ATS: Chapter 25
"Magkaiba ang selos sa lungkot," anas ko at nilapag ang inumin sa mesa.
Maliit na inatras ni Joaquin ang ulo niya. Halatang ayaw maniwala o 'di kaya pinagdududahan ako. Maliit akong umismid sa kaniya at sumandal nang maayos sa upuan ko.
"At bakit din naman ako magseselos? Cute ng conclusion niyo. Gusto ko lang siya bilang tao, 'di bilang planong gawing awoj," anas ko pa at maliit na umirap.
"Bakit tunog defensive? Bakit parang palong-palo mag-explain?" tudyo pa ng ugok na si Joaquin.
"Anong pinaparating mo, Rivera?" I scoffed. "Mas marunong ka pa sa'kin?"
"Medyo," nakangisi niyang sagot.
Bumuntong hininga ako at binasa ang pang-ibabang labi. Nakanguso akong tumingala sa madilim na langit. Naroon ulit ang buwan. At katulad noong umuwi ako ng Bulacan, malungkot ang paraan ng pagkinang noon sa madilim na langit.
"Sabay tingala kay Luan?" may pang-aasar sa boses ni Justin. "E, diba, Luan means moon."
"Kayo, moontanga," I snorted. "Si Jordan lang normal dito."
Inalis ko rin agad ang pagkakatingala upang balingan si Jordan. Nakayuko siya habang nakatingin sa kamay niya na hawak ang inumin. Tila ba nakagawa siya ng sarili niyang mundo sa kung ano mang iniisip niya ngayon.
Siniko ko siya. "Oy, ikaw? Ayos ka lang? Stress ka?"
Dahan-dahan niyang pinilig ang ulo niya upang balingan ako. May kakaiba ngayon sa mga inosente at bilugan niyang mga mata. Lalong lumungkot iyon nang bigyan niya ako ng maliit na ngiti.
"Oy? Anyare?" tanong ko at umayos sa pagkaka-upo.
"Hoy? Dan? Malungkot ka rin?" tanong ni Justin.
"Nalulungkot na rin ako rito oh," anas ni Joaquin.
Bumuntong hininga si Jordan at nagthumbs up. I lowered my gaze to watch him moist his lower lip.
"M-may nagugustuhan ako," aniya.
Naibalik ko sa mata niya ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Muli siyang maliit na ngumiti sa'kin. Gumuhit naman ang maliit na ismid sa labi ko. Siniko ko rin siya ulit sa may braso.
"Gago? Totoo? Sino?" I asked.
"Secret."
"Hoy, ang daya mo? Akala ko ba gagawa rin tayo ng secret natin?" umamba akong mananapak. "Gago 'to, gumawa ng secret mag-isa ampo."
"Sino Dan? Kilala namin?" tanong ni Justin na nilapit ang upuan kay Jordan.
May mahinang tunog na nagmula kay Jordan nang ngumiti siya. "Oo. Kilala natin."
Onti-onting nangunot ang noo ko habang nakatitig kay Jordan. I tilted my head. "Kaklase natin last year?"
"Oo," tipid niyang sagot.
I snapped my finger. "Joaquin? Feeling close ka sa secretary natin noon diba? Hingin mo nga master list natin."
Jordan let out a low chuckle. "'Wag niyo na hanapin. 'Di ako gusto 'nun."
"Ay erp, 'di poide 'yan," anas ko at umiling. "Ikaw lang igop sa pamilyang 'to. Matalino pa. Paanong 'di ka gusto? Gusto mo ipilit natin?"
He tilted his head so he could stare at my eyes comfortably. "Talaga, Rain? Mapipilit mo?"
I licked my lower lip. "'Di natin mapipilit kung 'di ko kilala."
He sighed and shifted on his seat. Tinitigan ko siya gamit ang kuryoso kong mga mata.
"Ayos lang, Rain," he smiled at me. "We should not force it. My feelings will fade eventually..."
"Ito naman!" mahina ko siyang sinapak sa braso. "Alam ko namang 'di mapipilit. Nagbibiro lang ako. Alam mo namang 'di nakakatawa jokes ko."
"Tama. 'Di ako natawa e," sabat ng ugok na Justin.
Kakaiba ang pagkakataong iyon, it felt like we're grown ups. Hindi nalang simpleng inuman at biruan. Sabay sapak kay Joaquin kasi ogag siya. That night, I was able to tell them that I was sad because of a man. And Jordan was able to tell us that he likes someone who doesn't like him.
"Ay potangina!" I flinched.
Umayos sa pagkakatayo si Villegas na mukhang kanina pa naghihintay sa labas ng dorm. Inayos niya ang pagkakahawak sa isang strap ng suot niyang backpack. Tinaas niya ang kanang kamay upang batiin ako.
Umirap ako sa kaniya at lumabas na sa gate at sinara iyon. Ogag na lalaki 'to, nanggugulat nalang bigla. Wala man lang akong natanggap na text sa kaniya na pupunta siya. Pagbukas ko ng gate, biglang naroon na naghihintay.
"Kay aga-aga, kung anong sinisinghot mo Villegas," I scoffed as soon as I reached his spot. "'Di ka man lang nagtext na pupunta ka. Anong oras ka pa narito? Alas tres AM ba?"
"8 AM," sagot niya.
"Aw," sinulyapan ko ang wrist watch niya. "Mag-a-alas nine na. Ano? Isang oras mo ako balak hintayin? 'Di ka nagtext?"
"Baka 'di mo ulit mabasa," he licked his lower lip. "I texted last night. I didn't receive a reply."
"Ah," tumango ako. "Lasing ako kagabi. No will magreply. Pero nabasa ko," anas ko.
Syempre baka kasama mo na naman si Lindsay kagabi. Ayaw ko namang maka-istorbo sainyo. Pero nabasa ko talaga ang text mo. At 'di rin ako lasing, ayaw ko lang magreply. Ayaw kong malungkot na naman.
"Uminom ka?" he asked.
"Lasing nga diba? Malamang," umirap ako.
"Kaya ka ba umalis kahapon? Hindi na kita nakita matapos ang Coronation Night," he said with his low voice.
A smug smile was showing on my lips. Nagkibit ako ng balikat sa kaniya. "Magbe-breakfast ba ulit tayo ng sabay? Kaya mo ako pinuntahan?"
Mahinang tumango si Villegas kaya tumango rin ako. I slowly turned my back against him and started walking very slow. Nagbaba ako ng tingin sa sapatos kong puti na medyo marumi na. I kicked the pebble to entertain myself.
"How are you, Rain?" he went beside me.
"Goods naman," I said still kicking the pebble.
"I was busy these past few weeks..." dagdag niya.
"Same," I glanced at him and looked at the pebble again. "I was busy too."
"Really? Marami bang pinagawa sainyo? Kaya ka busy?"
"Hindi naman," sagot ko. "Pero busy din ako nitong mga nakaraan."
"Maaari ko bang malaman kung bakit busy ka? I just want to know what were you up to..."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Busy ako. Busy'ng malungkot, Villegas."
His lips parted a little, wanting to say something but nothing came out. Onti-onti namang tumaas ang sulok ng labi ko. My eyes were lazy while I was staring at him. Umalon ang lalamunan niya.
"Dahil ba sa... Mama at Papa mo?" maingat niyang tanong.
Binasa ko ang pang-ibabang labi. "Secret."
Ang paghugot ng buntong hininga ni Villegas ang siyang muling bumuhay ng ngisi ko. Binalik ko ang tingin sa unahan namin. I could feel his glances at me. Obviously, he's curious because I was so honest with him. I could easily tell him what's on my mind. But now, secret was my only answer.
Kumain kami ni Villegas ng breakfast sa tapsilugan. Siya ang nagbayad ng kinain namin kahit 'di ko naman sinabing libre niya. I had to admit that I miss being around him. And I had to admit too, that the sadness I've felt when he was not around did not vanish.
Hindi ba, dapat nawawala iyon dahil kasama ko na siya ulit? Ganoon ang nararamdaman ng iba hindi ba? All the sadness and longing they've felt, it will vanish in an instant once they're with that someone again. Or maybe, it doesn't apply to everybody. Dahil 'di iyon gumana sa'kin.
Kasama ko man siya, there's still something hollow in my chest. And his presence this time, didn't fill that void. It was so weird. It felt like something changed. It felt like there's this tiny grudge inside me. Potangina, ayaw ko nito.
Kaya noong lunch break namin, tumungo ako sa Pureza Station. Mahaba pa ang vacant ko kaya naisip kong magliwaliw muna sa SM Sta. Mesa. Sa bilyaran sana, kaya lang maraming naglalaro roon.
Mabilis lang ang naging byahe ko dahil tren ang sinakyan ko. Naglakad-lakad lang ako sa loob ng SM, nag-iisip. I was just planning to unwind but I ended up buying a journal notebook in NBS.
I just remembered Villegas' words about me writing down my thoughts. Kapag 'di ko magawang sabihin kahit kanino ang tumatakbo sa isip ko. It was the main reason why I bought that black journal notebook.
"Tama ako. Ikaw nga!"
Agad na naging lukot ang mukha ko nang maramdaman ang mabigat na braso na pinatong sa ulo ko. Tumingala ako agad para lamang makilala si Andrew. May hawak din siyang paper bag ng National Book Store.
"Galing ka rin sa NBS?" he asked and glanced at the paper bag I was holding. "Hindi kita nakita sa loob."
"Ako rin, hindi kita nakita," sagot ko.
He chuckled. "Uuwi ka na?"
"Hindi. Kakain muna ako bago bumalik sa CEA," sagot ko.
"Nice," malapad siyang ngumiti. "Kakain din ako bago umuwi sa dorm. Wala na akong next class."
"Ah, share mo lang naman?" I snorted.
Sa McDo namin napiling kumain ni Andrew. Hindi ko maiwasang isipin ang yaya ni Villegas sa'kin noong nasa Bulacan ako. Medyo matagal na iyon, pero 'di ko makalimutan na 'di 'yun natuloy.
Pinindot ni Andrew ang ilong ko kaya napakurap ako. "Baka maubos na 'yang straw kakangatngat mo."
"Sarap kasi," sagot ko.
He chuckled. "There's something about you that turns me on big time... talaga, Rain. Meron talaga."
"Turn on ampota? Naninigas ka dyan?"
Maliit na umawang ang labi ni Andrew bago niya kinagat ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng tawa. Umirap ako sa kaniya at muli sumipsip sa cokefloat ko gamit ang butas-butas ko ng straw dahil sa kangangatngat ko.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," namumula ang mukha niya ngayon. "What I'm trying to say is that, you have a great personality. I don't know, something like that."
"Lol, 'di ka sure," sagot ko. "'Di nga ako friendly. Anong good doon?"
"I can see it," aniya. "Kapag ba hindi friendly, 'di na agad good?"
My brows shot up with what he said. What he said reminds me of my lines back then. Ngumiti siya sa'kin na kita ang mga ngipin. Kaya ka-pansin pansin na ngayon na puting-puti ang mga iyon at pantay.
"Sinadya mo lang 'tong itim na journal notebook sa NBS kaya ka pumunta rito?" he asked.
Sinisilip niya ngayon ang laman ng paper bag ko. Siya na ang nagpresintang magdala noon nang lumabas kami ng McDo kanina. Papunta na kami ngayon ng V. Mapa Station upang sumakay ng tren pabalik ng Pureza.
"Dapat nagpasuyo ka nalang sa'kin. Sinabay ko na sana 'to," aniya pa at inayos na ang pagkakahawak sa paper bag.
"'Di naman tayo close. Kapal naman ng mukha ko kung mang-uutos ako," maliit akong umismid.
"Grabe," tunog nagtatampo siya. "Sa ilang beses na nagsama tayo, 'di pa rin tayo close?"
"Bakit? Ilang beses na ba tayong nagsama? 'Di pa ata bente times e," anas ko.
"How much does it cost? To be close with you, Lauraine?" bakas ang ngiti sa boses niya.
I arched my brows. "Isang milyon? Meron ka dyan?" sinulyapan ko ang bulsa ng pantalon niya.
He let out a low hearty laugh. "Bakit nakukuha ako ng ganiyan mo?"
"Ambot," sagot ko.
Naghiwalay din kami ni Andrew sa tapat ng CEA. Sa may unahan pa siya dahil sa may Teresa pa ang dorm niya. I was glad that I went to SM. I was able to unwind. I was thankful too that I bumped with Andrew. It would be boring if he wasn't there.
Kinagabihan, noong natutulog na si Glory Ginn at mahinang humihilik, bumangon ako sa kama. Naupo ako sa sahig at inabot ang bag ko na nasa ilalim ng higaan. Kinuha ko ang journal notebook doon.
That night, all the thoughts I had the past few days, I wrote it down. I wrote down that I was sad because Villegas was not around the past few days. And writing those unspoken words helped me to clear my mind. Putting those thoughts into words, helped me somehow.
The next days, I was slowly getting back on track. Maybe it was because Villegas was once again hanging out with me. The sadness I've felt because of his absence the past few days were slowly fading, but not totally.
I never thought that I have this side of me. Kapag hindi ko naman nakakasama sila Joaquin, 'di naman ganito. Naiintindihan ko na kaya 'di ko sila kasama dahil abala sila. At naiintindihan din 'yun ng nararamdaman ko.
Kaya lintek na Villegas na 'to! Alam ko namang abala siya noong mga nakaraan. Naiintindihan ko kung bakit 'di kami nagbo-bonding. Pero tangina, bakit ayaw 'yun intindihin ng nararamdaman ko? Bakit parang kasalanan pa niya na busy siya?
"Luan!"
Agad akong napa-atras nang marinig ang boses na sumalubong sa amin ni Villegas. Nasa tapat kami ng apartment niya at pinagbuksan ng kung sino. Ngayon na lang ulit ako tumapak sa sahig ng hallway ng apartment niya simula noong pumunta ako rito at naabutan si Lindsay.
"Kuya..." Villegas said. "Kanina ka pa rito?"
"Halos kararating lang din," sagot ng lalaki sabay sulyap sa'kin.
Yumuko ako agad at tinignan ang mga sapatos ko. Narinig ko ang pagtikhim ni Villegas at naramdaman ko rin ang pagbaling niya sa'kin.
"Lauraine," aniya, pinakikilala ako sa lalaki.
Nag-angat ako ng tingin at tinignan ang lalaki. Walang kahit anong emosyon sa mukha ko habang nakatingin sa kaniya. For me, he was a total stranger and I don't really smile at people who are not close to me. Plus I have this resting rude face. Kaya nasasabihan akong rude.
"Oliver," he smiled at me. "Blockmate ka ni Luan?"
Umiling ako. Tumango siya ng isang beses at binalik ang tingin kay Villegas. Tila ba kay Villegas na lang niya hihingiin ang impormasyon ko. Villegas glanced at me.
"Schoolmate ko," he simply answered.
Tumango-tango ang lalaki. "Tara? Pasok kayo?"
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi sigurado kung papasok ba ako dahil 'di ko naman kilala ang lalaki. Iniisip ko na rin kung tatambay nalang ba ako ulit kay Kasha o 'di kaya sa kanila Savanna nalang. Kararating lang daw ni Oliver, kaya pakiramdam ko mamaya pa siya uuwi.
"May dala akong pagkain. Tara, sabay-sabay na tayo," nakangiti niyang sabi at tumango kay Villegas bago bumalik sa loob.
"Uwi nalang ako?" anas ko.
"Hindi magtatagal si Kuya, Rain. Pumasok ka na," aniya.
"Sa kanila Savanna nalang ako?" tawad ko.
He sighed and held the upper part of my wrist. Agad akong nagbaba ng tingin sa palapulsuhan ko. Payat ang palapulsuhan ko at malaki ang kamay niya. Kaya tila sinasakal niya iyon ngayon.
"Pumasok na tayo," aniya at nag-umpisa nang humakbang papasok sa pintuan.
Maliit akong ngumuso at humakbang nalang din papasok. Nasa kamay pa rin niya na nakahawak sa taas banda ng palapulsuhan ko ako nakatingin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nag-angat ng tingin sa likod niya.
"Umupo ka roon," he commanded and pointed his couch with his lips.
Nagbaba ako ng tingin sa sapatos ko. "Mamaya na."
"Rain."
"Maghuhubad muna ako ng sapatos," sagot ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.
Siya na naman ngayon ang nagbaba ng tingin sa sapatos ko. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa taas banda ng palapulsuhan ko. Panguso akong umismid at naupo sa sahig.
"Akin na 'yang bag mo," aniya.
Hinubad ko agad ang bag ko at inabot sa kaniya. Umalis siya sa may harapan ko kaya nag-umpisa na akong maghubad ng sapatos. Sinunod ko rin ang medyas ko na binilog ko pa at pinasok sa loob ng sapatos.
Tipid ang mga kilos ko dahil nasa paligid lamang ang boyfriend ng Ate ni Villegas. Mabait naman ang lalaki at approachable. 'Di lang ako sanay na may kasama kami ni Villegas sa apartment niya. At ngayon ko lang din kasi nakita ang boyfriend ng Ate ni Villegas.
Tahimik akong naka-upo sa couch ni Villegas habang inaasikaso nilang dalawa ang pagkain. Hindi na nagbihis si Villegas. Naghubad lamang siya ng sapatos at ID tapos tumulong na siya agad sa Kuya niya.
Habang inaasikaso nila ang pagkain sa mesa, nag-uusap silang dalawa gamit ang mga mata. Maliit na siniko ni Oliver si Villegas bago niya inayos ang folding chair. Nagbaba ako agad ng tingin sa hita ko nang lingunin ako ni Oliver.
"Halika na. Kumain na tayo," aniya.
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Napatingin pa ako kay Villegas na humahakbang na papunta sa'kin. He nodded his head and gestured the table. I pursed my lips and nodded a little.
Maingat akong tumayo sa upuan at naglakad papunta sa mesa. Parisukat ang hugis ng wooden folding table ni Villegas. Apat na upuan lamang ang kasya , tig-iisa sa bawat bahagi ng mesa. Si Oliver ang siyang katapat ko.
Japanese food pala ang siyang dala ni Oliver. Mukhang ti-nake out niya ang pagkain sa Japanese restaurant. Meron pa ngang chopsticks na kasama ang pagkain. Sushi lamang ang pamilyar sa'kin. Gumagawa kasi 'nun ang Mama ni Ara.
"Kumakain ka naman ng sushi no? Baka manibago ka sa lasa kung first time mong kakain," tanong ni Oliver.
"Opo," sagot ko. "Gumagawa po ng sushi ang asawa ni Papa. Kumakain po ako."
"Nice!" ngumiti siya. "Puwede ka namang lutuan ni Luan kung hindi."
Sinulyapan ko si Villegas na tahimik akong pinapanood. Hindi na ako nagduda na marunong siya magluto. He's living here alone now. At mukhang marami siyang kayang gawin. Basic nalang siguro sa kaniya ang magluto. Sana lahat.
Nakangiting pinulot ni Oliver ang chopsticks, ganoon din naman si Villegas. Wooden chopsticks iyon na dugtong. Kaya swabeng iyong pinaghiwalay ni Villegas. Ang gandang tignan bigla ng medyo maugat na kamay niya dahil hawak-hawak niya ang chopsticks.
"Kain na, Rain," Villegas said.
Tumikhim ako. "Hindi kasi ako marunong niyan..."
Napatingin siya sa chopsticks na hawak niya dahil nginuso ko iyon. Maliit niyang nakagat ang pang-ibabang labi at tumango. Inatras niya ang upuan niya at tumayo sa upuan. Naglakad siya papunta sa lagayan ng mga kutsara.
Ma-kuwento si Oliver, kaya habang kumakain kami nagku-kuwento siya. Tahimik lamang akong kumakain at panaka-nakang sinusulyapan ang kamay ni Villegas. Swabe at marunong talaga siyang magchopsticks. Kelan kaya siya natuto?
"Nililigawan ka ba ni Luan?"
Agad akong napatingin kay Oliver dahil sa sinabi niya. Napa-ubo pa si Villegas ng tatlong beses kaya sinulyapan ko siya.
"Hindi po," sagot ko at binalik ang tingin kay Oliver.
Hindi nga nagtagal si Oliver sa apartment ni Villegas. He just went here to check on him. Pinadaanan daw ng Ate ni Villegas sa boyfriend niya. Hindi raw kasi naka-uwi si Villegas sa kanila. Abala nga kasi siya nitong mga nakaraan.
"Tuwing kelan ka ba umuuwi sa inyo?" tanong ko.
Nasa rooftop kami ng apartment niya ngayon. Umakyat kami nang makaalis na ang boyfriend ng Ate niya. Wala rin naman kaming gagawin sa loob. Wala rin ako sa mood para manood ng TV.
"Every Sunday," sagot niya. "Minsan umuuwi ako kapag hanggang ala una lang ang klase ko. Babalik din dito kapag gabi."
Tumango ako. "E, diba busy ka nitong nakaraan. Kaya 'di ka naka-uwi."
"Hmm," sagot niya. "Pero alam naman nila Mama na tinulungan ko si Lindsay. Mama was planning to go here to help too. Si Say lang ang tumanggi, para less hassle raw."
Tumango-tango ako.
Close si Lindsay sa Mama niya. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil magkababata sila. At malapit sa bahay nila Lindsay ang bahay nila noon rito sa Legarda. At simula elementary magkaklase na sila.
"Lindsay has no one to help her," aniya pa. "Nasa abroad ang Mama niya. Siya ang panganay at nag-aaral din ang mga kapatid niya. And her father... they're not in good terms. She needed me."
Maliit na umawang ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Tinitigan ko ang gusali sa malayo habang pinapasok lahat sa utak ko ang sinabi niya. Tila kinain ako ng kung ano man dahil sa nalaman ko.
I was so guilty at some point, for an unknown reason. Lalo pa at nalungkot ako dahil ang tagal naming hindi nagbonding. Iyon pala, kailangang-kailangan siya ng tao. She only have him that moment. I feel so selfish all of a sudden.
"S-sorry..." I mumbled.
"Hmm? Saan?" he asked.
Lumunok ako habang pinanatili ang tingin sa gusali. "Naalala mo iyong sinabi ko? Na busy akong malungkot?"
"Hmm. At sinabi mo, secret," aniya.
I sighed. "Ang totoo kasi... habang busy ka, busy din akong malungkot. Kasi... hindi ako sanay na 'di tayo nagbobonding. Gusto kong magbonding tayo noong mga nakaraan. Naisip ko lang, kung nagbonding tayo, walang tutulong sa kaniya..."
I took a deep sigh. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at binalingan si Villegas. Nakatingin na siya sa'kin, medyo nagulat sa sinabi ko. His lips were a bit parted too. Maliit na umalon ang lalamunan niya.
"Pakiramdam ko tuloy... 'di valid 'yung lungkot na naramdaman ko. Kasi 'di naman mema 'yung pinagkaabalahan mo e. Hindi lang naman tayo nagbonding kasi busy ka. Pero kung 'di ka busy, alam ko naman na magbobonding tayo e."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. Mabilis siyang umusog palapit sa'kin at agad akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero 'di ako gumalaw. Sa 'di malamang dahilan, may nagbabadyang luha na sa mga mata ko.
He cursed underneath his breath. "Rain, I didn't know that you were sad..."
"G-gago ayos lang," a tear fell from my left eye. "Ayos lang."
"What can I do? What should I do? To make you feel okay?" mahina ang boses niya.
"Ayos na 'to," tukoy ko sa yakap niya.
***
BINABASA MO ANG
Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)
Fiksi RemajaSPSeries #4 : Across the Sky (Rainier's Story) 4 of 5. Trying to escape the sadness of reality, Lauraine Latisha, from PUP College of Engineering, just wanted to be drunk as fuck. 'Cause the bitter taste of alcohol was easier to swallow than the...