito sa gusali mo," I said.
Dahan-dahan tumaas ang dalawang kilay ko nang may mapagtanto. Iyong header niya sa Twitter, dito iyon kinunan sa gusali ng apartment niya. Parehas na parehas ang view, nagkataon lamang na 'di pa ganoon ka-dilim ang langit ngayon.
Nilingon ko siya at tiningala. Nasa harapan na rin ang tingin niya.
"'Yung header mo sa Twitter, dito 'yun sa building mo kinunan ano?" I asked.
He nodded his head. "Pero sa may rooftop ko kinuha ang picture."
Namamangha akong tumango. "May apartment ka pala e. Bakit sa kanila Michael mo ako dinala noong naiwan ko ang susi sa kwarto sa dorm? Nadisturbo ko pa sila ng wala sa oras..."
Tumikhim siya at inayos ang pagkakatayo. "Naisip ko kasi baka gusto mong umidlip. I just don't want you to feel uneasy that we're alone together in my apartment... while you were sleeping."
Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa sagot niya. Umayos ako sa pagkakatayo at tinalikuran ang tanawin. Sinandal ko ang likod sa barandilya kaya nakikita ko na ngayon ang pintuan ng silid ni Villegas. Samantalang siya, nanatiling nakaharap sa mga gusali sa malayo. I folded my arms.
"Pero welcome naman ako rito?" I asked. "Kapag trip ko pumunta rito, 'di mo ako itataboy?"
"Hindi, Rain. You're welcome here..."
Ngumiti ako at tumango. "Salamat."
Umayos ako sa pagkakatayo nang may maalala. Inalis ko ang pagkakasandal sa barandilya at hinarap siya. Bakit nakalimutan ko iyong itanong sa kaniya kahapon? 'Di rin naman niya nabanggit.
"Oo nga pala... kahit ano ba ang kakantahin ko?"
Napatitig siya sa'kin. Tila ngayon lang din naalala. "Ang alam ko, oo... kapag walang nagrequest na customer..."
"Request? Sila 'yung pipili ng kakantahin ko kumbaga?" I asked. "Paano kapag 'di ko alam ang request nila? Sila nalang mag-aadjust?"
A small smile on his lips showed. Mahina rin siyang natawa. "You can say pass. Ask them another song, hanggat alam mo na ang request nila..."
Tumango ako, napaisip.
"'Wag ka mag-alala, ang first song, sa'yo galing," he added.
Noong umalis kami sa apartment ni Villegas, kasama na namin ang gitara niya. Sumakay kami ng jeep dahil nasa may unahan pa raw ang beer house. Halos malapit na nga ata iyon sa may Recto. Malayo sa gusali nila Villegas.
Pagbaba namin ng jeep, kinailangan pa naming maglakad. Ayos lang naman sa'kin, 'di naman hassle. Lalo pa at si Villegas ang siyang may dala noong gitara niya. Nakasabit ang strap ng gig bag ng gitara niya sa balikat. Tila pumares ang itim na lagayan ng gitara niya sa itim din niyang t-shirt.
Nilingon ko siya at tiningala. Nasa may unahan lamang ang tingin niya. Naiilawasan ng kahel na lamppost ang mukha niya. Madilim na ang langit at bukas na ang mga ilaw sa paligid.
"Ang ganda ng mga serbisyo mo sa'kin," I trailed off when he looked at me. "Baka masanay ako na nasa tabi kita palagi," a small smirk was showing on my lips.
Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at itinuon na iyon sa harapan namin. Inalis man ang atensyon sa kaniya, ramdam ko na nakatingin pa rin siya sa'kin.
"Hanggat andito naman ako, you can always count on me, Rain..."
"Kaya nga, baka masanay ako," my smirk grew wider. "Tapos kapag wala ka na, baka hindi na ako marunong magbilang."
Hindi ganoon ka-layo ang nilakad namin at nakarating din sa beer house. May iilang tao sa may labas ng beer house at nagyoyosi. Pasimple kong inangat ang kamay ko para takpan ang ilong, nang hindi ko iyon maamoy kapag nakalapit na kami sa kanila.
"Rain..." he called.
"Oh?"
Nang lingunin ko si Villegas, nakalahad na sa harapan ko ang puti niyang panyo. Iyon iyong panyo na kinuha niya sa hanger clip na nasa maliit na sala ng apartment niya kanina. 'Di niya pa iyon nagagamit. Saglit ko siyang tiningala, kaya sinenyasan niya ako na kunin ko raw iyon.
Hindi nalang ako nagsalita at tinanggap iyon. I used his white handkerchief to cover my nose. Ngumiti siya sa'kin, sabay pasada ng isang kamay sa undercut niyang buhok. Nag-iwas lang ako ng tingin nang basain niya ang pang-ibabang labi.
Nang makapasok kami sa beer house, maraming customer doon. Kulay kahel din ang ilaw sa loob. May mga frames na nakasabit sa pader, mga quotes iyon tungkol sa beer. May maliit din na platform sa unahan. May mic stand doon at high stool na upuan. Wala pang nagpe-perform.
"Upo ka muna, Rain," nilahad ni Villegas ang isang upuan na malapit sa entrada. "I'll just inform my friend."
Tumango ako at umupo nalang din. Pinanood ko siya nang umalis na siya sa harapan ko. Nakasabit pa rin sa balikat niya ang gig bag. Pumasok siya sa isang pintuan, tila office ata 'yun. May nakalagay sa pintuan na 'staff only' sign.
Hindi pa ata nag-iisang minuto noong lumabas na sa pintuan si Villegas, may kasama na. Ngiting-ngiti ang lalaki habang may sinasabi. Tila ba miss na miss niya si Villegas. Bakas ang galak sa mukha nito.
Bumuka ang bibig ni Villegas, may sinasabi na. Iyon ang rason kung bakit napatingin sa'kin ang lalaking kasama niya. Tinaas ng lalaki ang kamay niya sa akin, na tila binabati ako. Tumango ako sa kaniya.
Nilahad agad ng lalaki ang kamay sa'kin nang makarating sila ni Villegas sa puwesto ko. Tinitigan ko ang kamay niya bago ko iyon tinanggap.
"For Kagawad?" I trailed off.
Natawa siya. "Joey."
"Rain," I introduced.
Tinago niya sa likod niya ang kamay nang magbitaw na kami. I glanced at Villegas who's watching us silently. Binalingan ko rin naman agad si Joey nang magsalita siya.
"Sakto ang paglapit ni Rainier sa'kin, 'di makakarating iyong isa sa kakanta ngayong gabi," aniya. "Salamat."
Maliit akong ngumisi sa sinabi niya. "Ako kamo dapat magpasalamat."
Nakipag-usap sa amin si Joey habang nasa mesa kami. Nagkuwento rin si Joey tungkol sa mga pinagsamahan nila ni Villegas noong Junior High. Nagtatrabaho pala ang lalaki rito para pantustos sa pag-aaral. Sa pribadong escuelahan siya nag-aaral, at may binabayarang matrikula.
Lima kaming magpe-perform, pangatlo ako. Grupo ang siyang huling kakanta. Madalas daw ang grupo na iyon dito. Pangarap daw nilang maging kilalang banda. Kaya madalas daw silang magperform. Hindi lamang sa mga bahay inuman kundi sa mga maliliit na party.
Naiwan kami ni Villegas sa mesa nang magpaalam na si Joey. Isa siya sa mag-aasikaso ng mga kakanta ngayong gabi. Nasa may harapan ng platform naka-puwesto ang iilan sa mga kakanta. Ako naman, pinili kong manatili sa inuupuan namin ni Villegas.
"Gago, kinakabahan ako," tinapik ko siya sa braso.
"Sa may harapan ako uupo mamaya," aniya.
"Gagi 'wag, mahihiya ako," umirap ako sa kaniya. "Dito ka na, medyo madilim dito. 'Di kita makikita."
Umusbong lalo ang kaba sa dibdib ko nang nasa panghuling kanta na ang unang performer. Lalaki iyon. Maganda at malamig ang boses niya. Tinitilian pa siya kapag malapad na ngumingiti dahil may dimple.
"Broken 'to oh! Single na single!" sigaw iyon ng isa sa mga customer na nasa may harapan naka-upo.
Nanlamig ang mga kamay ko pati ang talampakan nang matapos na sa pagkanta ang pangalawang performer. Pumunta na rin si Joey sa platform. Alam ko na agad na tatawagin niya ako at ipapakilala.
Tumayo si Villegas sa upuan at lumapit sa'kin. Nilahad niya ang kamay, sa sobrang kaba ko, tinanggap ko 'yun. Alam ko na agad na ramdam niya na malamig iyon. I felt him squeeze my small hand. Sinabayan niya ako sa pagpunta sa harapan. Siya rin ang may hawak ng gitara.
"S-sa may likod ka lang Villegas ha..." pakiusap ko.
"Oo, ihahatid lang kita," aniya.
Nakatingin ang customers sa amin ni Villegas. May iilan na pumapalakpak na kahit 'di pa ako kumakanta. Ang iba tahimik lamang. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang maramdaman ang mariing pagpisil ni Villegas sa kamay ko. I unconsciously squeeze his big hand too.
BINABASA MO ANG
Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)
Novela JuvenilSPSeries #4 : Across the Sky (Rainier's Story) 4 of 5. Trying to escape the sadness of reality, Lauraine Latisha, from PUP College of Engineering, just wanted to be drunk as fuck. 'Cause the bitter taste of alcohol was easier to swallow than the...