Forty-three

36 2 1
                                    

ATS: Chapter 43


Glory Ginn and Cañares... broke up.


It's so heartbreaking how things between them ended that fast, like how fast a shooting star could travel in the sky. It was her choice. It was her decision. It's not something someone should touch. I was not on her place for me to question her decision.


Her peace was taken away from her. Pain and shits covered her heart. She had to build a wall and barrier for her to protect herself and her peace. Aniya, kung 'di niya ililigtas ang sarili niya, sino ang magliligtas sa kaniya? 


Nalaman niya na may video si Cañares at ang ex nito na naghahalikan. Nangyari ang halikan noong birthday ng dating kaklase ni Cañares. Iyong birthday na 'yun din mismo ang dahilan kung bakit niya pinagdaanan lahat ng ito.


She was already exhausted from everything, that her only way out was to break up with him. The fear she felt when her father cheated, came back. Si Cañares... isa siya sa mga tao na nagbibigay ng kapayapaan sa kaniya. Ngunit kinailangan niyang bitawan upang mahanap niya ang kapayapaan sa sarili.


But Cañares didn't cheat. He explained everything that happened. He had the chance to tell Glory Ginn about that too. Bago ang sembreak namin, nagsama pa silang dalawa. Nag-usap sila tungkol sa nangyari. Glory Ginn knew that he was innocent. But still, she didn't come back to him. She wanted space, time, and her own pace.


Simula noong nagsembreak kami, palagi na akong pumupunta sa bahay nila. Lalo pa at malapit lang naman ang bahay nila Papa sa bahay nila Glory Ginn. At kahit naman nasa kanila Mama ako, gagawin ko pa ring puntahan siya. I didn't attend our family reunion this year too. 


Madeline was excited that time. Kasi pupunta raw ang apo ng new amiga ni Lola pati ang new amiga ni Lola mismo. Ganoon na lang ang panghihinayang ni Madeline na 'di ako makakadalo. Sayang daw at 'di ko ma-me-meet ang lalaking nagugustuhan niya ngayon. She mentioned too that Lola's new amiga was Tito Matia's professor way back.


Bukod sa plano ko na rin last year na 'wag na um-attend, kailangan din ako ni Glory Ginn ngayon. Mas may rason na ako para 'di dumalo. Lalo na ngayon na 'di na makakapunta pa rito si Cañares. Bago sila naghiwalay, madalas ang pagbyahe ni Cañares sa Bulacan para alalayan siya. Pero ngayon, 'di na niya iyon magagawa nang ganoon ka-dali.


"Ang selfish ko," she mumbled, sinandal niya ang ulo sa balikat ko. "Ulan, ang s-selfish ko..."


Nasa kwarto niya kaming dalawa ngayon. I decided to sleep here with her. Pasado alas dose na ng hatinggabi pero gising pa rin kami. Nasa sahig kami ng kwarto niya at nakasandal ang mga likod sa kama niya. Yakap niya ang regalo kong Grizzly pillow.


She turned off her light. Ngunit binuksan naman niya ang lamp niya. Kaya dim ang ilaw ngayon. Pinatay na namin ang ilaw kanina pa dahil balak na naming matulog. But she became emotional again. She wanted to vent out before sleeping, which I find good. Nang sa gayon, 'di ganoon ka-bigat ang dibdib niya bago matulog.


"Feeling ko masama akong tao," she chuckled lowly, there was no humor in it. "Coco... he was very patient with me. Nagpapakapagod siyang bumyahe mula Maynila papunta rito sa Bulacan kasi... ayaw niya akong iwan m-mag-isa... tapos iniwan ko siya ng ganoon lang kadali... ang selfish ko. Ang sama-sama kong tao, Ulan..."


"Kapag selfish ka, masamang tao ka na agad?" anas ko habang nakatitig sa lamp. "'Di ba natin puwedeng piliin ang mga sarili natin muna? Oo naging selfish ka, pero dapat ba masamang tao ka na agad? Paano noong mga panahon na mabuti ka? 'Di ba bibilangin iyon?"


Bumuntong hininga siya dahil sa sinabi ko. Tinaas niya ang kamay upang punasan ang luha niya. Sumisinghot na rin siya dahil sa tahimik na pag-iyak. She's been crying these past few weeks.


'Di ko alam kung anong meron sa buwan ng Oktobre. Last year, it became tough for me. And this year, for Glory Ginn. I don't want to blame this month, but it's just that... bad things happened in October... based on my experience.


"Glory Ginn, ito ang tatandaan mo. 'Di naman sa lahat ng oras nagagawa nating piliin ang sarili natin. Kaya kapag dumating ang araw na sarili mo na naman muna ang pinili mo, don't feel bad. Dahil para mo na ring pinagsisihan na pinili mo ang sarili mo," I mumbled.


"P-pero unfair kay Coco..."


"Pero 'di naman niya naiisip iyon, Glory Ginn. Alam niya na kaya mo siya pinakawalan kasi isa iyon sa makakatulong sa'yo upang maging maayos. Siya na nga ang nagsabi, na hihintayin niyang maging maayos ka. You have to be fine. For yourself. For the things you chose to sacrifice for you to be fine..."


She sniffed and wiped her tears again. Dahan-dahan kong pinilig ang leeg sa direksyon niya, so I could see her face. Nakasandal pa rin siya sa balikat ko nang mag-angat ng tingin sa'kin. She smiled sadly at me. Tears pooled in the corner of her eyes again.


"Thank you... for being there all the time, Ulan," she paused so she could inhale. "I hope I can give you the company you wanted. The company you needed..."


"Ano ba, Glory Ginn. 'Wag mo nga akong isipin," maliit akong umismid. "Malakas nga ako diba? Sabi mo?"


She frowned. "You are brave and strong, but you can be fragile too..."


"'Wag kang mag-alala sa'kin," binasa ko ang pang-ibabang labi. "Kaya ko ang sarili ko."


"At kapag hindi mo na kaya... sabihan mo ako. You're always there for me. And I want to be with you too, always. You don't have to deal with everything alone all the time. Seek for help... I'm here..."


"May alak naman dyan," pabiro kong sabi para pagaanin ang hangin. Her brows furrowed and then she hit my thigh playfully. "Oo nga, Glory Ginn. May Gin naman."


It was 10 AM when I left their house the next day. Sa kanila Mama na ako dumiretso dahil tapos na ang sembreak ko sa kanila Papa. Dinala ko na ang mga gamit ko sa kanila Glory Ginn kahapon para diretso na ako sa Meycauyan mula Marilao.


"Nagbreakfast ka na ba, anak?" bungad ni Mama sa'kin matapos akong pagbuksan ng gate.


Madeline raised her hand upon seeing me. Nasa bakuran siya ngayon at may dalang maliit na pala, mukhang papuntang garden. I raised my hand too to acknowledge her presence. Tinuro niya ang direksyon ng garden, tila sinasabing doon muna siya. I simply nodded my head.


"May ginagawa si Madeline?" I asked Mama. 


She chuckled and nodded her head. "Sasamahan niyang maglipat ng mga tanim si Manang sa mga paso. Aniya, ang mga tanim daw ang pagkakaabalahan niya ngayong sembreak."


My brows shot up. Tinignan ko ang direksyon ng garden, namamangha sa nalaman. Baka naghahanap lang siya ng mapagkakaabalahan habang bakasyon. Bukod sa pagpunta niya madalas sa Baguio.


"Kasi anak... pumunta ang new amiga ng Lola mo kagabi rito," balita ni Mama sa'kin. "Although, she was not with her apo. Mahilig sa tanim na namumulaklak ang amiga ng Lola mo. Kaya nabanggit ng Mama ang tungkol sa plants sa garden. And Madeline got interested too."


Maliit akong ngumiti at tumango. "Kaya pala may hawak na pala iyon ngayon..."


Mama let out a hearty laugh. "Aba'y magpaparami raw noong flowers na nasa garden para bigyan ang new amiga ng Lola mo. Sayang, you were not here last night, you didn't have the chance to met her."


Maliit akong ngumiti kay Mama at tumango. 'Di nanghinayang na 'di ko nakita ang new amiga ni Lola. I'm not that interested with her honestly. Mas interesado pa akong makita iyong apo niya, para naman malaman ko kung gago ba o hindi. Lalo pa at nakuha agad niya ang loob ni Madeline pati ni Lola Margarita.


Kahit nasa kanila Mama na ako, ginagawa ko pa ring puntahan si Glory Ginn. We do things that would divert her attention. Madalas ding dumalaw iyong bubwit na kaibigan ng kapatid niya. Mabuti iyon, para mas maraming rason para sumaya siya.


Everytime I'm at her place, I don't use my phone. Ever since she took her sembreak, she didn't use her phone anymore. She didn't open any of her social media accounts. Ako naman, binubuksan ko ang sa akin para lang magreport ng mean post at comments.


Kahit wala na sila ni Cañares, panay pa rin ang ang pagrereport ng lalaki ng mga hate posts and comments alongside with his friends. I still interact with him too. Just to give him an update about Glory Ginn. That was the favor he asked for me. Mas mapapanatag daw ang loob niya kapag alam niyang mabuti ang kalagayan ni Glory Ginn.


Sinasabi rin niya na 'wag ko nalang banggitin kay Glory Ginn na nangangamusta siya. It was hard for him too. I could imagine how he badly wants to go here just to see her. Just to make sure that she was doing fine. But he couldn't do that 'cause she doesn't want him to be there. 


"Kauuwi ko lang, galing sa kanila Glory Ginn," anas ko, kausap si Villegas sa telepono. "Pasensya na ha, kapag nasa kanila Glory Ginn ako, 'di ako nagbubukas ng cellphone. Kaya napapadalas ang late replies..."


"That's okay, Rain," he answered. "I understand. I understand."


Tumango ako kahit 'di naman niya ako nakikita. I felt guilty for some reason. The day I left Manila and went here, minsan nalang kami mag-usap. Simula noong nagulo ang mundo ni Glory Ginn, umikot na rin ang mundo ko sa kaniya. Nawawalan na ako ng oras para kay Villegas.


It's not like we should always do cellphone calls, chat and other things. 'Di lang siguro ako sanay na sobrang dalang nalang. Nasanay ako na kapag bakasyon at nasa Bulacan ako, nag-uusap kami sa chat at call. I missed the old days, actually. But I'm dealing with something right now.


May mga pagkakataon na gustong magkuwento sa'kin ni Villegas. Pero dahil bakas ang pagod sa boses ko dahil sa paulit-ulit kong pag-alis sa bahay, sinasabi nalang niya na magpahinga ako. Na matulog na dahil pagod ako.


'Cause honestly, somehow, nakukuha ko rin ang energy ni Glory Ginn. Knowing that she's down and sad, I cannot afford to just be happy and go on with my life while she was busy coping up and putting things back. Kapag 'di kami magkasamang dalawa, roon ko nilalabas ang pagod at lungkot ko.


I was too busy reporting fake accounts and mean comments on her vlogs. Fake news about her and hate threads. Sa dami noon, nakakaramdam din ako ng pagod. Nawawalan din ako ng oras para makipagchat. Kaya madalas, late na late na ang mga reply ko kay Villegas.


"P-pasensya na talaga," anas ko. I licked my lower lip. I felt so tired.


"Rain, please. You don't have to apologize. I understand. Abala tayong lahat sa pagrereport and other things. Don't say sorry," marahan niyang sabi. "We have more time to enjoy... hindi nga lang muna ngayon."


Ngayon na lang ata kami nag-usap ng ganito kahaba simula noong sembreak. I told him how my day went, ganoon din siya. Wala raw siyang pinuntahan ngayong araw. Nasa bahay lang nila sa Makati siya nanatili. Since he left his apartment too when the sembreak started.

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon