Twenty-eight

42 1 0
                                    

ATS: Chapter 28


"Rain? Anong meron?" 


Kumurap ako nang ipatong ni Villegas ang kamay sa balikat ko. I lowered my gaze. Tinitigan ko ang kalsada. Ayaw nang makita at masaksihan pa ang pag-alis ni Andrew. Lalo lamang akong malulungkot. Did I hurt him? But... I didn't want that.


Tumikhim ako. "Inom tayo?" tiningala ko si Villegas.


Ang seryoso niyang mukha na nabungaran ko paglabas ng 7/11, nagbago na. May pag-aalala na roon ngayon. Hilaw akong ngumiti sa kaniya at pinisil ang braso niya. Sinulayapan niya ang kamay ko.


"Kahit canned beer lang..." I was like a child.


Dahan-dahan siyang tumango, bakas pa rin ang pag-aalala. Lumunok ako at dahan-dahan nang pinasok ang cellphone sa bulsa. Nanguna na rin ako sa paghakbang patungo sa Pureza Station. Hindi na nagtangkang lingunin pa si Andrew. Kahit alam kong nasa malayo na siya ngayon.


Nang makarating kami ni Villegas sa Legarda, dumaan kami roon sa binilhan namin ni Michael ng chicken wings noong pumunta ako sa apartment ni Kasha. Bumili kami ng sweet and spicy chicken wings at apat na canned beer ni Villegas. 


Pansin ko ang panaka-nakang pagsulyap ni Villegas sa'kin. Tila ba malalaman niya kung anong nagyayari sa'kin sa ganoon paraan. Diretso lang naman ang tingin ko sa daan. Iniisip pa rin ang biglaang text ni Andrew na gusto niya ako. How?


Paano niya ako nagustuhan? E, palagi ko nga siyang binabara kapag magkasama kami. At higit sa lahat, bilang lang sa mga daliri ko ang mga pagkakataon na kasama ko siya. Madalas pa nga, coincidence lang. Kaya paanong ako ang gusto niya?


"Rain? What's on your mind?" pagkuha ni Villegas sa atensyon ko. Hawak niya ang brown paper bag kung nasaan ang binili namin. "Are you okay?"


Tipid na ngiti lamang ang sinagot ko sa kaniya. Inalis ko na rin naman ang tingin sa kaniya at binalik sa dinadadaanan namin. Medyo maingay ang paligid dahil sa mga sasakyang dumadaan. Kombinasyon ng lilac at kahel na rin ang kulay ng langit. Magdidilim na ito maya-maya.


Dahil gusto kong magpahangin, umakyat kami ni Villegas sa rooftop pagkatapos namin ipasok ang mga bag sa loob ng apartment. Dala namin ang binili naming pagkain at maiinom.


Bukas na ang mga ilaw sa gusali sa malayo kahit 'di pa naman ganoon kadilim ang langit. Nagpakita na rin ang buwan at iilang mga bituin. Ramdam na rin ang panggabing hangin.


Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam pang-ilang buntong hininga na 'to. Iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon. Masyado pa rin akong nagulat sa pag-amin ni Andrew. Siya ang pinaka-unang lalaking umamin sa'kin. I don't know how to react. 


"Villegas..." I called.


"Hmm? What is it Rain?" kalmado ang malalim niyang boses.


"Kung magugustuhan mo ako... bakit?" I arched a brow.


Maliit na umawang ang labi niya, 'di inaasahan na ganoon ang lalabas sa bibig ko. Bumuntong hininga ako at umiling. Tinaas ko rin ang kamay ko sa tapat ng mukha niya. Pinipigilan siyang sumagot.


"Never mind. 'Wag mo na isipin," I said and drink on my beer.


I sucked my inner cheek after drinking. Tumulala ako sa pinaka-mataas na gusali na natatanaw mula sa rooftop. I was trying to collect my inner self back. The night breeze was kissing my face. It was cold.


"Villegas..." I called again. Sumimangot ako. "Anong gagawin ko?"


"Anong meron, Rain? May natanggap kang text kanina. Tungkol ba roon?" he asked.


I nodded my head and bit my upper lip. Bumuntong hininga ako ulit. Nilingon ko siya habang nakasimangot ako. He scanned my face that made me frown even more. My chest was so heavy. I just rejected someone, tangina.


"Si Andrew..." I sighed. "Sabi niya, gusto raw niya ako..."


Saglit na nanatili ang paninitig niya sa'kin. Ngunit nag-iwas siya ng tingin. "Really?"


"Ang bilis naman niya akong nagustuhan. Kakikilala lang namin ngayong taon..." I frowned even more.


Binalik niya ang tingin sa'kin. Binasa niya ang pang-ibabang labi. "May ibang tao, Rain, nagkakagusto sila at walang pakealam kung masyado pang maaga. 1% believes that we can fall in love in just a split second.

Bumuntong hininga ako at pumikit. Ibang-iba ang pakiramdam ko na umamin sa'kin si Andrew kesa sa naramdaman ko noong si Krisostomo ang umamin. Galit ako kay Krisostomo. Kay Andrew, nagulat at nalulungkot.


I bit my upper lip harder. "H-hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya gusto sa paraang gusto niya ako. And I don't want to say sorry, it might hurt him even more."


"You feel bad, but it's not your fault that you can't reciprocate his feelings," aniya, kaya nagbaba ako ng tingin.


 "Napakasayang naman niya, sa'kin siya nagkagusto..." I sighed with disbelief.


Villegas shifted on his seat. "Don't say that, Rain."

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon