Thirty-two

35 1 0
                                    

ATS: Chapter 32


Umayos ako sa pagkakatayo nang bumukas ang gate nila Mama. Ang kasambahay nila Mama ang siyang bumungad sa'kin. Agad siyang ngumiti nang makilala ako. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate upang papasukin ako.


"Hello po," maliit akong ngumiti. "Si Mama po?"


"Umalis si Ma'am Lory kasama si Sir Matias," aniya. "Pero nandito si Maddy. Nasa garden."


Tumango ako sa kaniya at hinakbang na ang paa papasok sa gate. Tahimik ang malaking bakuran nila Mama. 'Di pa iniilawan ang Christmas lanterns dahil maliwanag pa. Dumiretso ako sa pintuan ng bahay. Balak munang uminom ng tubig atsaka pupuntahan si Madeline sa garden.


Walang tao sa sala kaya dahan-dahan kong nilapag ang bag ko sa sofa. Iniwan ko iyon upang pumunta sa kitchen para uminom ng tubig. Medyo nagtagal ako sa kitchen, na pagkalabas ko roon, nakita ko si Madeline na nasa sala na. Mukhang sinabihan siya ng kasambahay na narito ako.


Nakatingin siya sa bag ko na nasa sofa, masama ang tingin niya roon. Agad niya akong nilingon nang mapansin niyang papalapit na ako sa sofa. Masama na ang tingin niya sa bag ko ngunit mas sumama iyon nang ako na ang titigan niya.


"Tumatawag ako sa'yo noong nakaraan, ni isa sa mga tawag ko wala kang sinagot," anas ko agad.


"Why would I? I don't want to hear bullshits and lies from you, Lauraine," aniya.


I arched a brow. "Lies? Bullshits? It was an important call."


"Important your ass!" nanlisik ang mata niya. "Ano 'yung sinabi ni Mama? You told her na 'wag nang patatapakin si Carlos dito. This is not your house, this is my Dad's house, who are you to decide?"


"Alam mo ba ang buong kuwento? Bakit galit na galit ka na agad sa'kin?" I arched a brow. 


"Because I know why you're here! Anong ka-bullshitan na naman ang sasabihin mo sa'kin? Akala mo hindi ko alam? That you're making stories about Carlos? So he would appear as the bad guy?" she said coldly.


Pagak akong tumawa at pinakatitigan ang mukha niya. I even tilted my head. Galit lamang ang siyang mababasa sa mukha niya, wala ng iba. At sa'kin siya galit na animo'y alam niyang ito ang pinunta ko. 


"Bakit naman ako gagawa ng kuwento para saktan ka?" I arched a brow.


Nanlisik lalo ang tingin niya sa'kin. Sinulyapan ko ang kamao niya na nakakuyom na ngayon. Ganiyan na ganiyan din halos ang reaksyon ko noong makita si Carlos nang gabing iyon. Ang pinagkaiba lamang, sa'kin siya galit at 'di sa lalaking 'yun.


"Oh please, 'wag ka magmalinis. You've done things already na nasaktan ako. At alam kong kaya mo ulit gawin 'yun."


"Talaga?" I arched a brow. "Anong makukuha ko kapag nasaktan kita? Ikasasaya ko ba 'yan?"


"Who knows?!" pinanlakihan niya ako ng mata. "Just leave! Wala si Mommy dito, siya lang naman ang pinunta mo. At wala siya rito, kaya umalis ka na!"


"Ikaw ang pinunta ko rito," sagot ko.


Bumigat ang paghinga niya habang masama pa rin ang tingin sa'kin. She was literally gritting her teeth. Pulang-pula na rin ang buong mukha niya ngayon. Medyo naluluha na rin siya dahil siguro sa inis. 


"Bastedin mo 'yung Carlos na 'yun," seryoso kong sabi. 


"And why would I? Bakit ako makikinig sa'yo? Paladesisyon ka?" she scoffed.


"Makinig ka sa'kin dahil ayaw kong masaktan ka. Niloloko ka lang ng lalaking 'yun. Naalala mo? Noong narinig ko kayong nag-uusap noon? And you told me to stop meddling with your life? Sana kaya ko na wala akong pakealam sa'yo no? Edi sana 'di ako nagsayang ng oras na pumunta rito."


"U-umalis ka na kung gusto mo," aniya. "It's not like I want you here."


"Pero nandito ako. Nandito ako imbes na nagwawalwal ako sa Maynila ngayon dahil 'di ka sumasagot sa mga tawag ko. Nandito ako para personal na sabihin sa'yo na bastedin mo na 'yung gagong 'yun," I was gritting my teeth already.


"He's not gago!" sigaw niya.


"Of course he is gago," my upper lip rose. "Nakita ko Madeline, may kasama siyang babae. Girlfriend niya raw. Tinanggi ka pa niya sa harap mismo ng babaeng 'yun."


Napipikon niya akong tinitigan. Sa sobrang pikon niya, marahas niyang pinulot ang bag ko sa sofa at marahas din niya iyong hinagis sa sahig. Malakas at mabigat ang paraan ng pagkakahagis niya.


"Stop making up stories that would satisfy you! If you hate me, then hate me all you want and never show your face again!" she was so mad.


Inalis ko ang tingin sa bag ko na nasa sahig. Animo'y wala akong pakealam kahit hinagis niya pa iyon. Kahit sa ibang planeta niya pa ihagis e, tulungan ko pa siya. Kung ikasasaya niya ang bagay na 'yun.


"Sana gumagawa lang ako ng kuwento. Pero 'di e, totoo ang nakita ko Madeline. Bakit siya umabot ng Maynila? Kasi wala ka roon, at mas malaya niyang mailalabas iyong girlfriend niya?"


"He was in Manila dahil birthday ng pinsan niya. He told me that iinom siya with his friends. Akala mo hindi siya nagpaalam sa'kin? Ikaw lang Lauraine ang umaalis na hindi nagpapaalam," she said bitterly.


Nangunot ang noo ko kung bakit nasama ako sa usapan. Ngunit 'di ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin. Because my only concern why I went here is to tell her everything in person. Ang plano ko pa nga malumanay na sabihin sa kaniya lahat. 'Di 'yung ganito.


"Kung birthday celebration lang 'yun, bakit may dala siyang girlfriend? Ang kapal kapal ng mukha niyang magpaalam sa'yo no? Na birthday celebration lang ang pupuntahan niya. Tapos may dala namang girlfriend. Akala ko ba mahal ka niyan?"


She clenched her jaw. "Really? Grabe ka rin no? Kaya mong sabihin sa'kin 'yan kahit hindi totoo? Gustong-gusto mo talaga akong saktan no?"


"Kung gusto kitang saktan, tinumba na kita kanina pa. Dahil naaasar na ako sa'yo," I scoffed. "Madeline, alam mo na dapat kung gumagawa lang ng kuwento at hindi. Paanong sa kaniya naniwala ka? Tapos sa'kin hindi?"


"Dahil sinungaling ka," sagot niya agad.


"Kung sinungaling ako, edi uto-uto ka?" I smirked at her. "Tumawag siya sa'yo no? Nag-explain ba? Kasi kung 'di siya tumawag at nagsinungaling sa'yo, 'di mo maiisip na ako ang gumagawa ng kuwento. Anong sinabi niya? Na ako ang sinungaling?"


Natameme siya dahil sa sinabi ko kaya agad na tumaas ang sulok ng labi ko. Her reactions says everything. Madeline and I grew up together. Bawat emosyon at kilos niya kabisado ko na. Kahit noong lumayo na ang loob niya sa'kin, nababasa ko pa rin siya.


"Sumagot ka. He manipulated the story right? He manipulated you. Alam niyang mahina ka e. At madaling utuin. Gusto mo ba ng ganiyan?" I arched my brow.


"R-really? Ang sabi niya, you accused him. Dahil ramdam na ramdam daw niya na ayaw mo sa kaniya. Kaya gagawa ka ng kuwento para sirain siya sa'kin. He was enjoying the celebration when you grabbed his collar and punched him," tunog totoo ang sinasabi niya.


Napangisi ako lalo. "OA niya naman gumawa ng kuwento. Anong sinuntok? Abot ko ba siya? Tangina naman?"


"Ang dumi-dumi ng lumalabas sa bibig mo! Para kang hindi pinalaki nang maayos! Stop using that 'T' word in my Dad's house!" she shouted.


Natahimik ako. Kaya dahan-dahang tumaas ang sulok ng labi niya. Animo'y nanalo siya dahil natahimik ako. Ganoon na ganoon ang reaksyon na madalas kong makuha kay Lola Margarita kapag nasusupalpal niya ako.


"Kapag inayawan at iniwan ako Carlos, ikaw ang sisisihin ko," she sported a poker face this time.


Doon palang ako naibalik sa katinuan. Pinantayan ko rin ang emosyon na pinapakita niya sa'kin ngayon. 


"Edi ayos kung magback out siya. It's not your loss. He's a cheater," I smirked. "I swear, you're a brat but you deserve to be treated well. Don't settle for less, Madeline."


"He's not a cheater! Carlos is a good man!" it was like the word 'cheater' triggered her.


"Oh talaga? Kung good man siya, bakit ka niya nagawang lokohin? Kitang-kita ng dalawang mata ko Madeline. Apaka sweet pa nga roon sa babae e. Kaonti nalang magmumukha na siyang langgam. Susugurin ko ba siya ng ganoon nalang kung hindi?" I scoffed.


Umayos sa pagkakatayo si Madeline. She gave me that 'sinasabi ko na nga ba' look. Tila ba ang lumabas sa bibig ko ay isa sa namang tagumpay sa kaniya.


"See? Lumabas din na sinugod mo nga siya. You're a liar, Lauraine," she smirked. "Malamang guni-guni mo lang na sweet siya roon sa friend ng pinsan niya o kung sino man 'yun. Baka lasing ka lang kaya kung anong nakita mo. You overreacted. And you're a liar."


"Isang bote ng beer lang naubos ko, paano ako malalasing doon? Malamang maghuhugas kamay yung gago na 'yun. Gumagawa ng paraan para makalaya sa'yo siguro... diba, sabi niya ayaw niyang maghintay nang matagal dahil marami namang ibang babae dyan?"


Her reaction with what I've said changed. It was like I pulled the trigger. She raised her hand and was about to slap me. Kaya lang mabilis akong umatras. Matangkad siya ng kaonti sa'kin. Kayang-kaya niya akong sampalin.


"Bakit ba ang pakealamera mo?! Lahat-lahat nalang sa buhay ko pinapakealaman mo! Inagaw mo na nga si Krisostomo noon, tapos sisiraan mo pa si Carlos! Please stop meddling with my life!" naluha na siya.


"Tanga, pakealamera ako kasi ayaw kong saktan ka lang ng kung sino-sino dyan," there was a lump in my throat suddenly.


"I'm not tanga! 'Wag mo ako tawaging tanga!"


"E tanga ka naman talaga ah? Sinabi ko nang niloko ka, ayaw mong maniwala," I arched a brow.


She gritted her teeth. "Ang dami mong alam! Bakit ka pa ba pinaganak ni Mommy? Kung hindi dahil sa'yo, hindi galit si Lola sa kaniya. I hate you! Can't you just fucking die?!"


Doon na ako hindi nakapagsalita. Tila may malaking tandang pananong sa taas ng ulo ko ngayon. Walang kinalaman ang sinabi niya sa pinag-uusapan namin. Pero sinabi niya pa rin iyon para lang may maibato siya sa'kin. At tinamaan naman ako, malala.


Tila ba nanalo siya sa aming dalawa ngayon nang umayos siya sa pagkakatayo. Humalukipkip siya at lalong ngumisi dahil sa pagkatameme ko. Tuluyan na akong iniwan ng mga salita. Nangibabaw na ang sakit sa dibdib ko. Hearing those words from her, was like pushing me to the edge.


I clenched my jaw. Tumingala ako sa chandelier para pigilan ang nagbabadyang luha, pero tumakas pa rin ang luha sa kaliwa kong mata. Napangisi ako at bumuntong hininga. Binasa ko ang pang-ibabang labi.


Umayos ako sa pagkakatayo at pinulot ang bag ko na hinagis niya sa sahig. Hindi ko na siya magawang tignan ngayon. Talo na naman ako. Sinuot ko ang bag nang hindi tumitingin sa kaniya. Nag-umpisa na rin akong maglakad, ngunit huminto ako nang nasa gilid na niya ako.


"Sige na, panalo ka na," I paused to swallow the lump in my throat. "Simula ngayon, w-wala na akong pakealam sa'yo," dagdag ko at nilagpasan na siya.


The moment I started walking towards the door, my tears started falling. Hinayaan ko lamang ang mga iyon na bumuhos habang palabas ako sa bahay. I felt numb again, but my tears weren't, so they kept falling. 


Lumabas ako ng gate nang 'di lumilingon. Ngunit nang makalayo-layo ako sa bahay namin, naupo ako sa gilid ng kalsada. Niyakap ko ang binti ko habang nakasubsob ang mukha ko sa mga tuhod ko.


It was maybe the first time I cried so hard in broad daylight. Sobrang bigat ng dibdib ko na 'di ko na kayang tiisin na 'wag umiyak. Of all the hurtful words Madeline had said to me, ang sinabi niya kanina ang pinakamasakit sa lahat.


I've been having doubt about my existence. I've been thinking before that if maybe, I was not born, things will go smoothly for everyone. But there are circumstances that would lift me up and would make me realize that my existence matters. But hearing those words...


Umahon ako sa pagkakasubsob sa tuhod ko nang magring ang cellphone ko sa bag. Mabilis ko iyong kinuha, para lamang makita na may tatlong guhit ng crack sa screen. I felt bad for my phone. Pumatak ang luha ko sa screen kaya pinunasan ko iyon agad.


Glory Ginn calling...


Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa tumatawag. My comfort person was calling me. Sinubsob ko ang mukha sa tuhod, ayaw sagutin ang tawag. Lalo lamang akong maiiyak kapag sinagot ko. Kapag narinig ko ang boses niya. Ayaw kong malaman niyang umiiyak ako.


Namatay ang tawag ngunit muli na namang tumunog ang cellphone ko. Bumuntong hininga ako at pinunas ang maggas ng t-shirt ko sa mga luha ko. Binasa ko ang pang-ibabang labi dahil tuyong-tuyo iyon. I sighed and just decided to answer her call. Baka importante.


"Hoy, Ulan! Ang tagal mong sumagot ha! Stressing mo bangs ko," pumikit ako upang kumalma. "May sasabihin ako..."


Kumurap-kurap ako upang pigilan ang pag-iyak. Lalo lamang talaga akong naiyak dahil sa boses niya. Glory Ginn's high pitch voice is very addicting. 'Di iyon matatapatan nang malalim at magaspang kong boses. 


"Hoy, Ulan! Tanungin mo ako kung anong sasabihin ko," I could imagine her rolling her eyes.


Lalong naging lukot ang mukha ko, ayaw magsalita. Mababasag ang boses ko at barado rin ang ilong ko. Malalaman niya agad na umiyak ako kapag nagkataon. With her voice on the phone, it was obvious that she's happy and excited. I don't want to ruin that.


"Hala shunga, ayaw talaga magsalita. Excited pa naman ako sa sasabihin ko! Tanungin mo na ako oh, please lang," mahina siyang tumawa. "Dali na! Tanungin mo na ako, love!"


Tumikhim ako. "... a-ano?"


Pumikit ako at bumuntong hininga nang 'di siya magsalita. Natahimik ang kabilang linya.


"Hehe," tumawa siya maya-maya. "Sorry, pinulot ko muna si Grizzly, nahulog sa sahig e. Tanga-tanga ng sahig."


Bumuntong hininga ako, maliit na ngumisi kahit naluluha pa rin. Dahan-dahan akong tumayo sa pagkaka-upo sa gilid ng kalsada. Pinagpag ko ang puwetan ng cargo pants ko habang nakatapat pa rin ang cellphone sa tenga. 'Di ko na muling nilingon ang gate at nag-umpisa nang maglakad paalis.


"Ano 'yun, Glory Ginn? 'Wag mo akong idaan sa 'hehe'," I sighed, my shaky voice was gone.


"Magkakaroon ng mini year-end party sa kanila Nana," she announced enthusiastically. "Galing ako sa kanila, napag-usapan namin ni Nana. Bago raw tayo maghiwa-hiwalay ngayong Christmas break natin, magbobonding tayo. Excited na ako!"


I smiled with how cheerful her voice was. "Talaga, Glory Ginn?"


"Bawal KJ! Lahat tayo sasama, tapos pare-parehas din ang kulay ng damit natin," aniya pa. "May regalo rin kaya maghanda ka na. Kahit ano naman, basta something black."


"Poide ba ang budhi ko?" I smirked a little.


"E? Black nga kailangan," reklamo niya.


"Kaya nga, itim budhi ko," sagot ko.


"Che!" napapikit ako sa tinis ng boses niya. "Hindi naman! Atsaka anong gagawin namin sa budhi mo?"


"Ikaw na naman nagpauso ng mini year-end party no? Leader Glory Ginn?" I snorted.


Mahina siyang tumawa sa kabilang linya. I could imagine her pouting. It made me smile.

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon