Forty-one

54 2 0
                                    

ATS: Chapter 41


I was biting my lower lip real hard. I left the dorm very early, 'cause last night I decided to come over his place. Maaga nagbubukas ang LRT station kaya nagtren ako papunta sa Legarda. It wasn't a long ride. Kaonti lang din ang tao kaya nagawa kong maupo sa loob ng tren kanina.


Although I had the chance to somehow reflect last night, I didn't reply to any of his messages still. One of his texts, he told me that he'll come over. Daanan daw niya ako sa dorm at sabay daw kaming magbe-breakfast.


He's always been like that, I've noticed. Kapag 'di ako nagrereply sa kaniya, palagi niyang option ang sunduin ako sa dorm at sabay kaming kakain. He's been doing his part always. So, I came up with the idea to break it.


Kaya ako na ang dumayo sa apartment niya. Kahit sa maliit na bagay lang, gusto ko rin namang maging fair kay Villegas. Even if I decided already that I'll come over, I remained silent. 'Di, ako nagsabi sa kaniya sa text na ako na ang pupunta.


It was too early in the morning, the sun hasn't risen yet. Medyo ma-asul asul at itim pa ang langit na may kaonting kahel. It was approximately 5 A.M. Bukas pa nga ang iilaw sa malayong gusali na natatanaw sa hallway ng gusali ni Villegas. It was very quiet too and peaceful. And cold.


I licked my lower lip and heaved a sigh. Umayos ako sa pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa pader sa tabi ng pintuan ng silid niya. I licked my lower lip again before facing his door. I hope he's awake now. At the count of three, I knocked on his door.


Umayos ako sa pagkakatayo matapos ang tatlong beses na pagkatok. Hinawakan ko ang isang strap ng bag ko. Ang isa naman nasa lanyard ko. I pursed my lips when the door knob moved. After that, the door finally opened.


Maliit na umawang ang labi ni Villegas nang ako ang mabungaran niya. Katatapos lamang niya maligo. Naka-jeans na siya pero sandong puti pa lang ang suot niya sa taas. Nakasabit din ang tuwalya niya sa balikat. Nagpupunas siya ng buhok niya, ngunit naiwan sa ere ang kamay dahil sa'kin.


"Oy, m-morning..." bati ko, binasa ang pang-ibabang labi pagkatapos.


Pinasadahan niya ang kabuoan ko. Kaya napatingin din ako sa sarili. Light brown na cargo pants ang suot ko at puting hoodie. Naka-jersy shirt naman ako sa ilalim. Masyadong malamig kaya nagsuot ako ng hoodie. Huhubarin ko rin naman kapag nasa CEA na at kapag tirik na ang araw dahil masyado nang mainit 'nun.


"Morning. Pasok ka, Rain," he said when he finally accepted the fact that I'm here. "You're too early..."


"Bawal pa ako sa apartment mo kapag morning?" I asked innocently.


"Hindi sa ganoon. Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka. Hindi ka nagreply sa mga... text ko," he cleared his throat. "Ako dapat ang pupunta sa dorm mo mamaya..."


I pursed my lips to stop myself from pouting. "Parehas lang naman. Magkikita rin naman tayo kahit ako pa ang pumunta..."


Dahan-dahan siyang tumango sa sinabi ko. "Hmm, sabagay..."


"Puwede na rin na rito nalang tayo magbreakfast. Kung gusto mo lang naman, para 'di na tayo gagastos? Tapos sabay na tayong papasok..." suggest ko.


His lips parted a little with my suggestion. He then pursed it immediately to suppress a smile. May multo ng ngiti na sa labi niya. Nagbaba ako agad ng tingin dahil doon. He moved a little that made me look at him again. He nodded his head as if telling me to get inside.


Tahimik at maingat akong pumasok sa loob. Nilapag ko ang bag ko sa couch niya at naupo roon para tanggalin ang sapatos. Nang mag-angat ako ng tingin, naabutan ko siyang pinapanood ang mga kilos ko. He pretended that he was drying his hair. Tumalikod din siya para isara na ang pintuan niya.


Tumayo ako sa pagkaka-upo sa couch para ilagay ang sapatos ko sa shoe rack. 'Di ko na hinubad ang itim kong medyas. Kaya medyo naging madulas ang sahig. He smiled at me when I glanced at him.


"Anong gusto mong breakfast?" he asked.


"Itlog nalang," sagot ko.


"Beef patty? Gusto mo rin? Marami akong pagkain ngayon, kago-grocery lang."


"Sige. Beef patty rin," sagot ko na may kasamang pagtango.


Sinamahan ko siya sa kitchen pero naka-upo lang ako sa folding wooden chair. Nakapatong ang isa kong paa sa isa pang upuan. He let me borrow his PSP again so I won't get bored. While he was busy cooking, I was busy playing Tekken.


Napaangat ako saglit ng tingin sa kaniya nang hilain niya ang isang upuan palapit sa'kin. Napatingin ako sa niluluto niyang itlog at patty. Nakapatong iyon sa may sink at nakatakip. 'Di pa luto ang kanin na nakasalang pa rin hanggang ngayon. Nagpa-init din siya ng tubig.


"Kumusta ka naman, Rain?" he asked as soon as he was seated.


Binalik ko ang tingin sa PSP niya. "Goods lang."

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon