Thirty

49 1 0
                                    

ATS: Chapter 30


"Alin sa tatlong 'yan ang may gusto sa'yo, Latisha?"


Tinuro ni Gino ang cellphone ko, naroon ang picture nila Jordan. Nakabad finger si Joaquin sa picture habang naka-akbay kay Jordan na seryoso lamang, si Justin naman naka rock n' roll ang kamay.


"Wala," sagot ko at inubos na ang Delight.


Nasa convenience store kami na malapit sa bahay. Wala sila Papa sa bahay ngayon, pumunta sila sa bahay ng Mama ni Tita Yssa. Kasama nila si Ara. Uuwi rin mamaya. Kami ni Gino ang naiwan sa shop kanina. Noong sinara namin, dumiretso na kami rito sa convenience store.


It's been days since that family reunion. It's been days since I've got hit by a stick. Ang mga unang araw ng sembreak ko, nasa kanila Mama ako. Wala na rin naman ang mga kamag-anak doon dahil 'di naman araw-araw family reunion. Kaya balik na sa normal ang bahay.


The scratch I got from being hit by a stick was gone as well. It didn't leave a mark on my face fortunately. It wasn't deep. Pero nakita iyon ni Mama dahil 'di naman iyon nawala kinabukasan din. E, kinabukasan noon umuwi ako ng Bulacan.


Mama asked me what happened to my face. I ended up lying and told her that I accidentally scratched it. It was not a big deal for me. 'Di naman iyon ang klase ng sugat na 'di maghihilom. And I think, I deserve that too. Or maybe not. It was an accident in the first place.


Kahapon ako umuwi sa kanila Papa. I'll be spending the rest of my sembreak here. Babalik nalang ako sa kanila Mama bago ako bumalik ng Maynila. Sembreak din ni Gino kaya madalas siya sa shop.


"Lakas ng trip mo, Ambrogino," umismid ako sa kaniya.


"'Di ako naniniwala na sa tatlong 'to walang nagkakagusto sa'yo," aniya sabay zoom ng picture. Tinapat niya iyon sa mukha ni Joaquin. "Ito no?"


"Gago, may nililigawan na 'yan," umirap ako.


Nilipat niya sa mukha ni Justin. "E, ito?"


"Tanga, YOLO 'yan, 'di magsasayang ng oras sa'kin para manligaw. Sabi sa'yo wala e. Mas marunong ka pa sakin?"


"Oh, teka lang, may isa pa," zinoom niya ang mukha ni Jordan kaya umirap ako. "Feeling ko ito. Hitsura niya rito, 'di nakangiti. Para siguro magmukhang cool."


"Gagong-gago ka na ba? Pati mga tropa ko pinagtitripan mo," umirap ako sa kaniya. "Aral na aral sa buhay ang isang 'yan."


"Malay mo, ikaw na susunod na aralin?" he arched a brow.


"Ewan ko sa'yo!" umirap ako.


"Gagalit naman 'to. Nagtatanong lang," maliit siyang sumimangot.


"E, sinabi ko ngang wala diba? Paulit-ulit. Kakabadtrip."


Parang batang ngumuso si Gino, nakatitig pa rin sa picture namin nila Joaquin. Nakita lang niya ang picture na 'yun sa cellphone ko, bigla nalang nagkaroon ng interes. Kanina pa niya kinakalikot ang gallery ko.


Lumabas din naman kami ni Gino sa convenience store. Tahimik na ang kalsada at bukas na ang mga lamppost. Maliwanag na maliwanag ang kalye dahil sa mga Christmas lights na nakasabit. Buwan na ng Oktobre, kaya nag-umpisa nang maglagay ng palamuti ang iilan.


Kahit sa bahay nila Mama at Papa meron na rin. Sa may bakuran nga nila Mama may engrandeng Christmas lanterns. Sa kanila Papa naman simple lamang. Damang-dama ko na tuloy ang pasko ngayong taon. 


"May tanong pa pala ako," ani Gino maya-maya.


Agad na nangunot ang noo ko at tiningala siya. "Ano? Kapag tungkol na naman sa gusto ko, tatampalin na kita."


"Tungkol nga dun," tumawa siya.


"Gago, Gino, tama na," animo'y na-stress ako.


"'Di, itatanong ko lang, kasi sabi mo wala sa kanila ang may gusto sa'yo. E, ikaw? Baka may gusto ka sa isa sa kanila?"


Agad na naging lukot ang mukha ko. "Gino, sapakin mo nalang ako."


Natawa siya kaya umirap ako at tinignan ang anino namin na nasa harapan. Ihahatid lamang niya ako pauwi sa bahay at uuwi na rin siya sa kanila. Malapit lang naman ang convenience store sa bahay. Kayang-kaya ko umuwi mag-isa pero hinatid pa rin niya ako. Wala naman daw siyang gagawin.


Natatanaw na namin ang bahay nang muli na namang magtanong si Gino. Pinanliitan ko siya ng mga mata kaya ngumuso siya. Maliit akong umirap sa kaniya.


"Alam mo ba bakit kita tinanong kung sino sa mga lalaking 'yun ang may gusto sa'yo?"


"Isusumbong mo siguro ako sa Papa ko," umismid ako. "Ichi-chismis mo no? Tapos magpapabayad ka sa kaniya?"


"Hindi," tumawa siya. "Sa tatlong yun, walang may gusto sa'yo talaga?"


"Ambrogino, ano ba?!" 

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon