One

160 3 0
                                    

ATS: Chapter 1


"Akala nga namin kaya aalis na si Rain kahapon dahil matatalo na namin siya e," si Joaquin sabay ngumisi sa'kin.


Pagilid ko siyang sinulyapan habang kumakain. Nasa sisigan kami sa may Teresa. Lunch break namin at dito kami madalas kumain. Bukod sa masarap ang pagkain nila, may libre pang iced-tea. Unlimited pa ang tubig na may ice tubes.


"Oo, Jordan, akalain mo 'yun? Pumalya siya kahapon! Partida, wala ka, kaya nahirapan kami," si Justin matapos ibaba ang baso ng iced-tea niya. "Pero kahit wala ka, nagawa pa rin namin maglaro!"


"Tapos sabi ni Rain pinagbigyan niya lang daw ako? Tch," umismid si Joaquin sa'kin. "Kahit ang totoo palpak naman talaga siya!"


"Ingay niyo naman. Kumain na kaya kayo," umismid ako sabay kuha ng sisig sa plato ni Jordan.


Napalingon siya sa'kin, kaya nginisihan ko siya. Hindi naman siya nagreklamo at hinayaan akong kumuha ng sisig. Binalik din agad niya ang tingin kay Joaquin na panay kuwento tungkol sa nangyari kahapon. 


"Kung 'di nga dumating iyong Krisostomo, feeling ko panalo na namin 'yun ni Justin e," aniya at nilingon si Justin na nag-umpisa nang kumain. "Diba, Tin? Panalo na natin 'yun? May bago tayong strat e."


"Ay oo! 'Yung sinasabi ni Joaquin sa GC natin kahapon? 'Yung Krisostomo? Akala ko sasapakin ni Rain 'yun kahapon," palong-palo ang pagkakasabi ni Justin kaya umirap ako.


Naramdaman ko ang pagbaling ulit ni Jordan sa'kin. Kaya tinaasan ko siya ng dalawang kilay. Mabagal na ang pagnguya ko habang nakatingin sa kaniya.


"Ano? Ano?" tanong-tanong ko. "Sabi mo kilala mo ako noong Junior High, Jordan. Hindi naman ako basag ulo ah," depensa ko sa sarili.


Hindi kami magkakakilala at magkakasama noong Junior High nila Joaquin. Ngayong grade 11 lang kami nagsama-sama. Kaya ngayon ko lang din nalaman na galing pala kami ni Jordan sa iisang school last year.


Kilala raw niya ako at nakikita noon lalo na sa comshop malapit sa school. Na-astigan ako, kaya sa kaniya ako tumabi noong unang araw ng pasukan. E, bandang likod din nakaupo si Justin at Joaquin. Kaya nakasama na rin namin sila ni Jordan palagi. Same vibes e.

"Asus, sabay kukuning kakampi si Jordan. Amin si Jordan e. Tatlong J kami e, ikaw R," si Joaquin akala mo nanakawin ko pera niya.


"Tanga, L ako," umismid ako.


"Ah oo nga, Lauraine ka pala. Puwede rin namang R ah, Rain tawag namin sa'yo e. Gagawin mo pa akong bobo," aniya.


"Lah, 'di ka pala bobo?" sabat ni Justin, kaya ngumisi ako.


"Hoy! Justin, akin ka ah!" dinuro ni Joaquin si Justin ng tinidor niya.


"Ge, iyo na si Justin. Akin si Boss Jordan," sabat ko sabay baling kay Jordan ulit.


Tumitig lang si Jordan sa'kin sabay nagkibit ng balikat maya-maya. Muli na siyang nag-umpisang kumain. Nagkibit din ako ng balikat at pinagpatuloy na rin ang pagkain ko. Si Joaquin binuksan na naman bunganga para magsalita nang kung ano-ano kahit kumakain kami.


Bumalik na rin kami sa room matapos kumain. Precal ang subject after lunch. Kaya antok na antok na naman si Joaquin. Nakita kong mahina siyang hinampas ni Justin ng notebook sa mukha. Napaayos nang upo ang ugok sabay nagkamot ng ulo. 


"Makinig ka gago!" mahinang sigaw ni Justin sa kaniya.


"E..." reklamo nang hindi pa nahihimasmasang si Joaquin. "Andyan naman Rain, sa kaniya na ako papaturo. Mas naiintindihan ko," humikab siya sabay lingon sa'kin. Kaya tinaasan ko ng gitnang daliri.


Napatingin ako kay Jordan ng ibaba niya ang daliri ko. Umiling siya, seryoso ang mukha dahil nakikinig nang maayos sa discussion. Umismid ako sa kaniya at ngumisi bago binigay ang atensyon sa harapan. Nagso-solve ang teacher namin doon.


"Ano? Sa bilyaran ulit?" si Joaquin na gising na gising noong uwian.


"Pass ako," sagot ni Jordan.


"Ulit?" si Justin.


"Pass nalang din muna ako," sabi ko, kaya napatingin ang tatlo sa'kin na para bang nakita nila ang mga kasalanan ko. "Ano? Puyat ako. Inaral ko buong gabi 'yung quiz para next week. Kaya diretso dorm na ako ngayon para matulog."


"Ah, may beer kasing nauwi kahapon. Kaya nag-aral ng advance," tumatawa-tawa si Joaquin. "Kaya sa'yo ako Rain e! Nag-aaral kapag nakainom."


"Lol, ayaw ko sa'yo," ngumisi ako.


"Lol! Kinilig lang atay mo kahapon para roon sa may-ari ng beer eh!"


"Oh, labas ako dyan ha. 'Wag mo turuan sa precal 'yan, Rain, inaasar ka," si Justin, tunog kakampi na ako ngayon.


"Kinilig kanino?" si Jordan na halatang 'di alam pinag-uusapan namin dahil wala siya kahapon.


"Iyong may-ari ng beer, Dan," si Joaquin, sumisipsip kay Jordan.


"Maniwala ka dyan. Sabog na 'yan," ngumisi ako at nauna nang lumabas sa room.


Humihikab-hikab ako habang papasok sa dorm. Maraming tao sa may lounge ng dorm, nag-aaral. Sinulyapan ko lang sila at dumiretso na sa taas kung saan ang kwarto ko. Binuksan ko agad ang pintuan para lamang marinig ang tawa ng roommate ko. Napairap na agad ako.


Napalingon siya sa'kin nang isara ko na ang pintuan matapos pumasok. Kumaway siya at ngumiti, hindi ko pinansin. Dumiretso ako sa kama ko at nilapag lang sa may sahig ang bag. Mabilis na akong humiga sa kama at nilagay ang braso sa may mata ko.


Umirap ako sa isipan nang marinig ang boses ng roommate ko. Tumatawa-tawa na siya ngayon dahil sa pinapanood niyang cartoons. Paulit-ulit na nga ata niya iyong pinapanood. Simula nang dumating siya rito sa dorm, tatlong buwan na ata ang nakalilipas, ayan na ang pinapanood niya.


Hindi ko alam kung marami bang episode at season iyon, o talaga inuulit-ulit niya lang. Ano namang maganda sa pinapanood niya? Cartoons iyon na may tatlong teddy bears. Iyong brown na bear, puti at iyong panda. Fan na fan ata ng cartoons na iyon, lalo pa at may stuffed toy siyang Grizzly bear.


Marahas kong inalis ang kamay sa may mga mata ko nang lumakas ang tawa niya. Nilingon ko siya na nasa laptop lamang ang tingin. Hindi ba niya alam na matutulog ako? Palibhasa humihilik na siya kagabi noong nag-aaral ako. Badtrip naman!


Akmang sasawayin ko siya nang tumunog ang cellphone ko. Nasa loob iyon ng bag ko, kaya napatingin ako sa sahig. Mabilis at medyo iritado kong kinuha ang bag doon, hindi inaalis ang tingin sa roommate ko.


Napalingon siya sa'kin, dahil naabutan niyang nakatingin ako sa kaniya, malapad siyang ngumiti. Inirapan ko nga sabay kuha ng cellphone sa loob ng bag ko. Hindi ko na ulit siya tinignan at binuksan na ang cellphone.


Mama:

Lauraine? Available ka ba ng Friday anak? Punta ka sa bahay kung oo. Dinner anak.


Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa text ni Mama. Anong meron sa Friday? Napatingin ako sa desk calendar ng roommate ko para tignan kung anong meron sa Friday. Wala naman. Normal na araw lang naman.


Ako:

Across the Sky (Sintang Paaralan Series # 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon