ATS: Chapter 7
Ngumisi ako at umayos sa pagkakatayo. Tumunog ang nagdikit na mga palad ni Justin at Joaquin matapos mag-high five. Kanina pa nila kami pinapanood ni Villegas na maglaro. Magaling naman si Villegas, aaminin ko. Pero 'di naman ako nahirapan.
"Oh! Panalo si Rain ha! Kaya magpapa-inom ka!" si Joaquin at pumalakpak pa matapos ituro si Villegas.
"Gago," sambit ko at inayos ang pagkakahawak sa tako.
"Rainier! Bakit ka nagpatalo?!" si Jericho na siyang kasama ni Justin at Joaquin na pinapanood ang laro namin ng kaibigan niya. "Sadya ba? Sinadya mo, Nier?!"
Naiatras ko ang ulo ko at tinignan sa mukha si Jericho dahil sa sinabi niya. Para namang sinasabi niya na kaya ako nanalo dahil sinadya ng kaibigan niyang magpatalo? Cute naman pala ng isang 'to e.
"Hindi. Magaling talaga siya," si Villegas kay Jericho.
Binalingan ko si Villegas dahil sa sinabi niya. Tumango siya sa'kin, tila pinupuri ako. Tinaas ko lang ang sulok ng labi ko. Nilapag ko na rin ang tako sa billiard table. Pinagpagpag ko ang kamay ko na tila ba may alikabok doon.
Lumapit si Jericho kay Villegas. May sinasabi na naman siya kay Villegas. Kaya lang 'di klaro, kaya 'di ko gaanong maintindihan. Ang naintindihan ko lang, iyong pagtatanong niya ulit kay Villegas kung talaga bang 'di sadya na nagpatalo siya sa'kin.
"Baka nagpatalo ka lang dahil si Lauraine kalaro mo ha," 'di iyon nakatakas sa pandinig ko. "Alam ko namang ano pre... pero dapat..." 'di ko na narinig ang karugtong ng sinabi niya.
Mabilis na umakbay sa'kin si Joaquin nang makalapit. Hindi ko agad naialis ang akbay niya dahil nakatingin na ako kay Villegas.
"Galing mo talaga, Rain!" si Joaquin.
Napatingin sa amin si Villegas kaya inalis ko ang tingin sa kaniya. Inalis ko rin ang akbay ni Joaquin sa'kin. Lumapit na lamang ako sa isa sa mga butas ng billiard table. Kinuha ko ang mga bola na nasa loob ng butas. Pinagulong ko ang mga iyon papunta sa gitna ng table.
Tinulungan ako Justin at kinuha rin ang iilang bola sa butas ng table kung saan siya malapit. Si Joaquin naman masiglang nakipag-usap kay Villegas. Pinagyayabang ako ng kaibigan sa lalaki. Narinig ko pang sinabi niyang sobrang galing ko raw talaga, dahil 'di nila ako matalo-talo.
"Kaya nga sobrang dalang lang kami nakakainom na libre niya e," rinig ko pang sabi ni Joaquin. 'Di ko nalang sana papansinin at babalingan kung 'di niya dinagdagan ang sinabi. "Mukhang magpapainom ka. Kasi natalo ka niya."
"Hoy, Gago!" muntik ko pa siya batuhin ng bola kahit pabiro lang ang pagkakasabi niya. "Manahimik ka nga!"
"Sige. Ayos lang," sagot ni Villegas at nilingon ako.
Agad kong naibaba ang kamay na may hawak na bola dahil sa sinabi niya. Gago? Nakumbinsi siya ni Joaquin? Kahit nagbiro lang ang ugok ko na kaibigan? At 'di rin naman kami nagpustahan nito ni Villegas na magpapa-inom ang talo. Simpleng laro lang naman. Ako nga may utang sa kaniyang beer.
"'Di na," I snorted. "'Wag ka nagpapaniwala dyan."
"Ayos lang sa'kin," ani Villegas ulit.
"Oy, Rain!" pinanlakihan ako ng mata ni Joaquin. Tila sinasabing 'wag ko raw sayangin ang opportunity. Libreng alak din daw 'yun. Sayang. "Papayag 'yan si Rain. 'Di tumatanggi ng alak 'yan."
"Walanghiya talaga 'to si Quin," lumapit si Justin sa'kin, may hawak na striped ball. " Akala ata tropa niya."
"Manahimik ka Joaquin. Ikaw lang ata may gustong uminom," sambit ko.
"Oy, 'di ah! I swear!" tinaas pa niya ang kanang kamay.
Maliit lang akong umismid at tumungo sa ibang butas pa ng table. Kinuha ko ang mga bola sa loob ng butas na iyon. Napansin kong pinatong ni Villegas ang tako na hawak niya sa billiard table, pero 'di ko na pinansin.
Lumipat na naman ako sa ibang butas para kunin ang bola roon. Napahinto ako sa pagkuha maya-maya nang maglakad papunta sa direksyon ko si Villegas. Huminto siya sa isang butas ng table na malapit sa'kin. Pinasok niya ang kamay sa butas na hindi inaalis ang tingin sa'kin.
"Ayos lang sa'kin, Rain," malalim ang boses niya.
"Rain nalang ah? Close ba tayo?" 'di ko naiwasang sabihin, napangisi pa ako.
His lips were in a grim line but later on, a small curve was formed on his lips. Inalis niya ang tingin sa'kin at itinuon sa butas. Tahimik niyang kinuha ang mga billiard balls sa loob 'nun.
"'Di mo ako sisingilin?" tanong ko at inalis ang tingin sa kaniya.
"Saan?"
My upper lip rose. "Cute mo naman."
Mahina siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kaniya. Inalis niya agad ang tingin sa'kin at pinagulong sa billiard table ang isang solid ball na nakuha niya sa butas. My smug smile grew wider. Mukhang 'di naman pala big deal sa kaniya na kinuha ko ang canned beer niya noon. O baka dahil matagal na rin. Kaya 'di na niya iniisip.
"Ikaw?" I uttered that made him look at me again. "G ka talaga?"
"G," mataman niyang sabi at tumango.
"Ge. Mamaya agad? Mga hapon? Ano oras ba uwian mo?" tanong ko.
"Alas tres."
"Ah, alas singko ako e," naglakad ako papunta sa isa pang butas ng billiard table. Iyon nalang din ang butas na may bola. Tahimik siyang sumunod. "Pero baka 'di rin muna uubusin ng prof oras niya. First meeting din namin e."
"Ayos lang sa'kin. Tumatambay naman ako sa dorm na kaibigan ko."
Tumango ako. "Ayos lang talaga sa'yo? 'Di mo naman ako kilala."
"'Di ka naman masamang tao," sagot niya agad.
I was taken aback. 'Di ako agad nakasagot dahil sobrang bilis niya agad iyong sinabi. Na para bang 'di ko inagaw 'yung canned beer niya at inuwi. Nilandas ko ang dila sa panloob na pisngi at nagkibit ng balikat.
"'Di ka sure. Kinuha ko nga canned beer mo noon e," usal ko at pinagulong ang solid ball na nakuha sa butas.
Nauna kaming lumabas ni Justin at Joaquin sa bilyaran. Maglalaro pa raw kasi si Villegas at Jericho. Ang usapan namin ni Villegas, hihintayin daw niya ako sa may convenience store. Inaasar-asar pa ako Joaquin na pa-ayaw-ayaw pa raw ako, pero pumayag din naman.
Sa dorm ako dumiretso dahil matagal pa ang pangalawa kong subject. Tahimik sa dorm namin dahil may mga pasok din sila. Wala rin si Glory Ginn sa kwarto. Pero may iniwan siyang pagkain sa study table. Dalawang styro iyon ng tapsilog. May nakalagay pang note na kakaltukan daw niya ako kapag 'di ko kinain 'yun.
Umalis din naman ako sa dorm ng mga alas dos para pumunta ng CEA. Hindi ko na nakita sila Justin at Joaquin. Pati si Jordan ay 'di ko rin nakita simula noong umaga. Hindi ko kabisado mga schedule nila pati ang mga room. Kaya 'di ko na naisip na puntahan sila.
Tulad nang inaasahan, hindi pa rin nagdiscuss ang prof namin. Siya pala ang prof namin sa Calculus 1. Nagkuwento rin siya sa amin kung ilang taon na siyang nagtuturo. Tuwang-tuwa sila Ashley sa kaniya dahil inspiring ang kuwento niya. Ayaw na ayaw daw kasi ng prof namin noon ang Math. Kaya 'di raw siya makapaniwala na 'yun na ang paborito niyang subject ngayon.
"Ay, Sir. Oo nga pala," si Ashley. "Bakit po tinawag na Basic Calculus kahit hindi naman po basic? Sobrang hirap, Sir."
Nagtawanan ang iilang blockmates namin dahil sa tanong niya. Tumaas naman ang sulok ng labi ko habang nakatingin kay Ashley. Medyo salubong na ang kilay niya ngayon.
Nang i-dismiss kami, naglakad na ako papunta sa 7/11. Nagchat ako sa GC namin nila Jordan. Nasa klase pa nga sila. Kaya nagsabi nalang ako sa kanila na mauuna na ako. Wala pang nagse-seen sa'kin. Mukhang seryoso sila sa buhay.
"Kanina ka pa?" tanong ko kay Villegas.
Nakatayo siya sa may gilid. Sa labas ng 7/11 niya ako hinintay. Inaasahan kong kasama niya iyong tropa niyang si Jericho. Pero siya lang mag-isa.
"Hindi naman," sagot niya at umayos sa pagkakatayo. "Tara?"
"Tayo lang?" tanong ko. "Saan 'yung tropa mo?"
"Hindi sasama," maikli niyang sagot.
"Lah, hanep naman. Edi tayo lang?" tumaas ang kilay ko.
"Hindi ba sasama 'yung mga kaibigan mo?" tanong niya.
"Hindi e. May mga klase sila," sagot ko. "Akala ko kasama natin 'yung kaibigan mo. Hanep naman sa'yo. Alam ba 'to ng girlfriend mo?"
Saglit na gumuhit ang kunot sa noo niya bago umiling. "Wala akong girlfriend..."
"Gago? Sino pala 'yung kasama mo kaninang umaga rito sa 7/11?"
"Savanna?" aniya, tila inaalala.
"Malay ko. Kilala ko ba 'yun. Alam ko ba pangalan nun?"
Umiling siya at umayos sa pagkakatayo. "She's a friend. Hindi ko siya girlfriend."
In-obserbahan ko muna ang mukha niya. Para lang masiguro ko na nagsasabi siya ng totoo. He looked innocent while letting me observe him. Nagkibit ako ng balikat. Mukhang totoo naman.
"Kaninong girlfriend pala 'yun? Kay Jericho?" tanong ko.
"She's single. Kaibigan namin siya ni Jericho."
Tumango ako. "Ah."
Sa Cubao namin naisip pumunta. Hindi rin niya alam saan pupunta, ako pa ang pinag-isip niya. Pumayag din naman siya agad sa sinabi ko. Sa Cubao na ang naisip ko, roon sa pinuntahan din naman na Roofdeck Restobar nila Jordan.
Mabilis kaming nakarating doon dahil sumakay kami ng tren. Tahimik lang siya habang naglalakad kami. It was obvious that he wasn't suspicious of me. Grabe naman magbigay ng tiwala ang isang 'to? Wala atang trust issue? 'Di pa ata nasisira ang tiwala kaya ayos lang sa kaniya na kasama niya ako.
"Hoy, umayos ka. Hindi puwedeng sumama ka lang sa kung sino-sino. Lalo na sa mga bago mo palang nakilala. Paano kung gago ako?" hawak ko ang bote ng Colt 45 na nasa mesa.
Onti-onti nang nagiging kulay kahel at lilac ang langit. Maggagabi na. May iilan na ring tao rito sa Roofdeck Restobar. Malapit sa glass wall railing ang upuan namin. Kaya naririnig ko ang mahinang ingay na ginagawa ng mga sasakyan sa baba. Masarap din ang sariwang hangin.
"Paano kung scammer ako?" I scoffed. "Edi na-i-scam na kita."
"Hindi naman. Ikaw nga nagbayad," nginuso niya ang bote ng inumin niya.
Ako na ang nagbayad ng inumin namin para na rin mabayaran ko iyong beer in can niya na kinuha ko. Umapila siya, pero wala ring nagawa. Biniro ko nalang na sa susunod, siya na ang magbabayad.
"Nasa akin pa pala 'yung lata ng beer mo," pag-iiba ko sa usapan. "'Di ko sadya 'yun. Nagmamadali kasi akong umalis noon. Pasensya na, 'di naman sadya."
May maliit na guhit ng ngiti sa labi niya bago tumango sa'kin. Inangat niya ang bote ng inumin at lumagok doon. Ngumisi ako at inangat din ang bote ko. Lumagok ako roon nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Mahilig ka rin ba uminom?" tanong ko matapos tumungga.
"Hindi naman. Kapag trip lang namin ng mga kaibigan ko. O 'di kaya kapag may okasyon."
"Ah," tumango ako. "Ako hilig ko e. Mas tubig ko pa ata 'to."
"Medyo kalmahan mo lang. Masama ang sobra," malalim ang boses niya.
I shrugged my shoulders. "Mahilig ka rin magbilliards?"
Tumango siya kaya tumango-tango rin ako. "Boyfriend ni Ate, naglalaro. Sa kaniya ko natutunan."
"Hmm," I nodded. "Bonding namin ni erpat noon ang billiards. Siya nagturo sa'kin."
"Magaling pala siya..." sumandal siya sa sandalan ng upuan niya.
"Talaga!" tunog nagyayabang na ako. "Magaling 'yun si Papa. Nagagalingan sa'kin 'yung mga tropa ko, 'di pa kasi nila nakikitang maglaro si Papa. Halimaw 'yun. Paano, tambayan din niya noon sa bilayaran e, kasama kaibigan niya," tukoy ko sa Tatay ni Gino.
Napansin kong seryoso siyang nakikinig sa'kin habang prenteng nakasandal sa upuan niya. Kaya kahit gusto ko pa magkuwento, nanahimik na lang ako. Inabot ko ang bote ng Cold 45 at muling tumungga roon.
"Lauraine," I trailed off after drinking from my bottle. "Lauraine Latisha Gomez. Pero 'wag mo ako tatawaging Latisha. Pang-cute lang 'yun, 'di ako cute. Ikaw?"
Umalis siya sa pagkakasandal sa upuan. "Luan Rainier Villegas."
Maliit na tumaas ang sulok ng labi ko. "Villegas itatawag ko sa'yo. Kasi 'di naman tayo close."
Tumango siya sa sinabi ko. "Ayos lang."
"Freshman. Civil Engineering."
"Sophomore. Civil Engineering," aniya.
"Nice," dinilaan ko ang pang-ibabang labi. "Ga-graduate tayo. Cheers!"
Inangat niya rin ang bote niya at mahinang binangga iyon sa bote ng Colt 45 ko. Ngumisi ako nang ilayo ko ang bote ko. He smiled a little. Tumango ako at muli nang tumungga sa bote. Pinanood niya ako saglit, pero tumungga rin.
Tuluyan nang gumabi nang umalis kami ni Villegas sa Roofdeck Restobar. Sumakay lang kaming dalawa ng jeep dahil sarado na ang train station. Ayos lang naman sa'kin dahil 'di naman ito ang unang beses na magje-jeep ako pauwi.
Ang sakit sa ulo at mata noong ilaw sa loob ng jeep. Paiba-iba 'yun. May asul, berde at pula. Malakas pa ang tugtog na halos rap. Mabuti nalang nasa pinaka-dulo ng jeep ako naka-upo. Iyong nasa may pintuan mismo. Kaya kinakalma ako ng panggabing hangin.
Nasa tapat ko naka-upo si Villegas. Siya rin ang naka-upo sa may bandang pintuan ng jeep sa kabilang hilera. May katabi kasi ako, kaya 'di na siya sumingit. Sa hilera naman niya, nasa lima lang sila.
Hindi rin naman kami makakapag-usap. Kaya pinili ko nalang pumikit para umidlip. Naka-idlip naman ako kahit 'di nakakaantok ang tugtog. Noong magising ako, naging kalmado na ang kanta. OPM iyon.
Wala na si Villegas sa tapat ko. Kung 'di ko pa siya nilingon, na nakaupo na pala sa tabi ko, aakalain kong bumaba na siya. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira, o kung saan siya bababa. Kaya 'di ko alam kung mas mauuna ba siyang bababa kesa sa'kin.
"Namasahe na ako. Bayad ka na," aniya.
"Ah sige. Utang nalang muna."
"'Wag mo na bayaran."
"'Di 'wag," sagot ko.
Tumingin na ako sa labas ng jeep. Malapit na pala kami sa Pureza. Mabuti nalang nagising ako.
"Saan ka pala bababa?" baling ko sa kaniya. "Pureza ka rin?"
"Oo."
"Tao ka uy," ngumisi ako.
Inalis ko rin ang tingin sa kaniya. Parehas pala kaming sa Pureza. Kaonti nalang ang tao sa jeep. Hindi man lang ako nagising nang magsibabaan ang iba. 'Di ko nga naramdaman na bumaba na iyong katabi ko kanina. Kaya napalitan siya ni Villegas.
Bumaba na kami ni Villegas sa jeep nang makarating sa Pureza. Nakasunod lang siya sa'kin. Kaya naisip ko baka sa may unahan din siya banda. Huminto siya sa paglalakad nang madaanan namin ang 7/11.
"Bibili lang ako tubig," aniya. "Pasok ka?"
"'Di na. Dito na kita hintayin sa labas."
Tumango siya at mabilis na pumasok sa 7/11. Inalis ko ang tingin sa pintuan ng 7/11 at tamad na binaling ang atensyon sa dumaan na tricycle. May iilan ding dumadaan. Buhay na buhay pa rin ang Pureza dahil na rin ingay ng mga sasakyan at mga ilaw na binuksan.
Napatingin ako ulit sa 7/11 nang may maisip. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa pinto. Naisip kong bumili nalang ng pagkain namin ni Glory Ginn. Nasa may fridge ko naabutan si Villegas. Sinasara niya iyon nang mapansin niya ako.
Lumabas din naman kami maya-maya ng 7/11. Dalawang bottled water ang kinuha niya. Para sa'kin daw iyong isa. Ako na sana ang magbabayad 'nun, noong bayaran ko ang pagkain namin ni Glory Ginn. E, ayaw niya e. 'Di ko nalang pinilit.
"Ano 'yan? Suhol?" usal ko pero tinanggap din naman ang tubig. Nasa labas na kami ng 7/11. "Next time, libre kita ice tubig."
Umalis din naman kami sa tapat ng 7/11 at nag-umpisa nang maglakad. Nakasunod pa rin siya sa'kin. Kahit noong matanaw ko na ang lamp post na siyang pinakamalapit sa dorm namin, nakasunod pa rin siya sa'kin. Kaya inisip ko, baka sa may unahan pa ng dorm namin siya nakatira.
"Ge, salamat sa lahat. Dito na dorm ko," bumaling ako sa kaniya, nang nasa tapat na kami ng gate ng dorm.
Huminto rin siya sa paglalakad habang ang isang kamay nasa loob ng bulsa niya. Ang isang kamay naman, hawak ang tubig niya na may laman pa. Saglit niyang sinulyapan ang gate ng dorm at binalik din naman niya ang tingin sa'kin. Tumango siya.
"Saan ka? Sa may unahan pa?" tanong ko at nilingon ang direksyon ng unahan.
"Sa Legarda," sagot niya.
My brows furrowed. "Gago ka? Sabi mo sa Pureza ka rin? Bakit hindi ka sa Legarda bumaba?"
"Uuwi rin ako. Hinatid lang kita."
"Aba'y gago ka nga," I snorted. "Kaya ko umuwi mag-isa. Ogag ampota."
Maliit lang siyang ngumiti sa sinabi ko at hindi na nagkomento. Nilabas niya ang isang kamay sa bulsa niya at umayos sa pagkakatayo. Kunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Tila gago naman 'tong isang 'to.
Kaya pala nakasunod lang sa'kin. Akala ko naman nasa may unahan lang ang sa kanila. Alam ko namang gabi na. Pero kaya ko naman umuwi mag-isa. Hindi pa rin naman malalim ang gabi. Mas ikamamatay ko pa ang lungkot kesa ang umuwi ng gabi at mag-isa.
Hindi naman malayo ang Legarda rito sa Pureza. Kung tren ang sinakyan namin, kasunod ng Pureza Station ay ang Legarda Station. I just can't disregard the thought that he really walked me back to my dorm. Wala akong pakealam kahit magkalapit lang. 'Di naman niya ako responsibilidad.
"Gago ka talaga," asik ko pa rin.
Mahina siyang tumawa. "Sige na. Pasok ka na."
Nagawa pang tumawa ng gagong 'to. Umiling ako at may karahasang binigay sa kaniya pabalik iyong bottled water na binili niya sa'kin. Wala na iyong laman. Pero kinuha niya pa rin. Pairap kong inalis ang tingin sa kaniya at tumalikod na.
Maingat kong binuksan ang gate ng dorm. Pumasok na ako roon at binalingan ulit siya habang hawak ko ang hawakan ng gate. Masama ang tingin ko sa kaniya. Tinaasan ko nga ng gitnang daliri ko sa sobrang asar ko.
"Bait mo sobra. Saludo gitnang daliri ko sa'yo," I scoffed.
"Good night," iyon ang sagot niya.
Hanep talaga!
"Wala na. Sira na gabi ko," inis kong sabi. "Magchat ka kapag naka-uwi ka. Gago mo!"
"'Di tayo friends sa Facebook."
"I-add mo ako tanga," pinanlakihan ko siya ng mata.
Naiinis kong dinukot ang cellphone sa bulsa ko habang nasa kaniya pa rin ang tingin. Tila nawawalan ako ng pasensya. Hindi rin naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Hinihintay din niya ako.
"Bigay mo nalang sa'kin number mo," inabot ko ang cellphone ko. "Bilis!"
Hindi ko alam bakit naiirita ako. I should be fucking thankful. Kaya lang, kapag naiisip ko na inabala ko ang isang 'to, naiinis ako. I don't like it when people waste their time for me. Kaya big deal sa'kin 'to. Lalo pa at 'di naman kami magkaibigan. Kung siguro sila Jordan, ayos pa.
Kinuha ko ang cellphone ko nang ibalik niya iyon sa'kin matapos magtipa. Kunot pa rin ang noo ko habang sini-save ang number niya. Nagtipa rin ako ng message at sinend iyon sa kaniya.
Ako:
aq to. save mo number q.
Tumunog ang cellphone niya maya-maya. Kaya napatingin kaming dalawa sa bulsa niya.
"Ako 'yan," kunot pa rin ang noo ko. "Umuwi ka na. Tapos i-text mo ako."
***
BINABASA MO ANG
Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)
Novela JuvenilSPSeries #4 : Across the Sky (Rainier's Story) 4 of 5. Trying to escape the sadness of reality, Lauraine Latisha, from PUP College of Engineering, just wanted to be drunk as fuck. 'Cause the bitter taste of alcohol was easier to swallow than the...